GRABE na ang PERSONAL NA AWAY nina PNOY at CJ Renato Corona.
Isang tipikal nang AWAY-PALENGKE ini.
Kulang na lang ay magtitili si Corona nang: “Bakla! Bakla!”
At kulang na lang ay rumesbak si PNoy nang: “Supot! Supot”.
Ha! Ha! Ha!
-----$$$---
ERE naman si Senate President Juan Ponce Enrile halatang TRYING HARD na magkaroon ng magandang “ENDING” o “WAKAS” ang kanyang political career.
Nakakaawa si Enrile lalo pa’t inaamin niya na HINDI siya NATUTULOG—para lang mag-RESEARCH at MAGBASA ng “law books”.
Kung tayo o ang kolum na ito ang TATAYA o magbibigay ng PREDIKSIYON, masyado tayong nag-aala o NABABAHALA sa “kalusugan” ni Presiding Juror Enrile.
Sa edad 88, baka hindi nito makaya ang pressure at stress.
Baka hindi niya “matapos” ang impeachment, yung EXCELLENT ENDING—ay baka mapalitan ng BLACK ENDING.
Hindi po tayo nananakot, seryosong nagpapaalala po at NAGMAMALASAKIT.
----$$$--
MAINAM pa si Sen. Miriam Defensor Santiago dahil AMINADO siya at konting BUGNOT ay nagpapa-METRO ng BLOOD PRESSURE.
Dapat ay MALASAKITAN ni SP Enrile ang sarili niyang KALUSUGAN—para sa IKAAAYOS mismo ng impeachment proceedings at matapos ito nang MAGANDA.
----$$$--
GUSTO lang natin imungkahi na dapat ay magpa-SUBSTITUTE si Enrile kahit paminsa-minsan at SANAYIN o HASAIN niya ang kanyang mga kanang-kamay tulad ni Pro-tempore Jinggoy Estrada o si Majority Floorleader Tito Sotto.
Dapat ding pag-usapan ng BODY OF JURORS kung sino ang PUWEDENG pumalit kay Enrile sakaling magkaroon ng problema o kailangan niya ng kahit KONTING PAHINGA.
Sa ngayon, awtomatikong si Sen. Jinggoy ang papalit, dapat ay ngayon pa lamang ay BIGYAN niya ng oportunidad ang anak ni Erap na mag-PRESIDE sa impeachment body—kahit PASANDA-SANDALI lang.
-----$$$--
MAAARING ninenerbiyos o mawalan ng tiwala sa sarili sinuman kina Estrada at Sotto dahil hindi sila mga abogado, pero hindi naman ito dapat nilang ikabahala, dahil tulad ng sinasabi ng kolum na ito, ang impeachment body—ay isang BODY OF JURORS at hindi isang totohanang TRIAL COURT.
Ibig sabihin, maluwag ang proseso at patarakan ditto.
Masyado lang naging teknikal nang MARKAHAN ng mga senador ang mga sarili nila na SENATOR-JUDGES ng isang Impeachment Court.
Pero kung pagbabatayan mismo ang pinakahuling pahayag ni Enrile—ito ay isang BODY OF JURORS at ang mga senador ay mga JURORS kung saan malayang makapag-diskusyon ng ebidensiya at mag-desisyon nang SAMA-SAMA na may luwag at PAGKAKAUNAWAAN.
----$$$--
PAULIT-ULIT nating binabanggit ito upang maunawaan ng LAHAT ang proseso sa impeachment upang matumbok at maabot natin ang maayos, mayapa at katanggap- tanggap na resulta ng pagdinig.
Sana’y maunawaan ito ng mga kinauukulan.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb 19, 2012 issue, unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment