Sunday, February 19, 2012

ROBOTIC FLIES VS CHINESE

KAHANGA-HANGA ang talino ng mga KABATAANG PINOY sa paggawa ng ROBOTS.
Mas mainam sana ay makagawa sila ng ROBOT na kasinlaki ng LANGAW.
At umimbento sila na nakapagtatangay ito ng PULBURA.
Tiyak na PAPAKYAWIN yan ng mga KANO.
Kapag hindi nila PINAKYAW, paramihin natin nang paramihin—at IISTAK natin yan sa SPRATLYS.
Tapos ang PROBLEMA, kahit ang CHINA ay matatakot sa atin.
Kasi puwedeng ILABAN natin sa kanila ang LIBO-LIBONG ROBOTICS FLIES na may tangay na tig-iisang BUTIL ng PULBURA.

------$$$---
SA totoo lang, kahit ang SATTELITE na naka-TALALA o naka-STANDBY lang sa KALAWAKAN ay kayang gawin ng Pinoy.
Kasi’y simpleng matibay na LOBO lang ito na NAKALUTANG sa ALAPAAP na may naka-install na CAMERA at ANTENA.
Yun lang yun.
Ganun kasimple lang yun.
Siyempre, yung CAMERA—ay may wireless connection sa computer na nasa isang LIBRARY lang ng bahay.

-----$$$--
MARAMING inobasyon na kayang gawin ng Pinoy.
Pero, ang pinakamainam na gawin ay ang isang “watership” na submarinong makakasisid sa pinakamalalim na KARAGATAN sa Pilipinas, tangay ang SCIENCE INSTRUMENT.
Kapag nagawa ng Pinoy yan, pwede na nating saliksikin ang pagmimina ng DEUTERIUM na nasa KAILALIMAN ng sahig ng dagat.
Kumbaga, may SANGREKWANG ENERHIYA sa paligid ng ARKIPELAGO ng Pilipinas.

-----$$$--
SA totoo lang, hindi natin dapat ASAHAN ditto ang BULOK na gobyerno kasi’y gaano man KALAKI ang budget, tiyak na NANAKAWIN lang yan ng mga kamag-anak ni Lolong.
Yung kasing mga SOBRANG YAMAN ay hindi na dapat sumali pa sa GOBYERNO—kasi’y mabibisto lang sa inyong SALN ang inyong PINAGPAGURAN.
Imbes na UBUSIN ninyo sa politika ang salapi, ubusin ninyo yan sa RESEARCH AND DEVELOPMENT.
Yan ang maitutulong ninyo sa ating INANG BAYAN at mabibigyan ng trabaho ang mga istambay.
Isang hopeless case na ang GOBYERNO---wala nang mabuting kauuwian ito.
Pero ang PRIBADONG SEKTOR na may pagmamahal sa BAYAN—yan ang kailangan natin.
(BISTADO column, Bulgar newspaper,Feb. 20, 2012 issue, unedited. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot,com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

No comments: