SOBRANG init sa nagdaang dalawang araw.
Senyales ito ng panahon ng tag-araw.
Pero ang pamamaalam ng ulan ay hindi dapat ipagsaya bagkus ay dapat gamitin ang tag-araw bilang PAGHAHANDA sa tag-ulan na katumbas din ng tag-BAHA at tag-GUHO ng lupa.
Ibig sabihin ang pagkontra sa BAHA ay dapat sinisimulan sa panahon ng tag-araw upang tiyakin na MALILINIS sa kuyagot ang mga kanal, estero at iba pang daluyan ng tubig.
Panahon ito ng PAGTUKOY sa espesipikong lugar, posisyon o teritoryo na delikadong matabunan o gumuho ang lupa o MALUBOG sa tubig.
Ang information drive laban sa BAHA at GUHO—ay hindi dapat isinasagawa kung kailan nagsisimulang pumatak ang ulan, bagkus ito ay epektibong isagawa sa simula pa lamang ng TAG-ARAW.
Ang paalalang ito ay hindi isang EXPERT ADVISE, bagkus ay simpleng SINTIDO KUMON o common sense.
Walang binabanggit ditto na MALAKING PONDO upang paghandaan ang tag-ulan bagkus ay simpleng maagang preparasyon.
Nangangahulugan na HINDI PONDO ang kailangan laban sa trahedya.
Hindi KAPOS ng pondo ang gobyerno, bagkus KAPOS lamang sila sa UTAK.
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment