LINGID sa kaalaman ng marami na naninirahan sa Kamaynilaan, dumaranas ng walang patid na BROWNOUT ang mga kapatid nating naninirahan sa Mindanao at Bisayas at maging sa Mindoro, pero hindi ito inihayag sa MEDIA—diyaryo, radio, telebisyon at internet web sites.
Pinakamatindi sa Mindoro at ang sanhi ay artipisyal lamang dahil NAG-AAWAY ang mga KOOPERATIBA at ang ilang POWER DISTRIBUTOR na nais makopo ang transaksiyon sa negosyo.
Inutil ang gobyerno particular ang Department of Energy na pumagitna sa isyu—gayong HOSTAGE at BIHAG ang milyon-milyong konsiyumer sa mga liblib na lugar.
Hindi prayoridad ng gobyerno ang mga nasa liblib na lugar particular sa dulong Luzon, Visayas at Mindanao—sapagkat kakaunti lang ang BOTO nito.
At kahit dumaing sa TEXT, kakaunti lang ang LOAD ng mga ito kaya’t hindi rin pinapansin ng mga MEDIA ENTITIES na tanging pag-asa nila.
Sa Mindanao ay yan din ang sitwasyon, nag-aaway away at nasusuwapangan ang mga power distributor kung saan ibinenta ng Napocor ang kanilang planta na bahagi ng privatization.
Maliwanag ditto, na ang pag-aaway ng mga suwapang at ganid na negosyanteng may basbas ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng BLACKOUT at BROWNOUT sa iba’t ibang lugar.
Nakapagtatakang tameme ang DoE sa isyung ito na kung malalaman ng publiko ay maaring mag-panic at sisihin ang mga kinauukulan.
Kung bakit hindi ibinabalita ng media?
Iyan po ang tinatawag na NEWS BLACKOUT.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 28, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment