MAY magandang balita sa mga ISTAMBAY o mga walang trabaho na nagnanais na maging SKILLED WORKER.
Alam ba ninyong KINILALA at in-ACCREDIT na ng International Organization for Standardization (IOS) ang TESDA?
Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay dating National Manpower and Youth Center (NMYC) sa Taguig City na nagsisilbing sentrong sanayan sa mga obrero at kabataan.
Ano ang implikasyon nito?
Ibig sabihin ang mga TESDA graduates ay madali nang MAPAPASOK ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil MAGPAPATAAS ito sa kalidad ng training sa Pilipinas.
Malaki ang tsansa na DUMAMI pa ang OFWs na nagpapasok ng dollar remittances na nagsisilbing gulugod sa ating ekonomiya.
Naitatag ang NMYC o TESDA sa panahon pa ni dating Pangulong Marcos pero ngayon lamang ito nabigyan ng ganyang pagkilala.
Pero, inamin mismo ni TESDA Director General Joel Villanueva na kapos pa rin ang programa kaya’t ipinatutupad din ngayon ang tinatawag na “Dual Training System” (DTS).
Ibig sabihin, hindi lang tutok sa skills training ng obrero kundi maging sa iba pang aspektong ng edukasyon tulad sa komunikasyon at lengguwahe.
Malaki ang TAMA ditto ng anak ni Bro. Eddie.
He, he, he.
-----$$$--
MAS mainam sana ay matuloy ang planong na idiretso na ang training ng mga obrero sa iba’t ibang kompanya na nakabase sa Clark at Subic Economic Zone.
Ibig sabihin, diretsong magkakaroon agad ng trabaho ang mga trainees.
Sa totoo lang, ang ganitong programang pang-masa at pang-MAHIRAP ang siyang dapat ipinaprayoridad ng gobyerno at pinagbubuhusan ng todo ng administrasyon imbes ang impeachment proceedings.
Tama o mali?
-----$$$--
MAGKAKAIBA ang ulat kahapon kaugnay sa DINUKOT na siyam na mamamahayag sa Zamboanga.
Sa unang ulat, sinabing binihag sila kasi’y tinangka nilang ISIWALAT o ikober ang ILLEGAL NA AKTIBIDAD ng mga MINING companies.
Pero, may lumalabas na ulat na na-STRANDED lamang ang MEDIAMEN dahil sa landslide at malakas na ulan.
Pero, kinumpirma ito ng Malacanang at umaasang makakaligtas ang mga biktima ng hostage-taking.
Alin kaya ang totoo?
Tsk, tsk, tsk.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 21, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment