DEDBOL na naman ang PROSEKUSYON sa 45 properties umano ni CJ Renato Corona na ibinunyag nila.
Sila rin ang bumawi: Hindi totoo ang 45.
Beinte-uno lang daw—pero inamin din nila na kasama ditto ang property ng anak, asawa at mga PARKING LOTS.
Kita-kita ditto ang MASAMANG PROPAGANDA sa media na ginamit ng prosekusyon upang DAYAIN at IMPLUWENSIYAHAN ang isip, impresyon at emosyon ng PUBLIKO.
Meaning, GUILTY ang prosekusyon sa BLACK PROPAGANDA.
-----$$$--
ISANG maselang isyu ang Article No.2 na may tuwirang kaugnayan sa NON-DISCLOSURE lamang ng SALN ni Corona.
Pero sa unang araw pa lamang, NAPATUNAYAN na HINDI TOTOO na hindi nagsumite si Corona ng SALN, dahil inihatid pa ito ng CLERK of Court sa Senado.
Sa madaling salita, ABSUELTO na si Corona sa “NON-DISCLOSURE” ng SALN.
Napahiya agad ang prosekusyon sa ARTICLE NO. 2.
----$$$--
TAPOS na ang isyu sa NON-DISCLOSURE ng SALN na “MAIN ARGUMENT” sa Article No.2.
Nagkasundo na rin ang Impeachment Court na “hindi tatalakayin” ang anumang ARGUMENTO kaugnay ng “ILL-GOTTEN WEALTH” ni Corona.
Ibig sabihin, kapag ang ikinakaso ng prosekusyon ay “ILL-GOTTEN WEALTH”, DISMISSED na “en-toto” ang naturang alegasyon.
Walang debate dyan.
----$$$---
SA ngayon, nakapokus ang ARGUMENTO sa punto-de-bista kung ang “DISCREPANCIES” sa SALN ay maituturing na sinadyang pagkakamali o PAGSISINUNGALING o “actual na perjury”.
Sa madaling salita, kapag ba napatunayang “guilty sa perjury” si Corona—ay nangangahulugan ba itong GUILTY siya sa ARTICLE NO.2?
Kung nanood kayo ng pagdinig noong Huwebes, nasagot nay an mismo ni Presiding judge Juan Ponce Enrile na sinang-ayunan mismo ng PROSECUTOR-CONGRESMAN.
Ang “PERJURY” ay “HINDI HIGH CRIMES” kaya’t hindi ito impeachable offense at hindi grounds upang ideklarang GUILTY si Corona sa ARTICLE NO.2.
----$$$--
NILINAW din yan ni Sen. Chiz Escudero sa pagsasabing kapag nahuli ban g
jaywalking o traffic offense si Corona at may ebidensiya pa ng “video clip”—nangangahulugan bang “GUILTY” sa Article 2 o dapat na siyang masibak sa puwesto?
Ang sagot ay malinaw na malinaw na “HINDI”.
-----$$$--
BINABANGGIT natin ito upang maunawaan ng publiko ang nagaganap na pagdinig.
Magiging GUILTY lang si Corona—kapag naging GUILTY nang espesipiko sa alinman sa WALONG ARTICLES OF IMPEACHMENT.
Sa ngayon, bagaman hindi pa NAGLALATAG ng ebidensiya ang DEPENSA—wala pang MALINAW at KONGRETONG grounds ang PROSEKUSYON upang mapatunayang GUILTY si Corona sa Article No. 2.
Alalahanin natin na SIMPLENG NON-DISCLOSURE lang ng SALN ang naturang artikulo.
Yan lang muna.
----$$$--
MAY mga nagtatanong: Matatapos daw ba ang impeachment trial?
Ang sagot natin ay HINDI.
Bakit?
Sapagkat magugulo ang gobyerno at buong mundo.
BOBOMBAHIN kasi ng Israel ang Iran.
At yan ang PINAKAMALAKING BALITA sa buong daigdig ngayon.
Kapag naganap yan at sumali ang China at North Korea pabor sa Iran, magdedeklara ng State of Emergency ang MALACANANG.
Siyempre, magiging ABALA ang mismong KONGRESO at ide-DEFER muna ang IMPEACHMENT TRIAL—para sa higit na mahalagang bagay.
Pustahan tayo, sige: HINDI MATATAPOS ang Impeachment.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 04, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao.yahoo.com)
----30---
No comments:
Post a Comment