Monday, February 13, 2012

Calm in the midst of the storm

MAGANDA ang ulat na dadalaw ang Vice President ng China na si Xi Jinping sa United States upang pormal na makausap si US President Barrack Obama.
Isang malamig na tubig ito na magpapahupa ng umiinit na banggaan ng US at China.
Nilinaw ni Xi na ang buong Asia ay maluwag para sa maniobrahan ng US at China kung saan hiniling niya sa US at mga kaalyado nito na ipokus ang atensiyon hindi sa militarisasyon ng buong daigdig, bagkus ay sa pagpapasigla ng EKONOMIYA ng mga bansa particular sa Asia.
Pasaring ito sa US na nagpaparami ng bilang ng US troops at armas de giyera sa Pilipinas at Australia gayundin sa Japan, Vietnam, South Korea at Singapore.
Inaasahang si Xi ang papalit kay President Hu Jianbao sa taong 2013 kaya’t ang kanyang pahayag ay sapat ang magpahupa ng iringan.
Nagaganap ito sa kainitan ng kaguluhan sa Syria at banta ng Israel na bombahin ang Iran sa hinalang gumagawa ng nuclear arsenals ang Islamic Republic.
Sa Pilipinas, sa kabila ng mainit na bangayang political, ay walang sinumang lider na nagsusulong na PASIGLAHIN ang ekonomiya imbes na ibuhos ang panahon at resources sa mapangwasak na impeachment proceedings.
Anu’t anuman, ang pahayag ni Xi ay magbibigay-aral hindi lang sa buong mundo kundi maging sa mga lider ng ASEAN particular sa Pilipinas.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 14, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com. )

No comments: