Saturday, February 25, 2012

HENDE AKU BISAYA: MAY IBIDINSIYA K B?

NILINAW ni Presiding juror Juan Ponce Enrile na hindi isang criminal court ang Impeachment Body.
Iyan mismo ang paulit-ulit nating sinasabi sa kolum na ito.
Hindi dapat ituring ang Impeachment Body na tila regular na TRIAL COURT.
Iyan ay PRODUKTO ng pagsasaliksik ni Enrile sa mga law books gabi-gabi.

----$$$--
BINIGYAN-DIIN din ni Enrile na hindi kailangan ang “BEYOND REASONABLE DOUBT”—ang pagbabatayan ng QUANTUM OF EVIDENCE.
Ibig sabihin, hindi kailangan na SOBRANG TIBAY ang ebidensiya para ma-CONVICT si CJ Renato Corona.
Mahalagang maipaliwanag ito sa ordinaryong tao.
Kasi’y kapag “beyond reasonable doubt”, mahihirapan ang mga SENATOR-JUROR na makapag-APPRECIATE ng mga ebidensiya na kasinghusay ng mga MAHISTRADO.
Dahil ditto, maikukumpara ang Impeachment Body sa isang GRAND JURY na minsan na rin binanggit ni Enrile.
Sa umpisa pa lamang, ay palagi nating pinagdidiinan na KAILANGANG MAKILALA muna kung ANONG KLASE ng HUKUMAN o BULWAGANG KATARUNGAN ang Impeachment Body.
At tanging ang KOLUM na ito lang ay NAGLALAHAD ng ganyang paga-ANALISA na napakahalaga upang maunawaan ng ordinaryong tao ang impeachment proceedings.
At mahalagang aspekto rin ito upang MAKAPAGDESISYON nang malinaw at maayos ang mga SENATOR-JUROR.

-----$$$--
SANA’Y ituloy ni Enrile ang PAGLALABAS ng RULINGS at GABAY na pang-MASA upang maging matagumpay ang impeachment proceedings na tila MATATAPOS nang maayos sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan.
Sa ngayon, tanging si Enrile lamang ang may KAKAYAHAN at TALINO na iayos ang impeachment proceedings na magiging PAMANTAYAN sa mga susunod pang kaso na katulad nito.
At ito rin ang magiging AMBAG ni Enrile sa ating kasaysayan-- judicial at political systems.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 26, 2012 issue. UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

No comments: