NAIINGGIT si Pareng Erap sa BUWENAS na natitikman ni CJ Renato Corona.
Kasi daw ay NABIYAAN si Corona ng IMPARTIAL o PATAS na presiding judge sa katauhan ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Tuwirang inakusahan ni Erap na HINDI PATAS ang dating presiding judge na si HILARIO DAVIDE sa panahon ng kanyang impeachment trial.
Mas grabe, inakusahan niyang KAKUTSABA si Davide sa pagpapatalsik sa kanya.
Umaasa si Erap na matatapos ang impeachment trial sa isang PATAS na paraan.
Malaki ang TAMA ni Erap.
----$$$--
SA panahon ni Erap, nauna ring nag-PRESENTA ng ebidensiya ang prosekusyon na SINABAYAN.ng media propaganda.
Pero matapos ang prosekusyon—at magsisimula naman ng PRESENTASYON ang DEPENSA—bilang nag-WALKOUT ang mga “walanghiyang prosecutors”.
Sino ngayon ang hindi MAIIYAK?
Kumbaga, sa basketball, makaraang mag-SYUT yung unang koponan sa kanilang goal at inilipat ang INBOUND ng BOLA sa goal ng DEPENSA—biglang nag-WALKOUT ang kalaban, at nag-BROWNOUT.
Tapos na raw ang LIGA.
Talagang maghuhuramentado ka kung ikaw ang COACH ng “dinayang koponan”.
Imbes bigyan ng HUSTISYA, ikinulong pa ang COACH.
Napaka-wawalanghiya talaga!!!
Hu! Hu! Hu!
Hinagpis lang ang naiwan kay Erap.
Higit pa TELENOBELA ang buhay niya.
-----$$$--
HINDI pa dyan nag-THE END ang istorya.
Yung kanyang BESTFRIEND FOR EVER na si Da King na sana ay SASAGIP sa kanya at magbibigay ng HUSTISYA—kahit PANALO sa BOTO—ay hindi naupo sa Malacanang.
Yung ikalawang SUSPENSE, bitin na naman si Erap, hindi lang NADAYA yung kanyang KUMPADRE.
Sa sobrang sama ng loob, NA-STROKE ito at NAMATAY.
Linsiyak na ISTORYA yan—PARANG SCRIPTED, parang hindi TOTOO.
Fiction na fiction yan, pero aktuwal nating nasaksihan at NARANASAN.
Tsk, tsk, tsk.
-----$$$--
MARAMI ang bumilib kay Sen. Lito Lapid nang SUMALI sa pagtatanong sa Impeachment Trial.
Sabi niya ay simula lang yun at GANADO na talaga siya.
Pero, nang mapag-usapan yung DOLLAR ACCOUNT ni CJ Corona ay bumalik na siya sa upuan at tumahimik.
Baka daw may NAGBULONG:
Lahat daw ng MAGTATANONG na SENADOR sa susunod na agenda—ay ilalantad din ang “kanya-kanyang” DOLLAR ACCOUNT.
Baka MATAGALAN pa bago MAGTANONG uli si Sen. Lapid.
Ha! Ha! Ha!
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 03, 2012 issue , unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)
---30---
No comments:
Post a Comment