MARAMI na ang nababahala sa posibleng paglindol nang malakas sa MetroManila.
Nauna na ang Kyusi sa pabalita na naghahanda sila, pero wala naman silang kongretong programa na magsagawa ng “force evacuation” sa mga tao at bahay na nakatirik sa ibabaw ng FAULTLINE.
Maging ang isang eskuwelahan na nakatindig sa FAULTLINE ay hindi naman inaaksiyunan na ilipat nang lugar.
Kapag tinamaan ng lindol at gumuho ang naturang eskuwelahan—libo-libong ESTUDYANTE ang mamamatay.
Pabalita lang ang mga PAGHAHANDA, walang paki ang gobyerno kung lumindol man o hindi.
Ang mahalaga ay gumandang lalaki at sumeksi sila sa MEDIA nang wala namang kongretong programa at proyekto na magbibigay ng proteksiyon sa mga potential victims ng MALAKAS na lindol.
Kahit ang mga biktima ng lindol sa isang liblib na lugar sa Negros ay hindi agad nasaklolohan sa katwirang NAPUTOL ang mga tulay.
Kapag nawasak ang tulay, DEDBOL na agad ang PANAKLOLO.
Nasaan ang preparasyon?
Nasaan ang emergency plan?
Wala.
Sana’y maging ARAL at HALIMBAWA ang sinapit ng Negros upang makabuo ng KONGRETONG HAKBANG ang gobyerno bago pa man maranasan ang BIG BANG sa WEST VALLEY fault area sa MetroManila.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 10, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)
No comments:
Post a Comment