Thursday, February 23, 2012

AFTER MARCOS: SO WHAT?

GUGUNITAIN na mamayang gabi ang maselang eksena sa kasaysayan ng Pilipinas—ang pagkakaalis sa puwesto ni dating Pangulong Marcos.
Ang tanong: Nang mawala ba si Marcos ay MABILIS na umunlad ang bansa?
Nang mawala ba si Marcos ay naging MAS GRABE ba ang sitwasyon ng lipunan?
Nang mawala si Marcos ay NABISTO ba kung sino ang pumatay sa ama ni PNoy na si dating Sen. Noynoy?
Kung mahal mo ang yumaong asawa o yumaong ama, hindi ba’t dapat mong gawing PRAYORIDAD—ay ang matukoy mo ang UTAK ng krimen?
Sa dalawang okasyon na nahawakan ng biyuda at unico-hijo ni Ninoy ang Malacanang bakit—hindi pa rin NABIBISTO kung sino ang UTAK ng asasinasyon?
Kung totoo na si Marcos ang utak ng naturang krimen , hindi ba’t dapat ay lumitaw ang EBIDENSIYA na siya ang nagpapatay?
Bakit hindi ito nalulutas hanggang ngayon—at patuloy na TINUTULUGAN ang isyu?
Sino ang tunay na biktima sa PAGKAMATAY ni Ninoy?
Hindi ba’t INAAKALA ng marami na siya ang UTAK ng asasinasyon—pero NAPATUNAYAN sa kasaysayan na INOSENTE ang “bangkay na nakaburol pa rin sa refrigerated crypt sa Ilocos?”
Hanggang ngayon dahil sa “naturang krimen”—na wala siyang kinalaman, ay PINARURUSAHAN pa rin ang kanyang KALULUWA na pinagkaitan ng “katahimikan” maihatid nang maayos at may dangal sa HULING HANTUNGAN.
At sino ang UMANGAT at nagkamit ng KAPANGYARIHAN, karangalan at UMANI ng “PUWESTO” sa Malacanang?
Ang mga Marcos ba ang NAKINABANG sa pagkawala ni Ninoy?
Alam ng lahat na si Tita Cory ay BINIYAYAAN ng DIYOS—nang mamatay ang kanyang mister.
At nang yumao si Tita Cory, sino ang NABIYAYAAN ng naturang eksena—ang mga MARCOS ba?
Sino?
Ang 90 milyong ordinaryong PINOY ba ay NABIBIYAAN nang mawala si Marcos?
Sa paggunita ng ika-26 anibersaryo ng paglalaho ng Rehimeng Marcos, may nabago ba?
Saan dumiretso ang PAGBABAGO?
Sa TUWID NA DAAN ba o sa BALUKTOT na landas?
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb 24, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

No comments: