INAMIN ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na bigo at palpak ang AFP Modernization na ipinatupad noong 1996 hanggang 2011.
Sa kabuuang P331 bilyon, kakarampot na P35 bilyon lamang ang nai-release sa loob ng 15 taong singkad ng implementasyon.
Hindi pa binanggit ditto ni Gazmin kung gaano ang ninakaw o ginamit sa conversion scheme kung saan napatunayang nagkasala at sangkot ang ilang heneral.
Hindi rin kasama ditto ang direktang ayuda ng United States kung saan natuklasang ninakaw lang ng ilang heneral sa kabila ng kapos ng kagamitan ang mga ordinaryong sundalo.
Makikita natin na hindi ang LAKI o bulto ng pondo ang susi sa alinmang problema sa ating gobyerno kundi ang maaayos at tapat na implementasyon ng programa na nakasandal sa reputasyon at malinis na pagkatao ng mga opisyal.
Dahil ditto, ang alinmang panukala na nagdadagdag ng pondo sa isang proyekto o programa o kampanya ay hindi garantiya upang maresolba ang suliranin, dahil malaki ang tsansa na NANAKAWIN lamang ang pondo ng mga buwaya.
Bago maglalaan ng budget, higit na dapat unahin ay patinuin o tiyakin na hindi MAGNANAKAW ang may control sa pamahalaan.
Iisa lang ang problema ng ating bansa, at hindi kakapusan ng SALAPI—bagkus ay KAKAPUSAN ng dignidad at DELICADEZA ng mga namamahala.
(BISTADO column, Bulgar newspaper,Feb. 20, 2012 issue, unedited. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot,com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
No comments:
Post a Comment