Monday, October 26, 2026

Mulat sa paligid, mulat sa sariling personalidad!

27oktubre2026martesbahay7am


NAPAKARAMI nang naganap.
Maraming pagbabago. 
Maraming inobasyon.
Kakaunti ang nakakaunawa. 
Sala-salabat lahat. 

Bilang beteranong mamamahayag, at may sapat na karanasan sa loob at labas ng gobyerno--aktuwal man at sa loob ng akademya--nakikita natin ang kawalang-muwang o kawalan ng pagkamulat--sa mga nagaganap--ang ordinaryong tao , pribadong sektor at maging ang matataas na opisyal na gobyerno.

 Isang negatibong pangyayari ang posibleng maganap sa susunod na taon--hindi dahil sa kalamidad o anumang masamang pangitain, bagkus ay ang kawalan ng kakayahang makapagdesisyon ng tumpak at angkop sa sitwasyon. Kapag walang muwang sa tunay na sitwasyon: paano makakapagdesisyon ng tumpak at angkop? 

Ito ay hindi lamang pagtukoy sa mga opisyal ng gobyerno at lider ng pribadong sektor, bagkus ng sariling personalidad ng bawat ordinaryong mamamayan. 

Sa edad na 68-anyyos, pinagsama-sama natin ang ating mga natutuhan sa akademya, karanasan at personal na pagsasaliksik sa bibliya, mistisismo at iba pang sinaunang karunungan at maging sa modernong teknolohiya at agham--kasama na ang articial intelligence at quantum theory. 

Sa ganitong pundasyon--iinog ang mga susunod nating artikulo!

Monday, September 28, 2026

AI, SI tungo sa UI : Bagong Monster sa 2030!

29sept2026ms10am:
Maselan ang sitwasyon kahit saan. Marahas ang pagtatangka na manatili pa rin sa mainstream media--kasi'y natutukso akong makigamit ng tinatawag na artificial intelligence. Natuwa ako sa binanggit ni US President Donald Trump : Hindi angkop ang tawag na "AI", bagkus ay mas angkop na tawagin itong "SuperIntelligence". Higit nang dalawang taon kong inieksperimento nang solo o mala-ermitanyo sa lungsod ang AI. Ito ay upang maunawaan ko. Paano ko mauunawaan o masasaliksik kung hindi ko yayakapin o aktuwal na gagamitin.sa loob ng nakaraang dalawang taon--kitang-kita ko at aktuwal kong nararanasan kung paano ito naghuhunos at umuunlad. Sa simula pa lamang, nagdududa ako sa maling terminolohiya na ginamit. Una, hindi napepeke ang intelligence. at kung ako ang tatanungin: Tao lang ang may intelligence! Pero dahil na-cloned ito, at aktuwal nang ginagamit, hindi na ito--artificial o peke--bagkus ay isang klase ng intelligence--ka parallel ang human intelligence. Para kay Trump, naghunos na o nag-mutate na ang AI--tungo sa SI--at dahil iyan ang naturalesa sa laboratoryo--sa susunod na ilang taon--dalawa o tatlo, bandang 2030--hindi na SI ang tawag dito, bagkus ay isa na na namang bagong monster: ULTRA-INTELLIGENCE! Kung sino o sino-sino ang makasabay--SIYA o SILA ang kokontrol sa galaw sa ibabaw at salipawpaw ng mundo!

Tuesday, September 08, 2026

Happy Birthday, Mama Mary

08SEPT2026vabpasay6:32pm BIRTHDAY ni Mama Mary ngayon. Hindi ko napansin pero binalikan ko ang Bisitang Iglesia na sinimulan ko noong nakaraang Kuwaresma pero itinigil ko muna. Nakadalaw ako sa simbahan ni Sta Rita at Ina ng lagging Saklolo sa Baclaran bago ako lumipat sa Our Lady of Sorrows sa Harrison—kung saan ako bininyagan at nagging Kristiyano-Katoliko—68 taon na ang nakakaraan. Namalengke ako sa Cartimar, ilang metro lang ang layo sa sinaunang bahay ni Daddy Leoncio—isang abogado na kumupkop at umasiste sa aking Tatang Sucing upang magkaroon ng matatag na trabaho sa Manlo—ang pabrika ng tansan ng Pamilya Lopa sa Pasong Tamo Extension sa Makati. Nakabili ako ng tenderloin at sinubukan kong lutuin at tikman—hindi masarap, bagkus ay napakasarap!