PUWEDE bang makiusap?
Paarbor naman ng espasyo ngayon.
Nais nating pasalamatan ang mga opisyal, administrador, guro, propesor at personnel ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Naging bahagi po kasi tayo o ang inyong abang-lingkod—ng programang “PLM Off Campus program” sa kursong Bachelor in Public Administration katuwang ang National Press Club (NPC) na pinamumunuan nina NPC president Jerry Yap at AFIMA President Benny Antiporda.
Kung mayroon mang isa sa pinakamagandang programa si PLM President Rafaelito Garayblas at Manila Mayor Fred Lim, ito ay ang programang OFF-CAMPUS program na nasa ilalim ng College of Management and Entreprenuership sa pamumuno ni Dean Neil Gamus katuwang ang secretariat head na si Mr. Antonio Casurao.
Kahapon po kasi isinagawa ang RECOGNITION DAY kung saan ginawaran ang inyong abang-lingkod ng karangalang “GAWAD KARUNUNGAN” academic performance award sa PLM-NPC Batch 1 sa kursong Bachelor in Public Administration.
Tumanggap din ng karangalang GAWAD KAUNLARAN ang 13 pang kasamahan natin sa NPC-PLM Batch 1 kahapon at inihahandog namin ito sa iba pa naming kaklase na nagtiyaga na dumalo tuwing Sabado sa regular sessions sa NPC building sa loob ng mahigit isang taong singkad.
Kabilang sa ginawaran kahapon ng GAWAD KAUNLARAN award mula sa NPC- PLM batch 1 sina Ferdinand Fabella; Alvin Almoite; Jose Joel Sy Egco; Ben Gines Jr; Rommel San Pedro; Norberto Lopez Jr; Ma. Jocelyn David; Robert Ricohermoso; Romeo Molina; Ma. Theresa Dela Cruz; Michelle Buendia; Zenaida Asombrado; at Melody Ann Acuzar.
BUONG PUSO po naming kayong binabati nang CONGRATULATIONS!!
-----$$$--
SA totoo lang, kung ang mithiin ng bawat isang Pinoy ay mapagbuti ang PAMAMAHALA o GOOD GOVERNANCE, hindi abogasya ang tamang kurso ng mga nasa gobyerno kundi ang kursong PUBLIC ADMINISTRATION.
Kailangan n gating bansa ang mga PUBLIC ADMINISTRATION course graduates imbes na mga abogado na nakapokus sa TEKNIKALIDAD ng batas, pero hindi sa MASINOP, MAHUSAY at EPISYENTENG pamamahala sa gobyerno.
Kung ang mga public administration course graduates ay bibigyan ng pagkakataon na AYUSIN ang nabubulok na BURUKRASYA—doon lamang tayo makakasilip ng pag-asa ng PAGBABAGO.
Ang pagbabago ay siyempre, nakapokus sa MASINOP na pamamahala at pagresolba sa talamak na CORRUPTION—na ang tunay na ultimong mithiin ay makapagserbisyo nang buong husay sa ORDINARYONG MAMAMAYAN.
----$$$--
NAPAKAHALAGA ng papel na GINAGAMPANAN ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa pagpapasimuno ng programang ito dahil iniikot at ibinabahagi nila ang PLM Off-campus program sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Pagcor, Philhealth, DSWD, Bureau of Customs, Senate of the Philippines, maging sa iba’t ibang local government units at pribadong sector tulad sa National Press Club (NPC) at San Beda College.
Dapat ay sumunod ang iba pang unibersidad particular ang mga institusyong kabalikat ng gobyerno sa ganitong klase ng programa.
Mas epektib kung paabutin ang ganitong klase ng programa sa mga BARANGAY at MUNISIPYO—dahil imumulat nito at sasanayin ang mga KABATAAN sa isang matuwid, masinop, matapat at episyenteng PANGANGASIWA sa ating burukrasya na magpapasigla ng DEMOKRATIKONG PROSESO sa ating Republika.
Para sa iba pang nagsipagtapos at tumanggap ng karangalan sa PLM- Off Campus Bachelor in Public Administration course program, CONGRATS po.
Itinakda po ang gradation sa Marso 25 , 2012 sa Manila Hotel.
Marami pong salamat sa lahat.
(BISTADO Column, Bulgar Newpaper, Feb. 23, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment