Friday, February 24, 2012

MARCOS ERA: WORST OR BEST?

GUNIGUNITA ngayon ang ika-26 na anibersaryo ng EDSA 1.
Isang maselang yugto din kasi ito ng aking BUHAY.
Sa totoo lang, kung marami man ang nababasa nating artikulo laban kay dating Pangulong Marcos, kakaunti at halos walang NAGSUSULAT at nagbubunyag ng POSITIBONG MUKHA ng kanyang administrasyon.
Ang mga KABATAAN ngayon na nasa edad 26-ANYOS hanggang 30 anyos—ay HINDI AKTUWAL na nasaksihan ang “mga eksena sa panahon ni Marcos”, bagkus ay nagkakasya lamang sila sa “paglalarawan” ng MEDIA na “namumuhi’ sa dating lider.
Dahil ditto, napagkakaitan sila ng KATOTOHANAN na malaman at maunawaan ang “kasaysayan” at “nakaraan”.
Binabanggit natin ito nang paulit-ulit upang MAUNAWAAN ng kasalukuyang KABATAAN ngayon na ang “deskripsiyon ng Marcos era” na ibinabando ng mga kritiko ni Marcos—ay magiging “hearsay” na lamang—kapag iyan ay ikinuwento nila sa kanilang mga ANAK.
Pero, ang “negatibong kuwento” ay mananatiling KUWENTO, ngunit ang mga PISIKAL na positibong ASPEKTO ng Marcos Era—ay makikita ng mata at mararamdaman ng puso ng KASALUKUYANG KABATAAN na nauuhaw sa KATOTOHANAN.
Sa mga kabataan ngayon, alam ba ninyo na ang LRT ay kinonsepto at unang ipinatupad sa panahon ni Marcos—ngayon, may tatlong LRT tayo na napapakinabangan at ito ay magiging PITO o SIYAM NA LRTs sa hinaharap.
Pisikal at aktuwal yan—sabihin ninyo kong negatibong kontribusyon yan ng Marcos era.

------$$$---
SAAN nagkukumpol-kumpol ang mga KABATAAN tuwing weekend ngayon?
Sumakay kayo sa helicopter o umakyat sa pinakamatayog na gusali sa Pasay at Maynila—at matutunghayan ninyo ang sangrekwang edipisyo at gusali sa EKTA-EKTARYANG dating reclamation area sa Roxas Boulevard.
Tinabunan, ini-reclaimed ang dating dagat upang MADAGDAGAN ang “LAND AREA” ng Pilipinas kung saan, ngayon ay SINO ang nakikinabang?
Sino ang nagbenta sa pribadong korporasyon ng RECLAMATION AREA kung saan pinakikibangan din ang mga gusaling itinayo sa panahon ng Marcos era—tulad ng PICC; GSIS building kung saan narooon ang mismong SENADO; Film Center, Folk Arts Center; at Coconut Palace na opisyal na tirahan ng Bise president eng Pilipinas.
Ganyan ba kasama ang Marcos era?
Sino ang MASAMA—ang nag-reclaimed ng DAGAT upang maging LUPA o ang NAGBENTA ng LUPA ng reclamation upang maging PRIVATE PROPERTIES ng mga MULTI-BILYONARYONG negosyante?
Kabilang sa nakikinabang sa reclaimed area ang pinaka-DAMBUHALANG MALL sa ASIA na siyang humuhuthot ng PAWIS at DUGO ng milyon-milyong OBRERO na iginapos sa KONTRAKTUWALISASYON.
Alin ang kasuklam-suklam: Ang Marcos era ba o ang post-Marcos era?
Kayo ang humatol!!

------$$$----
DATI-RATI ay nage-export sa IBANG BANSA ang Pilipinas ng BIGAS, ISDA, GULAY, KARNE, MANTIKA, ABACA, COCONUT, SUGAR, HANDICRAFTS, GARMENTS---ngayon ang lahat na yan ay inaangkat o ini-IMPORT ng mga Pinoy—kasama ang GALUNGGONG ni Tita Cory.
Mas maganda ba ang buhay mo ngayong post-Marcos era?
Hige, magsalita kayo!!!

------$$$--
SINO o aling administrasyon ang naglatag ng policies upang makapag-ABROAD sa Middle East particular ang mga “no-read, no-write” na OBRERO PINOY?
Ngayon, ang DOLLAR remittances ng OFWs ay siyang GULUGOD ng ekonomiya ng bansa?
Ang OFW ba ay sinimulan ARTER MARCOS o ito ay nakilala sa panahon ng Marcos Era?
Ang “BLISS PROJECT” na unang BUGSO ng national SHELTER program gamit ang itinatag na Pag-IBIG fund—ay siyang nagparami ng LOW COST HOUSING—iyan ba ay sinimulan AFTER MARCOS?
Tama kayo—yan po ay ideya at ipinairal sa MARCOS era.
Marami pang iba pero mauubos ang ESPASYONG ito kapag inilatag ditto.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

No comments: