HINDI raw nasisiyahan ang Malacanang sa desenyo at detalye ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na ginawa ng BIR.
Sa totoo lang, ang lahat ng government workers—opisyal man o ordinaryong kawani ay hindi naman talaga sineseryoso ang paglalagay ng espesipiko sa naturang SALN na rekititos sa appointment papers na isinusumite sa civil service commission .
Bakit?
Kasi kung ilalantad lang ng PINAKAMATAAS na opisyal ng gobyerno ang SALN---partikular ang mga taga-Malacanang, miyembro ng gabinete, senador, kongresista, judicial executives, ombudsman, COA at maging CSC officials—ay tiyak na magiging TAMPULAN ito ng duda at LEAD sa sangrekwang kaso ng corruption.
Talagang dapat ILANTAD sa publiko ang detaye ng SALN, upang matiyak na HINDI nagnanakaw ang mga buwaya.
Tulad naman sa mga EHEKUTIBO ng gobyerno na DINADAYA ang SALN, yung mga ordinaryong kawani ng gobyerno—ay ITINATAGO rin ang SALN, hindi bunga ng sobrang YAMAN, kundi mabibisto naman ang SOBRANG HIRAP.
Sa Pilipinas, ang pagiging dahop at isang kahihiyan kaya’t mabibisto ditto ang SANGREKWANG UTANG o LIABILITIES.
Kung itinatago ng mga EHEKUTIBO ang kanilang SOBRANG YAMAN, inililihim din ng maliliit na obrero sa gobyerno ang SOBRANG UTANG.
Halimbawa, imposibleng ilagay ng obrero na ISINANLA niya ang ATM—sa kahera ng finance department sa pormang “5-6”.
Napakaraming KAWANI sa gobyerno na hindi nahahawakan ang ATM bagkus ito ay diretso sa USURER o mga BUMBAY NA PINOY .
Yung walang ATM, inia-ADVANCE ang suweldo sa “buwayang” o front loan sharks o sa government cashier na may PATONG na ala-FIVE-SIX ng Bumbay, imposibleng idetalye ito sa SALN—sa ilalim ng “itemized LIABILITIES”
Mapait na katotohanan na mapepenahan ang mga KAWANI ng gobyerno dahil hindi niya IPINAGTAPAT kung SINO-SINO ang pinagkakautangan niya, tulad din na hindi ibibisto ng mga EHEKUTIBO—ang pinagmulan ng kanyang KAYAMANAN.
Kung masyadong detalyado ang SALN—lalabagin at dadayain lamang ito kapwa ng mga EHEKUTIBO at ordinaryong obrero sa gobyerno—parehong ayaw IBISTO—ang kalagayang pinansiyal—sobrang yaman o matinding hirap din!
(Editorial , Bulgar Newspaper, Feb. 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.bogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment