Tuesday, February 07, 2012

WE ARE ALL PLAGIARISTS; IS THERE ANY ORIGINAL?

LINSIYAK, tila lulusot din sa Kamara ng mga Representante ang impeachment complaint laban kay Associate Justice Mariano Castillo.
Kantiyaw ni Sen. Joker Arroyo, nagmukhang MAMISO ang impeachment complaint kaya’t matatambakan ang Senado ng trabaho.
Imbes na gumawa ng maayos na batas ang Kongreso na tuwirang makakatulong sa pagresolba ng krisis sa kabuhayan, puro pamumulitika at benggansa ang nasa utak ng mga mambabatas.
Hindi magkakapera o hindi mabibiyayaan ng bigas at ulam ang Pinoy sa impeachment trial nina Chief Justice Renato Corona at Castillo.
Sa totoo lang, ang reklamo kay Castillo ay simpleng PANGONGOPYA.
Teka, alin ba ang may ORIGINAL?
Maging ang eskuwelahan o sistema ng edukasyon ay kinopya lang mula sa naunang sibilisasyon na nagmula sa Europe.
Ang prinsipyo ng math, science at lengguwahe ay PANGONGOPYA lang.
Kapag ang sagot ng estudyante ay HINDI KATULAD ng nakasaad sa LIBRO—nagagalit ang titser.
Gusto ng titser ay imemorya ang nilalaman ng aklat at kapag NAIBA ang paliwanag ng estudyante at nagagalit ang mga guro.
Hindi ba’t pangongopya yan?
Yung mga aklat sa pagsasaliksik—ay simpleng KOLEKSIYON ng mga pinagsama-samang KOPYA na kinopya din sa ibang nagsaliksik.
Sa totoo lang, walang orihinal.
Ang mayroon lamang ay ang MAHUSAY mangopya kung saan mas maganda ang kanyang KOPYA kaysa sa kinopya.
Hindi ba’t hanggang ngayon ay yan ang akusasyon sa PINAKAMAYAMANG kopyador na si BILL GATES?
Ang impeachment complaint ay Castillo ay wala ring kauuwian sapagkat magde-debate ang mga SENADOR kung ano ang depinisyon ng KOPYA at ORIHINAL tulad ng debate kung alin ang MAS MAKAPANGYARIHAN—ang SUPREME COURT ba o ang IMPEACHMENT COURT?
Masasagot yan ng sinumang SENADOR—na maglalantad ng KINOPYANG RULINGS sa ibang bansa at husgado.
Hahatulan ang pangongopya ng isang KINOPYA ring desisyon sa ibang kaso.
(EDITORIAL, Bulgar Newspaper for Feb. 08, 2012 issue,. Unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

No comments: