Monday, February 13, 2012

VALENTINE'S SLAY

HAPPY Valentine’s Day po.
Birthday ngayon ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Birthday din ni Kristeta.
Lahat yata sila ay PEBRERO.
Kwidaw, LEAF YEAR ngayon.
Husto ngayon ang BILANG ng kanilang buwan.
He, he, he.

----$$$---
ARAW ngayon ng mga Puso.
Bawal magalit si Mang Johnny.
Huwag sana siyang MABUGNOT sa objections at manifestations.
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
MARAMING kababayan natin sa Bulacan ang nag-text kaugnay ng insidente na kinasangkutan ni Bokal Allan Robes.
Nagtataka kasi ang mga kababayan natin dahil kilalang tahimik na pamilya ang pinagmulan ni Robes na APO ng dating punong bayan ng San Jose del Monte sa Bulacan.
Tahimik na pamilya ang pinagmulan ni Bokal Robes kaya’t nagtaka ang mga Bulakenyos nang lumabas ang naturang ulat ng pagpatay sa bahay ng kanyang biyenan na si ex-Rep. Nanette Daza.

-----$$$--
ISANG tipikal na pang-Valentine’s Day ang insidenteng ito na lingid sa kaalaman ng marami.
Hindi agad nakapagbigay ng pahayag si Robes at maging ang kanyang misis na si Jessica, isang konsehala sa Quezon City na nagdadalang-tao at ang biyenan na dating kongresista dahil tiyak na tulala sila at SHOCKED sa pangyayari.
Kasi’y dating nobyo ng kongresista ang biktimang si Noel Orate Sr.
Kahit sino ang NASA KALAGAYAN ng Pamilya Daza ay tiyak na MATUTULALA at siyempre, magiging maingat sa testimonya.

-----$$$--
PANG-Valentine’s Day ang istorya dahil ang insidente ay may kaugnay sa PAG-IBIG.
Una, nais makipagbalikan ng biktima sa kanyang dating KASUYO, pero tinanggihan siya na naging dahilan ng sinasabing pangho-hostage at panunutok ng baril.
Sa kabilang panig, halimbawang ikaw ang nasa katayunan ni Robes—kung saan binihag ang iyong MISIS na nagdadalang-tao at DALAWANG MAHAL mo sa buhay—ang nasa BINGIT-NG-KAMATAYAN—ano ang gagawin mo?
Sinasabing binihag din ang ina ng kanyang misis at kanyang biyenan na dating kongresista.
Bagaman, wala masamang record sa pulisya si Robes, pero nakanganganib ang buhay ng TATLONG MAHAL sa buhay at kanya mismong buhay, mahirap magdesisyon sa kritikal na oras na iyon.
Minabuti ni Robes na isakripisyo ang kanyang political career bilang BOKAL ng lalawigan at pikit-matang pinaputukan ang suspek.
Sa ngayon, nahaharap sa kasong homicide si Robes dahil naunawaan ng PISKALYA ang kanyang kinasadlakang sitwasyon.
Kung inisip lamang ni Robes ay ang kanyang sarili at “pangalagaan” ang kanyang PANGALAN bilang isang promising provincial leader—maaaring “nabaliktad” ang istorya—magiging MALAGIM NA BANGKAY ang kanyang MAHAL na asawa, hindi makakakatikim ng buhay ang kanyang ANAK at mawawala rin ang kanyang biyenan.
Pero, ngayon si Robes ay kusang sumuko—at nahaharap sa isang MASELANG kaso kung saan, maaari rin siyang MAPAHAMAK.
Pero, ang mahalaga—LIGTAS ang kanyang mga MAHAL sa buhay.

-----$$$--
SA totoo lang, sakaling nabaliktad ang istorya—isang PANIBAGONG kaso ito na ala-RAMGEN REVILLA at VIZCONDE MASSACRE.
Maari tayong bulagain ng HEADLINE-- pinatay at MINASAKER ang mga biktima sa LOOB ng sariling silid, sa loob ng sariling bahay at sa loob ng sariling bakuran.
Kung nagkataon, iba ang banner ngayon: BLACK VALENTINE’S!!
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb. 14, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com. )

No comments: