NAGKASUNDO na ang magkaribal na sina Grace Ibuna at Aleli Arroyo, parehong naulila ni Rep. Iggy Arroyo.
Sa pinakahuling ulat, nagkaareglo na ang dalawang kampo at malayos nang maihahatid sa huling hantungan ang “sanhi” ng kanilang away—ang LABI ng kongresista.
Iginawad ng isang Korte sa United Kingdom ang karapatang maiayos at maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng kongresista pabor kay Ibuna at sa bunsong anak ni Arroyo.
Pero, hindi yan ang isyu—bagkus ay ang PATAW ng British court na penahan o PATAWAN ng parusa si Aleli na MAGBAYAD ng P6 milyon—katumbas ng gastusin sa paglilitis at bayad sa mga abogado ng kanyang karibal na si Ibuna.
Ano ang ibig sabihin ng naturang hatol—na HINDI natin nakikitang ginagawa ng sinumang HUWES sa Pilipinas?
Iisa lang ang ibig sabihin nito.
Pinarusahan si Aleli ng korte sa paghatol na PASANIN ang lahat ng gastos, sapagkat PINERHUWISYO niya ang HUDIKATURA at ang personal na pagkatao ng kanyang mga KINASUHAN at inakusahan.
Ibig sabihin, sa United Kingdom ay hindi puwedeng gamitin ang “pagsasampa” ng kaso sa simpleng pangha-HARRASS o pamemerhuwisyo gayong “WALANG KATUTURAN” ang kasong isinasampa.
Nangangahulugan ito na INUBOS lang ni Aleli ang resources ng gobyerno ng UK at inaksaya ang oras ng mga TAONG isinali niya sa kaso—kaya’t ang PARUSA---ay pasanin niya ang GUGULIN sa “demandahan”.
Ganyan din halos ang ibig sabihin ng Impeachment Body—hindi pupuwedeng magsampa ka lamang ng KASO—dahil sa simpleng nagagalit ka o nag-aakusa, kailangang may SAPAT KANG EBIDENSIYA at hindi ka NAMBUBUWISET lang.
Marami klase ng kaso na nangha-HARRASS lang o GINUGULO ang inbidiwal na kinakasuhan kabilang diyan ang SANGKATUTAK na libel case laban sa mga MAMAMAHAYAG.
Kinakasuhan ang mga MEDIAMEN—ng mga taong naibalita nila o nailathala BUNGA NG PROPESYON sa pagsusulat, pero walang namang motibo ang mga PRESS maliban sa MAG-ULAT.
Pero sa Pilipinas, hindi pinaparusahan ang mga NAGDEDEMANDA “nang walang katuturan” kaya’t NAPUPUNO ang korte ng mga WALANG KUWENTANG KASO na ang motibo ay simpleng MAMBUWISET lamang.
Sana’y pag-aralang mabuti ng mga kinauukulan ang simpleng kasong ito nina Aleli at Grace—makakapulot tayo ng teknik kung PAANO mababawasan ang KASO sa ating mga hukuman.
(EDITORIAL, Bulgar Newpaper, Feb. 23, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment