HINOLDAP at napatay ang isang technical director ng ABS-CBN sa mismong mataong lugar malapit sa naturang TV network.
Iyan mismo ang MUKHA ng “peace and order” sa bansa.
Hindi maubos ang riding-in-tandem, hindi matapos ang masaker kung saan pinapatay ang mga biktima sa loob mismo ng sariling silid sa sariling tahanan at sa sariling bakuran.
Wala nang ligtas na lugar dahil maging ang iyong sariling silid ay nakakapasok ang mga KRIMINAL, paano pa sa lansangan, sa parke o sa pampasaherong sasakyan?
Ang kaliwa’t kanang holdap ay nagkakasabay-sabay kung saan, hindi na umaabot sa piskalya ang mga suspek bagkus ay agaran itong “HINATULAN” ng kamatayan ng mga rumerespondeng awtoridad.
Madalas akalain ng awtoridad na ang “summary execution” ang pinaka-shortcut na PANGONTRA sa krimen, pero sa kabalintuan, magpapa-GRABE ito ng sitwasyon—sapagkat tatapatan ito ng mga KARUMAL-DUMAL na pagpatay sa mga inosenteng biktima.
Ibig sabihin, sapagkat “OUTRIGHT DEATH” ang hatol sa magnanakaw, agad na itinutumba ng mga SALARIN ang mga POTENTIAL WITNESS na mismong BIKTIMA upang takasan ang LUPIT NG BATAS.
Kung hindi nila papatayin ang biktima, DELIKADONG MATIKLO sila at BUBULAGTA rin sila kalye.
Iyan mismo ang kahulugan ng “ORDER” o kaayusan sa lipunan o sosyedad—WALANG “ORDER” o walang kaayusan ang ating JUDICIAL PROCESS—sapagkat ang mga PULIS—ang “HUMAHATOL” sa mga suspek.
Kung seryoso si PNoy na ayusin ang HUSTISYA, isagawa ito sa maayos at masusing pagsusuri sa “ibaba ng judicial process” o mismo sa hanay ng KAPULISAN.
Sa isang sibilisadong lipunan, ang pagpatay agad sa suspek ay isang BARBARISMONG manganganak din ng serye ng PATAYAN—ala WILD, WILD PHILIPPINES!!
Sa kabuuan, magbubunsod ito ng “DESTABILIDAD”, sisira sa katahimikan at WAWASAK sa ekonomiya ng bansa.
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb. 26, 2012 issue. UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment