Thursday, February 02, 2012

SALN, SALN, SALN

MARAMI pa rin ang hindi nakakaunawa ng tinatawag na SALN.
Ito ay ang pinaikling S-tatement of A-ssets, Liabilities , and N-et worth.
Isang rekititus ito sa lahat ng mga kawani at opisyal ng gobyerno.
Kasama ito bilang “attachment” kada taon bago ma-renew ang appointment kapag temporary ang puwesto at sa mga may permanent position kada taon ito na isinusumite sa Civil Service Commission (CSC).
Isang simpleng dokumento ito at hindi isang AFFIDAVIT na kailangan pang ipa-notaryo sa Notary Public.
May halong “boluntaryo” ang page-entrada sa mga espasyo kung saan simpleng kailangang ihayag o ideklara lamang ang “ari-arian”, “utang” o “kinita” ng isang empleado o opisyal sa loob ng isang taon.
Taliwas sa “income statement” o iba pang porma na pang “accounting o financial statement” sa negosyo—ang layunin lang ng SALN—ay magkusa na “maglahad” ng listahan ng pag-aari, utang at kinita” ang public officer.
Taliwas din ito sa ITR o individual income tax returns na pinagbabatayan ng “kita” na siyang binubuwisan.
Sa entradang “ari-arian o “ASSETS” , maaaring tukuyin ng kawani ang “assessed value” (pinagbabatayan ng buwis ng assessor sa real property), puwede rin ang fair market value na karaniwang tinatantiya at walang malinaw na datos; at acquired value na hindi rin gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga nagsusumite nito.
Maluwag ang itinatadhana ng batas sa pag-fill up—sa SALN dahil binibigyan ng pribilehiyo ang lahat na “itama” o baguhin ang entrada sakaling magkaroon ng “discrepancy o error o hindi tamang entrada”—nang WALANG PANANAGUTAN sa batas.
Madalas akalain ng marami na ang SALN ay katulad ng ITR na maselan kapag nagkamali dahil maaaring habulin ng BIR—pero, hindi para ikulong kundi upang pagbayarin lamang.
Ang pagkakamali sa SALN ay hindi ebidensiya sa korapsiyon, pero maaaring gamitin lamang ito upang makakuha ng LEAD o clue ang imbestigador sa “kayamanan at utang” ng inbidwal.
Sa totoo lang, ang 99 porsiyento ng opisyal at kawani ng gobyerno—ay walang duda na hindi PERFECT ang paglalagay ditto ng datos kung saan WALA SILANG ANUMANG PANANAGUTAN sa batas kapag nabisto, maliban sa “I-CORRECT” o itama lamang kung ano man gang discrepancy bago muling isusumit sa kinauukulan.
Iyan po ang TUNAY NA KALAKARAN na hindi alam ng publiko.
Kung ang MALING SALN ay ground sa paglabag sa batas, walang duda, MAKAKALABOSO ang lahat ng PUBLIC OFFICERS sa ating bansa.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)

No comments: