Wednesday, February 29, 2012

PAGCOR: R.A. 6713'S EXEMPTION

MARAMI ang nagugulat kung bakit INABSUWELTO ng Malacanang at Kongreso si Pagcor chief Bong Naguiat gayung inamin nito na tumanggap siya ng pribilehiyo mula sa isang dayuhang casino magnate.
Malinaw na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 6713 ang gayung aksiyon at desisyon ni Naguiat kung saan inamin mismo nito ang pangyayari.
Narito ang aktuwal na texto ng naturang batas at Malaya ang taumbayan na humusga kung lumabag o hindi si Naguiat:
“RULES IMPLEMENTING THE CODE OF CONDUCT AND ETHICAL
STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES.
Rule X, (f) Soliciting or accepting, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value which in the course of his official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of, his office. The propriety or impropriety of the foregoing shall be determined by its value, kinship or relationship between giver and receiver and the motivation. A thing of monetary value is one which is evidently or manifestly excessive by its very nature.”
Hindi na kailangan pa ang anumang opinion dyan dahil madali lang naman unawain ang naturang probisyon ng batas.
Ang opinion ngayon ay nakapokus kung ANONG BIYAYA ANG NATANGGAP o ANONG BIYAYA ANG MATATANGGAP ng mga miyembro ng Kongreso na umabsuelto at umaaktong ABOGADO ng PAGCOR chief?
Isang tanong: Nasaan ang TUWID NA DAAN? Nasaan?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

ANOTHER ASTEROID COMING CLOSE TO EARTH

KINUMPIRMA ng mga scientists na ISANG ASTEROID ang TATAMA sa earth sa year 2040.
Huhhh, panibagong ASTEROID ito bukod sa NAUNANG namataan.

-----$$$--
BINABALAK ng mga eksperto na PASABUGIN ito gamit ang NUCLEAR BOMB bago pa makarating sa atmospera ng DAIGDIG.
Ang problema, imbes na ISANG DAMBUHALA, tatamaan ang mga bansa ng LIBO-LIBONG FRAGMENTS na kasinglalaki ng BASKETBALL COURT an gating IILAGAN.
Linsiyak, daig pa natin ang SINABUGAN ng nuclear.
Iyan ay isang MASAMANG balita.
Nagkakamali sana ang mga NAGPALABAS ng ulat.

-----$$$---
WALANG UP students ang NAPASAMA sa TOP TEN sa resulta ng bar exams.
Bakit kaya?

-----$$$---
MALILIPASAN na rin ng USO ang “TEXT” messaging.
Mapapalitan ng tinatawag na “chat-ON”.
Ibig sabihin, matutulad ang text messaging sa nalaos at naluging “POCKETBELL” o “EASY CALL”.
Kasi’y may MURA at mas OKEY ang “CHAT-ON” sa mga cellphone.
Imbes na mahabang text, aba’y i-TSIKA o IBULONG mo na lang sa CHAT-ON ang iyong mensahe.

-----$$$--
PAREHONG hindi dumalo sa GRAND RALLY ng Iglesia ni Cristo sina PNoy at CJ Corona.
Malaki ang TAMA nila dyan.
Kasi’y sakaling dumalo sila doon at nagkatabi: Malamang na MAGSABUNUTAN lang sila.
He, he, he.

----$$$---
PAREHONG payag sina Pareng Erap at Sen. Ping Lacson na MAG-BATI na.
Kumbaga, “ON” sila uli gaya ng dati.

-----$$$---
IMPOSIBLE nang maglaban sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Nagkakapersonalan na kasi sila eh.
Insulto ang isinasagot ni Mayweather sa pagpapakumbaba ni Pacman.
Pag NAGUTOM yan, BIBIGAY din yan.
He, he, he.

-----$$$--
MARAMI ang nagdarasal na matuloy sana ang laban nina Mercelito Gesta ng Mandaue, Cebu at Juan Manuel Marquez ng Mexico sa isang LIGHTWEIGHT championship bout.
Sige, labanan mo pare, PAGKAKATAON mo nay an.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, March 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

PAGCOR SA TUWID NA DAAN?

MARAMI ang nagugulat kung bakit INABSUWELTO ng Malacanang at Kongreso si Pagcor chief Bong Naguiat gayung inamin nito na tumanggap siya ng pribilehiyo mula sa isang dayuhang casino magnate.
Malinaw na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 6713 ang gayung aksiyon at desisyon ni Naguiat kung saan inamin mismo nito ang pangyayari.
Narito ang aktuwal na texto ng naturang batas at Malaya ang taumbayan na humusga kung lumabag o hindi si Naguiat:
“RULES IMPLEMENTING THE CODE OF CONDUCT AND ETHICAL
STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES.
Rule X, (f) Soliciting or accepting, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value which in the course of his official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of, his office. The propriety or impropriety of the foregoing shall be determined by its value, kinship or relationship between giver and receiver and the motivation. A thing of monetary value is one which is evidently or manifestly excessive by its very nature.”
Hindi na kailangan pa ang anumang opinion dyan dahil madali lang naman unawain ang naturang probisyon ng batas.
Ang opinion ngayon ay nakapokus kung ANONG BIYAYA ANG NATANGGAP o ANONG BIYAYA ANG MATATANGGAP ng mga miyembro ng Kongreso na umabsuelto at umaaktong ABOGADO ng PAGCOR chief?
Isang tanong: Nasaan ang TUWID NA DAAN? Nasaan?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Tuesday, February 28, 2012

Habang may INC Rally: CORONA NASABAT SA AIRPORT

NAG-SHOW OF FORCE kahapon ang Iglesia Ni Cristo.
Para saan?

-----$$$---
HINDI raw nababahala ang Malacanang sa prayer rally ng INC.
Pero, IDINARASAL ni PNOY na huwag itong MAUWI sa POLITICAL RALLY.

----$$$---
BINABATI natin ang LAHAT ng nagdiriwang ng BIRTHDAY sa araw na ito, PEBRERO 29—minsan lang yan tuwing APAT NA TAON.
Leap year kasi ngayon.


-----$$$---
ANO ang ibig sabihin ng leap year?
Una, tuwing LEAP YEAR ginaganap ang OLYMPIC GAMES.
Ikalawa, sabi sa “pamahiin” MALAPIT daw ang GIRLS sa BOYS.
Ikatlo, tumagal nang “isang araw” ang suweldo, dati rati kasi ay petsa 28 eh.
He, he, he.

-----$$$---
MAY lumabas na “OLD PHOTO” sa facebook na magkasabay na UMABAY sa isang kasal ang BANK MANAGER at si Rep. Neil Tupas na ikinaila niya na KAKILALA niya.
Kantiyaw ng klasmeyt kong si Abby: WALANG LIHIM na nananatiling SECRET.
Yung lang daw “secret” ang mananatiling secret.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
PUMASA sa board exam ang may 1,913 ABOGADO.
Panibagong 1,913 na SINUNGALING.

----$$$---
HINAMON ng “suntukan” ni Rep. JV Ejercito si Floyd Mayweather Jr.
Baka gusto niyang kumandidatong SENADOR.
Hindi po si Mayweather ang kakandidato, si Rep. JV po.
Hayaan na natin siya.

----$$$---
NAANTALA ang biyahe sa DEPARTURE AREA ng NAIA ni Bourne Legacy actor Jeremy Renner.
Nakumpiska kasi sa BAG ng kanyang “alalay” ang isang POSPORO na ipinagbabawal sa loob ng eroplano.
Hindi sinabi sa ulat kung ang TATAK o “brand name’ ng posporo ay “CORONA”.
Kung nagkagayun, magandang HEADLINE yan: “CORONA” pinigil sa PALABAS NG AIRPORT.
May kicker pa sa ibabaw: “Habang nagpa-prayer rally ang INC: CORONA NASABAT SA AIRPORT.
Ha! Ha! Ha!
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 29, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
----30---

2016 DERBY: BINAY, AN EARLY BIRD

PAKTAY kang bata ka.
Dumeklara na si Bise Presidente Jejomar Binay na kakandidato siyang PRESIDENTE sa 2016.
Paano ngayon yan?
Ibinisto na ang BARAHA.
Ikinatwiran ni Binay na ayaw niyang maging ipokrito o MAPAGKUNWARI kaya prinangka niya ang mga dumalo sa isang pulong.
Ipinagyabang agad niya na siya ay loyal sa kanyang partidong PDP-Laban.
Nagaganap ito kasabay ng isa ring ulat na ang kasong impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona ay isang “dry run” lamang o “buwelo” lamang sa isang mas maselang impeachment complaint na isusunod ng Liberal Party: Impeachment laban kay Binay.
Kumbaga sa duelo ng mga Cowboys sa Wild, Wild West, inunahan na ni Binay sa PAGBUNOT ng baril ang kanyang mga lihim na kaaway.
Prestoo, anumang klase ng kaso ang PASINGAWIN ng kanyang mga katunggali, ay tiyak na mabilis niya itong masasalag.
Talagang alisto si Rambotito!
Pero, may masama ring implikasyon ito.
Kasi’y kung maaga siyang nagdeklara tulad ni Sen. Manny Villar sa 2010 presidential derby ay baka MAUBUSAN siya ng bala.
Sa karera ng kabayo o mga siklista, nahihirapang umabot sa finish line ang MAAGANG rumiremate o nagbe-break away—hindi malayong MASUNOG siya o pupugin ng mga KALABAN kaya’t papasanin niya ang MATINDING PRESSURES sa kumpetisyon.
Pero ang deklarasyon ni Binay ay direktang HAHATI sa lideratura sa Malacanang na pininiwalaang kontrolado ni DOTC Sec. Mar Roxas—ang mortal na kaaway ng bise presidente sa politika.
Anu’t anuman, apektado ang ADMINISTRASYONG AQUINO—sa deklarasyon ng dating mayor ng Makati.
Hindi lang si Corona kalaban nila, maging si Rambotito na rin!
Yung ibang presidentiables, walang ibang gagawin kundi ang MANOOD MUNA—bago umakyat sa ibabaw ng lona.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 29, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Monday, February 27, 2012

AMAY BISAYA AS ST. PEDRO CALUNGSOD

MALABO pang maiuwi sa Maynila ang LABI ni Rep. Iggy.
Iba talaga ang MAGANDANG lalaki.
Iba rin ang may KUWARTA—lalo’t hindi mo alam kung KANGINO talaga.
He, he, he.

-----$$$---
DADALAW si Ate Glo sa BUROL ng kanyang BAYAW na si Jose Pidal.
Mainam naman.
Para makabayad siya sa “SAVIOR” ng kanyang MISTER.

------$$$---
PERO, paalala lang sa mga SISILIP sa LABI ni Rep. Iggy, “PIRMA” po kayo sa “VISITOR LIST”.
Huwag na huwag po ninyong PEPEKEIN ang inyong lagda.
Please lang po.

-------$$$---
WALA palang “available” na litrato si Pedro Calungsod na idineklarang SANTO ng Vatican City.
Kasi po ay hindi pa uso ang KODAK noon.
Wala ring mahusay na PINTOR nang siya ay mag-KATEKISTA sa ibang bansa.
Ngayon, unang binalak na KOPYAHIN na lang daw ang litraro ng isang BASKETBALL STAR.
Pero, sa totoo lang, marami ang NAGREKLAMO.
Paano daw siya MATAIMTIM na magdarasal kapag ang DADASALAN niya ay isang BASKETBALL HERO?
Imbes na BIYAYA, baka IHAGIS sa kanya ay BOLA.

----$$$---
BINABALAK ng Simbahang Katoliko na IMODELO na lang ang LITRATO ni Calungsod sa isang TIPIKAL na BISAYA.
Espesipik po ang MUNGKAHING “itsurang BISAYA” ang kokopyahin bilang REPRESENTASYON ng mga BISAYA na debotong Katoliko.
Teka, ano ba ang ITSURANG BISAYA?
Parang DISKRIMINASYON yata ito sa mga BISAYA.
Dahil ang lahat ban g BISAYA ay itsurang “INDIO o ALIPIN” o sacristan?
Bisaya po si Sen. Serge Osmena, bisaya rin si Flash Elorde, bisaya rin si JOGRAD DE LA TORRE.
Sa bandang huli , baka magkasya na lang kayo sa itsura ni AMAY BISAYA.
Makapagdasal ka pa kaya nang maayos nun?
Sa bagay, mainam yun, tanggal agad ang problema mo.
Kasi’y pag naiiyak ka sa problema, PAGTINGALA mo-- tiyak na matatawa ka.

-----$$$---
WINASAK na raw ang HIDEOUT ni Osama bin Laden.
Huhhh, kaya pala, wala nang nagla-LIKE ng aking post sa facebook.

-----$$$---
PINIPILIT ng Department of Agriculture particular ng National Meat Inspection Board na maglagay ng FREEZER ang mga nagtitinda ng KARNE sa mga palengke.
Malamang na may TONGPATS sa kanila ang MERALCO.
Kaylaking KUWARTA ang babayaran nila sa ELECTRICITY bills pag nagsibili ng freezer ang mga meat vendors.

----$$$--
PERO, mayroon mas KAPANI-PANIWALANG KUTOB kung sino ang NAGBUBUYO o nagbibigay ng “AYUDA” upang kumpiskahin at BUWISITIN ang mga tindera ng karne.
Ito ay ang mga MAY-ARI ng mga DAMBUHALANG MALLS,. HYPERMART, GROCERY SUPERMARKET.
Nais ng mga KOLOKOY na mapuwersa ang mga CONSUMERS na bumili ng KARNE sa mga “MALLS” na may sangrekwang FREEZERS.
Ibig sabihin, ang GOVERNMENT POLICIES—ay maka-MAYAMAN imbes na MAKAMAHIRAP.
Linsiyak na buhay yann….
Diretso bay an o baluktot?
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb. 28, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

NEWS BLACKOUT SA BLACKOUT

LINGID sa kaalaman ng marami na naninirahan sa Kamaynilaan, dumaranas ng walang patid na BROWNOUT ang mga kapatid nating naninirahan sa Mindanao at Bisayas at maging sa Mindoro, pero hindi ito inihayag sa MEDIA—diyaryo, radio, telebisyon at internet web sites.
Pinakamatindi sa Mindoro at ang sanhi ay artipisyal lamang dahil NAG-AAWAY ang mga KOOPERATIBA at ang ilang POWER DISTRIBUTOR na nais makopo ang transaksiyon sa negosyo.
Inutil ang gobyerno particular ang Department of Energy na pumagitna sa isyu—gayong HOSTAGE at BIHAG ang milyon-milyong konsiyumer sa mga liblib na lugar.
Hindi prayoridad ng gobyerno ang mga nasa liblib na lugar particular sa dulong Luzon, Visayas at Mindanao—sapagkat kakaunti lang ang BOTO nito.
At kahit dumaing sa TEXT, kakaunti lang ang LOAD ng mga ito kaya’t hindi rin pinapansin ng mga MEDIA ENTITIES na tanging pag-asa nila.
Sa Mindanao ay yan din ang sitwasyon, nag-aaway away at nasusuwapangan ang mga power distributor kung saan ibinenta ng Napocor ang kanilang planta na bahagi ng privatization.
Maliwanag ditto, na ang pag-aaway ng mga suwapang at ganid na negosyanteng may basbas ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng BLACKOUT at BROWNOUT sa iba’t ibang lugar.
Nakapagtatakang tameme ang DoE sa isyung ito na kung malalaman ng publiko ay maaring mag-panic at sisihin ang mga kinauukulan.
Kung bakit hindi ibinabalita ng media?
Iyan po ang tinatawag na NEWS BLACKOUT.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 28, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Sunday, February 26, 2012

LT.COL MANNY PACQUIAO AS PEACE PANEL MEMBER

NAKORNER ni Grace Ibuna ang malaking KAYAMANAN ni Rep. Iggy.
Balato naman dyan.

------$$$---
HINDI na ako PUMUPUNTA ngayon sa BISINIDAD ng Quezon City.
Dahil BAWAL daw doon ang PLASTIK eh.

-----$$$--
HINDI pala PATAY ang technical director ng ABS-CBN na binaril ng HOLDAPER kamakalawa sa tapat mismo ng TV complex.
Mas mainam na yung MABALITA ka na PATAY, pero BUHAY ka.
Kaysa MABALITA ka na BUHAY ka, pero PATAY ka pala.


-----$$$---
APAT ang patay sa engkuwentro ng AFP at NPA kahapon sa Bikol.
Akala ko ba ay WALA nang REBELDE?
At akala ko ba ay may CEASEFIRE?
Puro PROPAGANDA lang.
He, he, he.

-----$$$---
ISANG police officer ang binaril at napatay sa Batangas kahapon.
Yan ang ating “PEACE AND ORDER”.
Saka na yan, ang MAHALAGA, matanggal ang mga MAHISTRADO.


-----$$$---
MAGWEWELGA raw ang mga TSUPER at OPERATORS dahil sa oil price hike.
Naku, huwag po, baka ARESTUHIN kayo at MAMASAKER lang.
Kaawa-awa ang mga MAUULILA ninyo.
Bawal po an gang mag-PROTESTA ngayon.
Ang pinapayagan lang po ay ang PUMURI.
At mag-SEPSEP.

-----$$$---
NGAYON, malinaw na hindi na MAGHAHARAP sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Sino ang NAWALAN?
Baka si Jinkee!!
Liliit ang ENTREGA ni Pacman.
Ekskyusmi po, ENTREGA po ang espeling ko, HENDE po, INTRIGA.

----$$$--
HINDI pa pala SOLVED ang Malacanang sa bagong SALN form na ginawa ng BIR.
Gusto nila ay detalyadong listahan sa PAMEMENGKE.
Nakasanayan na kasi nila yung tulad sa PAPELITOS NG JUETENG eh.
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
MAY GOOD NEWS ako kay LT. COL MANNY PACQUIAO.
Sisimulan sa araw na ito, Lune sang BALASA sa AFP.
Inirerekomendang maging HENERAL si Pacman.
At ipagkatiwala sa kanya na maging ISA sa kinatawan ng RESERVE FORCES sa PEACE PANEL.
O, payag ba kayo diyan?
Tanging si GEN. PACQUIAO lang ang makakapagpa-TAHIMIK sa Mindanao.
Yung hindi susunod: Reregaluhan lang niya ng MAG-ASAWANG LEFT HOOK.
Tiyak biglang TAHMIK ang lahat ng rebelde.

-----$$$--
AT ang lahat ng mainit pa rin ang ulo, hindi BARIL ang ibibigay niya.
Bibigyan niya ng tig-iisang PARES NG GLOVES.
At ang lahat ng BARANGAY ay bibigyan din ng tig-isang BOXING RING.
Yung naghahanap pa rin ng GULO sa panahon ng PEACE IMPLEMENTATION, paaakyatin na lang sa ibabaw ng lona.
Ang kainaman ng mungkahi natin, mananatili pa rin ang TAPANG ng mga taga-MINDANAO pero makakapag-ambag sila ng KARANGALAN sa bansa kapag nagging boxing champions silang lahat.
Yung nga lang, huwag silang dadayo sa ARGENTINA.
Baka sa sobrang galit ay rumesbak sila at PUGUTAN ng ulo ang mga BARBARO sa Buenos Aires.
Biro lang po.
(BISTADO column, Bulgar Newspaper, Feb. 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.bogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

SALN: HIDDEN WEALTH, UNEXPLAINED POVERTY

HINDI raw nasisiyahan ang Malacanang sa desenyo at detalye ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na ginawa ng BIR.
Sa totoo lang, ang lahat ng government workers—opisyal man o ordinaryong kawani ay hindi naman talaga sineseryoso ang paglalagay ng espesipiko sa naturang SALN na rekititos sa appointment papers na isinusumite sa civil service commission .
Bakit?
Kasi kung ilalantad lang ng PINAKAMATAAS na opisyal ng gobyerno ang SALN---partikular ang mga taga-Malacanang, miyembro ng gabinete, senador, kongresista, judicial executives, ombudsman, COA at maging CSC officials—ay tiyak na magiging TAMPULAN ito ng duda at LEAD sa sangrekwang kaso ng corruption.
Talagang dapat ILANTAD sa publiko ang detaye ng SALN, upang matiyak na HINDI nagnanakaw ang mga buwaya.
Tulad naman sa mga EHEKUTIBO ng gobyerno na DINADAYA ang SALN, yung mga ordinaryong kawani ng gobyerno—ay ITINATAGO rin ang SALN, hindi bunga ng sobrang YAMAN, kundi mabibisto naman ang SOBRANG HIRAP.
Sa Pilipinas, ang pagiging dahop at isang kahihiyan kaya’t mabibisto ditto ang SANGREKWANG UTANG o LIABILITIES.
Kung itinatago ng mga EHEKUTIBO ang kanilang SOBRANG YAMAN, inililihim din ng maliliit na obrero sa gobyerno ang SOBRANG UTANG.
Halimbawa, imposibleng ilagay ng obrero na ISINANLA niya ang ATM—sa kahera ng finance department sa pormang “5-6”.
Napakaraming KAWANI sa gobyerno na hindi nahahawakan ang ATM bagkus ito ay diretso sa USURER o mga BUMBAY NA PINOY .
Yung walang ATM, inia-ADVANCE ang suweldo sa “buwayang” o front loan sharks o sa government cashier na may PATONG na ala-FIVE-SIX ng Bumbay, imposibleng idetalye ito sa SALN—sa ilalim ng “itemized LIABILITIES”
Mapait na katotohanan na mapepenahan ang mga KAWANI ng gobyerno dahil hindi niya IPINAGTAPAT kung SINO-SINO ang pinagkakautangan niya, tulad din na hindi ibibisto ng mga EHEKUTIBO—ang pinagmulan ng kanyang KAYAMANAN.
Kung masyadong detalyado ang SALN—lalabagin at dadayain lamang ito kapwa ng mga EHEKUTIBO at ordinaryong obrero sa gobyerno—parehong ayaw IBISTO—ang kalagayang pinansiyal—sobrang yaman o matinding hirap din!
(Editorial , Bulgar Newspaper, Feb. 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.bogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Saturday, February 25, 2012

ONLY IN PHL: POLICEMAN AS PRESIDING JUDGE

HINOLDAP at napatay ang isang technical director ng ABS-CBN sa mismong mataong lugar malapit sa naturang TV network.
Iyan mismo ang MUKHA ng “peace and order” sa bansa.
Hindi maubos ang riding-in-tandem, hindi matapos ang masaker kung saan pinapatay ang mga biktima sa loob mismo ng sariling silid sa sariling tahanan at sa sariling bakuran.
Wala nang ligtas na lugar dahil maging ang iyong sariling silid ay nakakapasok ang mga KRIMINAL, paano pa sa lansangan, sa parke o sa pampasaherong sasakyan?
Ang kaliwa’t kanang holdap ay nagkakasabay-sabay kung saan, hindi na umaabot sa piskalya ang mga suspek bagkus ay agaran itong “HINATULAN” ng kamatayan ng mga rumerespondeng awtoridad.
Madalas akalain ng awtoridad na ang “summary execution” ang pinaka-shortcut na PANGONTRA sa krimen, pero sa kabalintuan, magpapa-GRABE ito ng sitwasyon—sapagkat tatapatan ito ng mga KARUMAL-DUMAL na pagpatay sa mga inosenteng biktima.
Ibig sabihin, sapagkat “OUTRIGHT DEATH” ang hatol sa magnanakaw, agad na itinutumba ng mga SALARIN ang mga POTENTIAL WITNESS na mismong BIKTIMA upang takasan ang LUPIT NG BATAS.
Kung hindi nila papatayin ang biktima, DELIKADONG MATIKLO sila at BUBULAGTA rin sila kalye.
Iyan mismo ang kahulugan ng “ORDER” o kaayusan sa lipunan o sosyedad—WALANG “ORDER” o walang kaayusan ang ating JUDICIAL PROCESS—sapagkat ang mga PULIS—ang “HUMAHATOL” sa mga suspek.
Kung seryoso si PNoy na ayusin ang HUSTISYA, isagawa ito sa maayos at masusing pagsusuri sa “ibaba ng judicial process” o mismo sa hanay ng KAPULISAN.
Sa isang sibilisadong lipunan, ang pagpatay agad sa suspek ay isang BARBARISMONG manganganak din ng serye ng PATAYAN—ala WILD, WILD PHILIPPINES!!
Sa kabuuan, magbubunsod ito ng “DESTABILIDAD”, sisira sa katahimikan at WAWASAK sa ekonomiya ng bansa.
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb. 26, 2012 issue. UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

HENDE AKU BISAYA: MAY IBIDINSIYA K B?

NILINAW ni Presiding juror Juan Ponce Enrile na hindi isang criminal court ang Impeachment Body.
Iyan mismo ang paulit-ulit nating sinasabi sa kolum na ito.
Hindi dapat ituring ang Impeachment Body na tila regular na TRIAL COURT.
Iyan ay PRODUKTO ng pagsasaliksik ni Enrile sa mga law books gabi-gabi.

----$$$--
BINIGYAN-DIIN din ni Enrile na hindi kailangan ang “BEYOND REASONABLE DOUBT”—ang pagbabatayan ng QUANTUM OF EVIDENCE.
Ibig sabihin, hindi kailangan na SOBRANG TIBAY ang ebidensiya para ma-CONVICT si CJ Renato Corona.
Mahalagang maipaliwanag ito sa ordinaryong tao.
Kasi’y kapag “beyond reasonable doubt”, mahihirapan ang mga SENATOR-JUROR na makapag-APPRECIATE ng mga ebidensiya na kasinghusay ng mga MAHISTRADO.
Dahil ditto, maikukumpara ang Impeachment Body sa isang GRAND JURY na minsan na rin binanggit ni Enrile.
Sa umpisa pa lamang, ay palagi nating pinagdidiinan na KAILANGANG MAKILALA muna kung ANONG KLASE ng HUKUMAN o BULWAGANG KATARUNGAN ang Impeachment Body.
At tanging ang KOLUM na ito lang ay NAGLALAHAD ng ganyang paga-ANALISA na napakahalaga upang maunawaan ng ordinaryong tao ang impeachment proceedings.
At mahalagang aspekto rin ito upang MAKAPAGDESISYON nang malinaw at maayos ang mga SENATOR-JUROR.

-----$$$--
SANA’Y ituloy ni Enrile ang PAGLALABAS ng RULINGS at GABAY na pang-MASA upang maging matagumpay ang impeachment proceedings na tila MATATAPOS nang maayos sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan.
Sa ngayon, tanging si Enrile lamang ang may KAKAYAHAN at TALINO na iayos ang impeachment proceedings na magiging PAMANTAYAN sa mga susunod pang kaso na katulad nito.
At ito rin ang magiging AMBAG ni Enrile sa ating kasaysayan-- judicial at political systems.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 26, 2012 issue. UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Friday, February 24, 2012

MARCOS ERA: WORST OR BEST?

GUNIGUNITA ngayon ang ika-26 na anibersaryo ng EDSA 1.
Isang maselang yugto din kasi ito ng aking BUHAY.
Sa totoo lang, kung marami man ang nababasa nating artikulo laban kay dating Pangulong Marcos, kakaunti at halos walang NAGSUSULAT at nagbubunyag ng POSITIBONG MUKHA ng kanyang administrasyon.
Ang mga KABATAAN ngayon na nasa edad 26-ANYOS hanggang 30 anyos—ay HINDI AKTUWAL na nasaksihan ang “mga eksena sa panahon ni Marcos”, bagkus ay nagkakasya lamang sila sa “paglalarawan” ng MEDIA na “namumuhi’ sa dating lider.
Dahil ditto, napagkakaitan sila ng KATOTOHANAN na malaman at maunawaan ang “kasaysayan” at “nakaraan”.
Binabanggit natin ito nang paulit-ulit upang MAUNAWAAN ng kasalukuyang KABATAAN ngayon na ang “deskripsiyon ng Marcos era” na ibinabando ng mga kritiko ni Marcos—ay magiging “hearsay” na lamang—kapag iyan ay ikinuwento nila sa kanilang mga ANAK.
Pero, ang “negatibong kuwento” ay mananatiling KUWENTO, ngunit ang mga PISIKAL na positibong ASPEKTO ng Marcos Era—ay makikita ng mata at mararamdaman ng puso ng KASALUKUYANG KABATAAN na nauuhaw sa KATOTOHANAN.
Sa mga kabataan ngayon, alam ba ninyo na ang LRT ay kinonsepto at unang ipinatupad sa panahon ni Marcos—ngayon, may tatlong LRT tayo na napapakinabangan at ito ay magiging PITO o SIYAM NA LRTs sa hinaharap.
Pisikal at aktuwal yan—sabihin ninyo kong negatibong kontribusyon yan ng Marcos era.

------$$$---
SAAN nagkukumpol-kumpol ang mga KABATAAN tuwing weekend ngayon?
Sumakay kayo sa helicopter o umakyat sa pinakamatayog na gusali sa Pasay at Maynila—at matutunghayan ninyo ang sangrekwang edipisyo at gusali sa EKTA-EKTARYANG dating reclamation area sa Roxas Boulevard.
Tinabunan, ini-reclaimed ang dating dagat upang MADAGDAGAN ang “LAND AREA” ng Pilipinas kung saan, ngayon ay SINO ang nakikinabang?
Sino ang nagbenta sa pribadong korporasyon ng RECLAMATION AREA kung saan pinakikibangan din ang mga gusaling itinayo sa panahon ng Marcos era—tulad ng PICC; GSIS building kung saan narooon ang mismong SENADO; Film Center, Folk Arts Center; at Coconut Palace na opisyal na tirahan ng Bise president eng Pilipinas.
Ganyan ba kasama ang Marcos era?
Sino ang MASAMA—ang nag-reclaimed ng DAGAT upang maging LUPA o ang NAGBENTA ng LUPA ng reclamation upang maging PRIVATE PROPERTIES ng mga MULTI-BILYONARYONG negosyante?
Kabilang sa nakikinabang sa reclaimed area ang pinaka-DAMBUHALANG MALL sa ASIA na siyang humuhuthot ng PAWIS at DUGO ng milyon-milyong OBRERO na iginapos sa KONTRAKTUWALISASYON.
Alin ang kasuklam-suklam: Ang Marcos era ba o ang post-Marcos era?
Kayo ang humatol!!

------$$$----
DATI-RATI ay nage-export sa IBANG BANSA ang Pilipinas ng BIGAS, ISDA, GULAY, KARNE, MANTIKA, ABACA, COCONUT, SUGAR, HANDICRAFTS, GARMENTS---ngayon ang lahat na yan ay inaangkat o ini-IMPORT ng mga Pinoy—kasama ang GALUNGGONG ni Tita Cory.
Mas maganda ba ang buhay mo ngayong post-Marcos era?
Hige, magsalita kayo!!!

------$$$--
SINO o aling administrasyon ang naglatag ng policies upang makapag-ABROAD sa Middle East particular ang mga “no-read, no-write” na OBRERO PINOY?
Ngayon, ang DOLLAR remittances ng OFWs ay siyang GULUGOD ng ekonomiya ng bansa?
Ang OFW ba ay sinimulan ARTER MARCOS o ito ay nakilala sa panahon ng Marcos Era?
Ang “BLISS PROJECT” na unang BUGSO ng national SHELTER program gamit ang itinatag na Pag-IBIG fund—ay siyang nagparami ng LOW COST HOUSING—iyan ba ay sinimulan AFTER MARCOS?
Tama kayo—yan po ay ideya at ipinairal sa MARCOS era.
Marami pang iba pero mauubos ang ESPASYONG ito kapag inilatag ditto.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

SCARCITY: NOT FUND, BUT BRAINS

SOBRANG init sa nagdaang dalawang araw.
Senyales ito ng panahon ng tag-araw.
Pero ang pamamaalam ng ulan ay hindi dapat ipagsaya bagkus ay dapat gamitin ang tag-araw bilang PAGHAHANDA sa tag-ulan na katumbas din ng tag-BAHA at tag-GUHO ng lupa.
Ibig sabihin ang pagkontra sa BAHA ay dapat sinisimulan sa panahon ng tag-araw upang tiyakin na MALILINIS sa kuyagot ang mga kanal, estero at iba pang daluyan ng tubig.
Panahon ito ng PAGTUKOY sa espesipikong lugar, posisyon o teritoryo na delikadong matabunan o gumuho ang lupa o MALUBOG sa tubig.
Ang information drive laban sa BAHA at GUHO—ay hindi dapat isinasagawa kung kailan nagsisimulang pumatak ang ulan, bagkus ito ay epektibong isagawa sa simula pa lamang ng TAG-ARAW.
Ang paalalang ito ay hindi isang EXPERT ADVISE, bagkus ay simpleng SINTIDO KUMON o common sense.
Walang binabanggit ditto na MALAKING PONDO upang paghandaan ang tag-ulan bagkus ay simpleng maagang preparasyon.
Nangangahulugan na HINDI PONDO ang kailangan laban sa trahedya.
Hindi KAPOS ng pondo ang gobyerno, bagkus KAPOS lamang sila sa UTAK.
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Thursday, February 23, 2012

NBI ON FILE: THE UNPAID ASSASSINS

IBINUNYAG ng mga KANO ang CORRUPTION sa Pagcor ng Pilipinas.
Bakit kaya ganun, yung PAGNANAKAW ay yung mga taga-IBANG BANSA ang nage-expose?
Hindi ba’t yung DOLYARES ng misis ni Leon Guerrero ay NABISTO sa US pero hindi NABISTO sa Philippine immigration?
Tapos, tahimik na.
Ganun lang.

-----$$$---
INAMIN ng Malacanang na tumanggap ng “regalo” ang Pagcor chief na si Bong Naguiat mula sa FOREIGN COMPANY na may transaksiyon sa ahensiya.
Pero, nilinaw nila na HINDI GUILTY ang PAGCOR CHIEF.
Ganun ang BATAS natin.
Pag kalaban sa “politika” ay GUILTY, pag KAALYADO ay ABSUELTO.
Galing anu po?
He, he, he.


-----$$$--

PORMAL nang isinakdal si Cong. Glo sa kasong electoral sabotage.
Teka, baka hindi na naman ninyo ALAM ang meaning ng “electoral sabatoge”.
Baka bagong IMBENTO yan sa “legal dictionary”, mahihirapan kayong PATUNAYAN yan?

----$$$---
NOT guilty ako.
Yan ang PAHAYAG ni Cong. Glo sa korte kahapon.
Siyempre, alangan namang UMAMIN ka.

----$$$---
NAGMUMURA pala si Ex- Comelec chairman Benjamin Abalos nang ipagpaliban ang PAGDINIG sa kanyang kaso.
Teka, teka, wala po ba tayong “TWO HUNDRED” dyan?


------$$$---
OOOPPP, iaaatras na ng prosekusyon ang LIMANG articles of impeachment.
Ayaw ni nilang MASERMUNAN ni Manong Johnny.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$--
AMBUSH ME daw ang pagtambang kay NBI deputy chief Reynaldo Esmeralda.
Pwede naman yun.
Aba’y baka naman gusto lang niyang GAYAHIN yung dalawang PARI sa Columbia—totoong nagpa-ASSASSINATE ME—at natodas nga.
Pero, ang pagkakaiba ng dalawang kaso ay ito.
Yung kaso sa “AMBUSH ME” sa Columbia ay “NAGBAYAD AGAD” sa ASSASSIN.
Pero, baka yung ibinayad sa palpak na asasinasyon ay “POST-DATED CHECK’ lang.
O, siyempre, siyopot ang ginagawang diskarte.
Payo ng isang Kolokoy mula sa likuran: “Sir, sa susunod ay huwag ninyong “SUBAIN” ang ASSASSIN.
He, he, he.

----$$$--
ISA na namang LAW STUDENT ang namatay sa HAZING.
Malinaw na hindi tumatalab ang ANTI-HAZING ACT.
Mabuti pang palitan na lang ito ng ANTI-HATSING ACT.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb 24, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

AFTER MARCOS: SO WHAT?

GUGUNITAIN na mamayang gabi ang maselang eksena sa kasaysayan ng Pilipinas—ang pagkakaalis sa puwesto ni dating Pangulong Marcos.
Ang tanong: Nang mawala ba si Marcos ay MABILIS na umunlad ang bansa?
Nang mawala ba si Marcos ay naging MAS GRABE ba ang sitwasyon ng lipunan?
Nang mawala si Marcos ay NABISTO ba kung sino ang pumatay sa ama ni PNoy na si dating Sen. Noynoy?
Kung mahal mo ang yumaong asawa o yumaong ama, hindi ba’t dapat mong gawing PRAYORIDAD—ay ang matukoy mo ang UTAK ng krimen?
Sa dalawang okasyon na nahawakan ng biyuda at unico-hijo ni Ninoy ang Malacanang bakit—hindi pa rin NABIBISTO kung sino ang UTAK ng asasinasyon?
Kung totoo na si Marcos ang utak ng naturang krimen , hindi ba’t dapat ay lumitaw ang EBIDENSIYA na siya ang nagpapatay?
Bakit hindi ito nalulutas hanggang ngayon—at patuloy na TINUTULUGAN ang isyu?
Sino ang tunay na biktima sa PAGKAMATAY ni Ninoy?
Hindi ba’t INAAKALA ng marami na siya ang UTAK ng asasinasyon—pero NAPATUNAYAN sa kasaysayan na INOSENTE ang “bangkay na nakaburol pa rin sa refrigerated crypt sa Ilocos?”
Hanggang ngayon dahil sa “naturang krimen”—na wala siyang kinalaman, ay PINARURUSAHAN pa rin ang kanyang KALULUWA na pinagkaitan ng “katahimikan” maihatid nang maayos at may dangal sa HULING HANTUNGAN.
At sino ang UMANGAT at nagkamit ng KAPANGYARIHAN, karangalan at UMANI ng “PUWESTO” sa Malacanang?
Ang mga Marcos ba ang NAKINABANG sa pagkawala ni Ninoy?
Alam ng lahat na si Tita Cory ay BINIYAYAAN ng DIYOS—nang mamatay ang kanyang mister.
At nang yumao si Tita Cory, sino ang NABIYAYAAN ng naturang eksena—ang mga MARCOS ba?
Sino?
Ang 90 milyong ordinaryong PINOY ba ay NABIBIYAAN nang mawala si Marcos?
Sa paggunita ng ika-26 anibersaryo ng paglalaho ng Rehimeng Marcos, may nabago ba?
Saan dumiretso ang PAGBABAGO?
Sa TUWID NA DAAN ba o sa BALUKTOT na landas?
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb 24, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Wednesday, February 22, 2012

OVER IGGY'S DEAD BODY: ALELI VS GRACE

NAGKASUNDO na ang magkaribal na sina Grace Ibuna at Aleli Arroyo, parehong naulila ni Rep. Iggy Arroyo.
Sa pinakahuling ulat, nagkaareglo na ang dalawang kampo at malayos nang maihahatid sa huling hantungan ang “sanhi” ng kanilang away—ang LABI ng kongresista.
Iginawad ng isang Korte sa United Kingdom ang karapatang maiayos at maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng kongresista pabor kay Ibuna at sa bunsong anak ni Arroyo.
Pero, hindi yan ang isyu—bagkus ay ang PATAW ng British court na penahan o PATAWAN ng parusa si Aleli na MAGBAYAD ng P6 milyon—katumbas ng gastusin sa paglilitis at bayad sa mga abogado ng kanyang karibal na si Ibuna.
Ano ang ibig sabihin ng naturang hatol—na HINDI natin nakikitang ginagawa ng sinumang HUWES sa Pilipinas?
Iisa lang ang ibig sabihin nito.
Pinarusahan si Aleli ng korte sa paghatol na PASANIN ang lahat ng gastos, sapagkat PINERHUWISYO niya ang HUDIKATURA at ang personal na pagkatao ng kanyang mga KINASUHAN at inakusahan.
Ibig sabihin, sa United Kingdom ay hindi puwedeng gamitin ang “pagsasampa” ng kaso sa simpleng pangha-HARRASS o pamemerhuwisyo gayong “WALANG KATUTURAN” ang kasong isinasampa.
Nangangahulugan ito na INUBOS lang ni Aleli ang resources ng gobyerno ng UK at inaksaya ang oras ng mga TAONG isinali niya sa kaso—kaya’t ang PARUSA---ay pasanin niya ang GUGULIN sa “demandahan”.
Ganyan din halos ang ibig sabihin ng Impeachment Body—hindi pupuwedeng magsampa ka lamang ng KASO—dahil sa simpleng nagagalit ka o nag-aakusa, kailangang may SAPAT KANG EBIDENSIYA at hindi ka NAMBUBUWISET lang.
Marami klase ng kaso na nangha-HARRASS lang o GINUGULO ang inbidiwal na kinakasuhan kabilang diyan ang SANGKATUTAK na libel case laban sa mga MAMAMAHAYAG.
Kinakasuhan ang mga MEDIAMEN—ng mga taong naibalita nila o nailathala BUNGA NG PROPESYON sa pagsusulat, pero walang namang motibo ang mga PRESS maliban sa MAG-ULAT.
Pero sa Pilipinas, hindi pinaparusahan ang mga NAGDEDEMANDA “nang walang katuturan” kaya’t NAPUPUNO ang korte ng mga WALANG KUWENTANG KASO na ang motibo ay simpleng MAMBUWISET lamang.
Sana’y pag-aralang mabuti ng mga kinauukulan ang simpleng kasong ito nina Aleli at Grace—makakapulot tayo ng teknik kung PAANO mababawasan ang KASO sa ating mga hukuman.
(EDITORIAL, Bulgar Newpaper, Feb. 23, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

THE GRADUATES: NPC-PLM BPA OFF CAMPUS PROGRAM

PUWEDE bang makiusap?
Paarbor naman ng espasyo ngayon.
Nais nating pasalamatan ang mga opisyal, administrador, guro, propesor at personnel ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Naging bahagi po kasi tayo o ang inyong abang-lingkod—ng programang “PLM Off Campus program” sa kursong Bachelor in Public Administration katuwang ang National Press Club (NPC) na pinamumunuan nina NPC president Jerry Yap at AFIMA President Benny Antiporda.
Kung mayroon mang isa sa pinakamagandang programa si PLM President Rafaelito Garayblas at Manila Mayor Fred Lim, ito ay ang programang OFF-CAMPUS program na nasa ilalim ng College of Management and Entreprenuership sa pamumuno ni Dean Neil Gamus katuwang ang secretariat head na si Mr. Antonio Casurao.
Kahapon po kasi isinagawa ang RECOGNITION DAY kung saan ginawaran ang inyong abang-lingkod ng karangalang “GAWAD KARUNUNGAN” academic performance award sa PLM-NPC Batch 1 sa kursong Bachelor in Public Administration.
Tumanggap din ng karangalang GAWAD KAUNLARAN ang 13 pang kasamahan natin sa NPC-PLM Batch 1 kahapon at inihahandog namin ito sa iba pa naming kaklase na nagtiyaga na dumalo tuwing Sabado sa regular sessions sa NPC building sa loob ng mahigit isang taong singkad.
Kabilang sa ginawaran kahapon ng GAWAD KAUNLARAN award mula sa NPC- PLM batch 1 sina Ferdinand Fabella; Alvin Almoite; Jose Joel Sy Egco; Ben Gines Jr; Rommel San Pedro; Norberto Lopez Jr; Ma. Jocelyn David; Robert Ricohermoso; Romeo Molina; Ma. Theresa Dela Cruz; Michelle Buendia; Zenaida Asombrado; at Melody Ann Acuzar.
BUONG PUSO po naming kayong binabati nang CONGRATULATIONS!!

-----$$$--
SA totoo lang, kung ang mithiin ng bawat isang Pinoy ay mapagbuti ang PAMAMAHALA o GOOD GOVERNANCE, hindi abogasya ang tamang kurso ng mga nasa gobyerno kundi ang kursong PUBLIC ADMINISTRATION.
Kailangan n gating bansa ang mga PUBLIC ADMINISTRATION course graduates imbes na mga abogado na nakapokus sa TEKNIKALIDAD ng batas, pero hindi sa MASINOP, MAHUSAY at EPISYENTENG pamamahala sa gobyerno.
Kung ang mga public administration course graduates ay bibigyan ng pagkakataon na AYUSIN ang nabubulok na BURUKRASYA—doon lamang tayo makakasilip ng pag-asa ng PAGBABAGO.
Ang pagbabago ay siyempre, nakapokus sa MASINOP na pamamahala at pagresolba sa talamak na CORRUPTION—na ang tunay na ultimong mithiin ay makapagserbisyo nang buong husay sa ORDINARYONG MAMAMAYAN.

----$$$--
NAPAKAHALAGA ng papel na GINAGAMPANAN ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa pagpapasimuno ng programang ito dahil iniikot at ibinabahagi nila ang PLM Off-campus program sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Pagcor, Philhealth, DSWD, Bureau of Customs, Senate of the Philippines, maging sa iba’t ibang local government units at pribadong sector tulad sa National Press Club (NPC) at San Beda College.
Dapat ay sumunod ang iba pang unibersidad particular ang mga institusyong kabalikat ng gobyerno sa ganitong klase ng programa.
Mas epektib kung paabutin ang ganitong klase ng programa sa mga BARANGAY at MUNISIPYO—dahil imumulat nito at sasanayin ang mga KABATAAN sa isang matuwid, masinop, matapat at episyenteng PANGANGASIWA sa ating burukrasya na magpapasigla ng DEMOKRATIKONG PROSESO sa ating Republika.
Para sa iba pang nagsipagtapos at tumanggap ng karangalan sa PLM- Off Campus Bachelor in Public Administration course program, CONGRATS po.
Itinakda po ang gradation sa Marso 25 , 2012 sa Manila Hotel.
Marami pong salamat sa lahat.
(BISTADO Column, Bulgar Newpaper, Feb. 23, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Monday, February 20, 2012

9 MEDIAMEN: HOSTAGE OR LANDSLIDE VICTIMS

MAY magandang balita sa mga ISTAMBAY o mga walang trabaho na nagnanais na maging SKILLED WORKER.
Alam ba ninyong KINILALA at in-ACCREDIT na ng International Organization for Standardization (IOS) ang TESDA?
Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay dating National Manpower and Youth Center (NMYC) sa Taguig City na nagsisilbing sentrong sanayan sa mga obrero at kabataan.
Ano ang implikasyon nito?
Ibig sabihin ang mga TESDA graduates ay madali nang MAPAPASOK ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil MAGPAPATAAS ito sa kalidad ng training sa Pilipinas.
Malaki ang tsansa na DUMAMI pa ang OFWs na nagpapasok ng dollar remittances na nagsisilbing gulugod sa ating ekonomiya.
Naitatag ang NMYC o TESDA sa panahon pa ni dating Pangulong Marcos pero ngayon lamang ito nabigyan ng ganyang pagkilala.
Pero, inamin mismo ni TESDA Director General Joel Villanueva na kapos pa rin ang programa kaya’t ipinatutupad din ngayon ang tinatawag na “Dual Training System” (DTS).
Ibig sabihin, hindi lang tutok sa skills training ng obrero kundi maging sa iba pang aspektong ng edukasyon tulad sa komunikasyon at lengguwahe.
Malaki ang TAMA ditto ng anak ni Bro. Eddie.
He, he, he.

-----$$$--
MAS mainam sana ay matuloy ang planong na idiretso na ang training ng mga obrero sa iba’t ibang kompanya na nakabase sa Clark at Subic Economic Zone.
Ibig sabihin, diretsong magkakaroon agad ng trabaho ang mga trainees.
Sa totoo lang, ang ganitong programang pang-masa at pang-MAHIRAP ang siyang dapat ipinaprayoridad ng gobyerno at pinagbubuhusan ng todo ng administrasyon imbes ang impeachment proceedings.
Tama o mali?

-----$$$--
MAGKAKAIBA ang ulat kahapon kaugnay sa DINUKOT na siyam na mamamahayag sa Zamboanga.
Sa unang ulat, sinabing binihag sila kasi’y tinangka nilang ISIWALAT o ikober ang ILLEGAL NA AKTIBIDAD ng mga MINING companies.
Pero, may lumalabas na ulat na na-STRANDED lamang ang MEDIAMEN dahil sa landslide at malakas na ulan.
Pero, kinumpirma ito ng Malacanang at umaasang makakaligtas ang mga biktima ng hostage-taking.
Alin kaya ang totoo?
Tsk, tsk, tsk.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 21, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

IN HEAVEN THERE IS NO BEER

MASAMANG balita sa mga lasenggero’t lasenggera.
Itataas ang presyo ng Beer!
Nagpanting ang tenga ng mga ordinaryong mamamayan nang ipanukala mismo ng Department of Finance na itaas ang presyo ng beer upang makakolekta ng malaking buwis ang gobyerno.
Ang problema, kinumpirma mismo ni Asia Brewery chief finance officer Enrique Martinez , doble ang itataas na presyo ng beer na karaniwang kinokonsumo ng ordinaryong Pinoy kung maisasabatas ang House Bill No. 5727.
Tinatayang PAPALO sa 140 PERCENT ang dagdag sa buwis na ipapatong sa presyo ng kada bote ng beer particular ang POPULAR NA KLASE na SERBESA.
Pero, alam ba ninyo na taliwas sa 140 percent patong sa buwis sa SERBESA na paborito ng masa, kakarampot na 21 PERCENT lang ang itaas ng buwis sa mga SERBESANG PANG-MAYAMAN o ang mga IMPORTED BEER.
Ibig sabihin, pupuwersahing ISUPALPAL sa mga ordinaryong Pinoy ang TAX INCREASE sa serbesa, pero ang buwis para sa SERBESA ng mga mayayaman ay hindi naman gaanong pinalobo.
Isang paglabag ito sa “tax provision” na itinatadhana ng Konstitusyon kung saan, dapat ay PROGRESIBO o progressive taxation system ang IPAIIRAL, na ang ibig sabihin ay IPAPATAW ang buwis BATAY sa kakayahan ng TAX PAYERS na mabayaran ito.
Ibig sabihin, ipinagbabawal ng Konstitusyon ang SOBRANG PAGLOBO NG BUWIS—sa ANTAS na hindi ito KAKAYANIN ng tax payers.
Baliktad ang itinatadhana ng panukalang batas, sapagkat kung alin pa ang HANAY NG MAYAYAMAN na may “kakayahang magbayad ng malaking buwis” ay siya pang may MABABANG 21 PERCENT TAX INCREASE.
At ang HANAY ng mga mahihirap na MAKUKUBA sa pagbabayad ng malaking buwis ay siya pang PAPATAWAN ng 140 PERCENT TAX increase—na labag sa Konstitusyon.
Sakaling ipatupad ito, hindi malayong mabangkarote o malugi ang BEER INDUSTRY at ang resulta—ay mawawalan ng trabaho ang mga obrerong nakasandal ditto tulad ng mga factory workers, pahinante , ahente at drayber.
Dahil magsasarado, mawawala na rin ang TINATARGET ng dambuhalang buwis mula sa beer industry.
Kumbaga, dahil sa kasakiman na MAKORNER ang malaking bunga, PINALAKOL na lamang ang PUNO na pinagmumulan ng prutas.
Nabangkarote na ang kumpanya, nalugi ang gobyerno , naperhuwisyo pa si Juan.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 21, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Sunday, February 19, 2012

ROBOTIC FLIES VS CHINESE

KAHANGA-HANGA ang talino ng mga KABATAANG PINOY sa paggawa ng ROBOTS.
Mas mainam sana ay makagawa sila ng ROBOT na kasinlaki ng LANGAW.
At umimbento sila na nakapagtatangay ito ng PULBURA.
Tiyak na PAPAKYAWIN yan ng mga KANO.
Kapag hindi nila PINAKYAW, paramihin natin nang paramihin—at IISTAK natin yan sa SPRATLYS.
Tapos ang PROBLEMA, kahit ang CHINA ay matatakot sa atin.
Kasi puwedeng ILABAN natin sa kanila ang LIBO-LIBONG ROBOTICS FLIES na may tangay na tig-iisang BUTIL ng PULBURA.

------$$$---
SA totoo lang, kahit ang SATTELITE na naka-TALALA o naka-STANDBY lang sa KALAWAKAN ay kayang gawin ng Pinoy.
Kasi’y simpleng matibay na LOBO lang ito na NAKALUTANG sa ALAPAAP na may naka-install na CAMERA at ANTENA.
Yun lang yun.
Ganun kasimple lang yun.
Siyempre, yung CAMERA—ay may wireless connection sa computer na nasa isang LIBRARY lang ng bahay.

-----$$$--
MARAMING inobasyon na kayang gawin ng Pinoy.
Pero, ang pinakamainam na gawin ay ang isang “watership” na submarinong makakasisid sa pinakamalalim na KARAGATAN sa Pilipinas, tangay ang SCIENCE INSTRUMENT.
Kapag nagawa ng Pinoy yan, pwede na nating saliksikin ang pagmimina ng DEUTERIUM na nasa KAILALIMAN ng sahig ng dagat.
Kumbaga, may SANGREKWANG ENERHIYA sa paligid ng ARKIPELAGO ng Pilipinas.

-----$$$--
SA totoo lang, hindi natin dapat ASAHAN ditto ang BULOK na gobyerno kasi’y gaano man KALAKI ang budget, tiyak na NANAKAWIN lang yan ng mga kamag-anak ni Lolong.
Yung kasing mga SOBRANG YAMAN ay hindi na dapat sumali pa sa GOBYERNO—kasi’y mabibisto lang sa inyong SALN ang inyong PINAGPAGURAN.
Imbes na UBUSIN ninyo sa politika ang salapi, ubusin ninyo yan sa RESEARCH AND DEVELOPMENT.
Yan ang maitutulong ninyo sa ating INANG BAYAN at mabibigyan ng trabaho ang mga istambay.
Isang hopeless case na ang GOBYERNO---wala nang mabuting kauuwian ito.
Pero ang PRIBADONG SEKTOR na may pagmamahal sa BAYAN—yan ang kailangan natin.
(BISTADO column, Bulgar newspaper,Feb. 20, 2012 issue, unedited. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot,com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

GOV'T:A HOPELESS CASE

INAMIN ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na bigo at palpak ang AFP Modernization na ipinatupad noong 1996 hanggang 2011.
Sa kabuuang P331 bilyon, kakarampot na P35 bilyon lamang ang nai-release sa loob ng 15 taong singkad ng implementasyon.
Hindi pa binanggit ditto ni Gazmin kung gaano ang ninakaw o ginamit sa conversion scheme kung saan napatunayang nagkasala at sangkot ang ilang heneral.
Hindi rin kasama ditto ang direktang ayuda ng United States kung saan natuklasang ninakaw lang ng ilang heneral sa kabila ng kapos ng kagamitan ang mga ordinaryong sundalo.
Makikita natin na hindi ang LAKI o bulto ng pondo ang susi sa alinmang problema sa ating gobyerno kundi ang maaayos at tapat na implementasyon ng programa na nakasandal sa reputasyon at malinis na pagkatao ng mga opisyal.
Dahil ditto, ang alinmang panukala na nagdadagdag ng pondo sa isang proyekto o programa o kampanya ay hindi garantiya upang maresolba ang suliranin, dahil malaki ang tsansa na NANAKAWIN lamang ang pondo ng mga buwaya.
Bago maglalaan ng budget, higit na dapat unahin ay patinuin o tiyakin na hindi MAGNANAKAW ang may control sa pamahalaan.
Iisa lang ang problema ng ating bansa, at hindi kakapusan ng SALAPI—bagkus ay KAKAPUSAN ng dignidad at DELICADEZA ng mga namamahala.
(BISTADO column, Bulgar newspaper,Feb. 20, 2012 issue, unedited. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot,com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Saturday, February 18, 2012

ANG BAKLA AT ANG SUPOT, BOW!

GRABE na ang PERSONAL NA AWAY nina PNOY at CJ Renato Corona.
Isang tipikal nang AWAY-PALENGKE ini.
Kulang na lang ay magtitili si Corona nang: “Bakla! Bakla!”
At kulang na lang ay rumesbak si PNoy nang: “Supot! Supot”.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
ERE naman si Senate President Juan Ponce Enrile halatang TRYING HARD na magkaroon ng magandang “ENDING” o “WAKAS” ang kanyang political career.
Nakakaawa si Enrile lalo pa’t inaamin niya na HINDI siya NATUTULOG—para lang mag-RESEARCH at MAGBASA ng “law books”.
Kung tayo o ang kolum na ito ang TATAYA o magbibigay ng PREDIKSIYON, masyado tayong nag-aala o NABABAHALA sa “kalusugan” ni Presiding Juror Enrile.
Sa edad 88, baka hindi nito makaya ang pressure at stress.
Baka hindi niya “matapos” ang impeachment, yung EXCELLENT ENDING—ay baka mapalitan ng BLACK ENDING.
Hindi po tayo nananakot, seryosong nagpapaalala po at NAGMAMALASAKIT.

----$$$--
MAINAM pa si Sen. Miriam Defensor Santiago dahil AMINADO siya at konting BUGNOT ay nagpapa-METRO ng BLOOD PRESSURE.
Dapat ay MALASAKITAN ni SP Enrile ang sarili niyang KALUSUGAN—para sa IKAAAYOS mismo ng impeachment proceedings at matapos ito nang MAGANDA.

----$$$--
GUSTO lang natin imungkahi na dapat ay magpa-SUBSTITUTE si Enrile kahit paminsa-minsan at SANAYIN o HASAIN niya ang kanyang mga kanang-kamay tulad ni Pro-tempore Jinggoy Estrada o si Majority Floorleader Tito Sotto.
Dapat ding pag-usapan ng BODY OF JURORS kung sino ang PUWEDENG pumalit kay Enrile sakaling magkaroon ng problema o kailangan niya ng kahit KONTING PAHINGA.
Sa ngayon, awtomatikong si Sen. Jinggoy ang papalit, dapat ay ngayon pa lamang ay BIGYAN niya ng oportunidad ang anak ni Erap na mag-PRESIDE sa impeachment body—kahit PASANDA-SANDALI lang.

-----$$$--
MAAARING ninenerbiyos o mawalan ng tiwala sa sarili sinuman kina Estrada at Sotto dahil hindi sila mga abogado, pero hindi naman ito dapat nilang ikabahala, dahil tulad ng sinasabi ng kolum na ito, ang impeachment body—ay isang BODY OF JURORS at hindi isang totohanang TRIAL COURT.
Ibig sabihin, maluwag ang proseso at patarakan ditto.
Masyado lang naging teknikal nang MARKAHAN ng mga senador ang mga sarili nila na SENATOR-JUDGES ng isang Impeachment Court.
Pero kung pagbabatayan mismo ang pinakahuling pahayag ni Enrile—ito ay isang BODY OF JURORS at ang mga senador ay mga JURORS kung saan malayang makapag-diskusyon ng ebidensiya at mag-desisyon nang SAMA-SAMA na may luwag at PAGKAKAUNAWAAN.

----$$$--
PAULIT-ULIT nating binabanggit ito upang maunawaan ng LAHAT ang proseso sa impeachment upang matumbok at maabot natin ang maayos, mayapa at katanggap- tanggap na resulta ng pagdinig.
Sana’y maunawaan ito ng mga kinauukulan.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb 19, 2012 issue, unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

BANK ACCOUNT: OPEN SECRET IN PHL

INUPAKAN ng dalawang dating US ambassadors sa Pilipinas na sina Francis Ricciardone at Kristie Kenny ang banking system ng bansa dahil umano sa pagiging sobrang strikto.
Nanghihimasok na naman ang mga Kano o nagsesepsep?
Paano magiging istrikto gayun ang isang bank record ay pinagpipiyestahan ngayon kung saan ang duwendeng “small lady” at mga multo ay nagagawang iwanan ang datos ng depositor sa tarangkahan o gate ng bakuran ng isang kongresista.
Sa totoo lang, ang lahat ng mga may bank account at lahat ng mga bank tellers o nagtatrabaho sa bangko ay makakapagpatunay na maluwag ang PROSESO sa bangko—at malayang nasisilip ang nilalaman ng bank accounts.
Maging ang star witness na si Clarissa Ocampo ay nagawang ibisto ang bank account ni “Jose Velarde” at itinurong si Pareng Erap ang nagbukas.
Alam ng mga Pinoy na ang ordinaryong bank teller ay magaan na maia-access ang bank statement ng sinumang depositor sa simpleng pagtipa ng account number sa computers.
Alam yan ng lahat.
Bukod ditto, ang mga bank statements ay buwanan o monthly na ipinapadala sa mga depositor gamit ang ordinaryong “courier” o mensahero lamang imbes na ipa-deliber ito sa mas awtorisadong “post office” gamit ang may seguridad na “registered mail” system.
Sa totoo lang, dahil ordinaryong mensahero lang ang nagdedeliber ng mga bank statements, puwede itong masilip, mapunit o mabuksan nang hindi nahahalata ng mga depositor.
Sa simpleng sistemang ito, paano magiging sobrang istrikto ang banking system ng Pilipinas?
Sa modernisasyon ng internet at mamisong “hacker”, walang maililihim ngayon ang mga bangko sa itinatagong salapi ng mga depositor.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb 19, 2012 issue, unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

ANG BAKLA AT ANG SUPOT, BOW!

GRABE na ang PERSONAL NA AWAY nina PNOY at CJ Renato Corona.
Isang tipikal nang AWAY-PALENGKE ini.
Kulang na lang ay magtitili si Corona nang: “Bakla! Bakla!”
At kulang na lang ay rumesbak si PNoy nang: “Supot! Supot”.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
ERE naman si Senate President Juan Ponce Enrile halatang TRYING HARD na magkaroon ng magandang “ENDING” o “WAKAS” ang kanyang political career.
Nakakaawa si Enrile lalo pa’t inaamin niya na HINDI siya NATUTULOG—para lang mag-RESEARCH at MAGBASA ng “law books”.
Kung tayo o ang kolum na ito ang TATAYA o magbibigay ng PREDIKSIYON, masyado tayong nag-aala o NABABAHALA sa “kalusugan” ni Presiding Juror Enrile.
Sa edad 88, baka hindi nito makaya ang pressure at stress.
Baka hindi niya “matapos” ang impeachment, yung EXCELLENT ENDING—ay baka mapalitan ng BLACK ENDING.
Hindi po tayo nananakot, seryosong nagpapaalala po at NAGMAMALASAKIT.

----$$$--
MAINAM pa si Sen. Miriam Defensor Santiago dahil AMINADO siya at konting BUGNOT ay nagpapa-METRO ng BLOOD PRESSURE.
Dapat ay MALASAKITAN ni SP Enrile ang sarili niyang KALUSUGAN—para sa IKAAAYOS mismo ng impeachment proceedings at matapos ito nang MAGANDA.

----$$$--
GUSTO lang natin imungkahi na dapat ay magpa-SUBSTITUTE si Enrile kahit paminsa-minsan at SANAYIN o HASAIN niya ang kanyang mga kanang-kamay tulad ni Pro-tempore Jinggoy Estrada o si Majority Floorleader Tito Sotto.
Dapat ding pag-usapan ng BODY OF JURORS kung sino ang PUWEDENG pumalit kay Enrile sakaling magkaroon ng problema o kailangan niya ng kahit KONTING PAHINGA.
Sa ngayon, awtomatikong si Sen. Jinggoy ang papalit, dapat ay ngayon pa lamang ay BIGYAN niya ng oportunidad ang anak ni Erap na mag-PRESIDE sa impeachment body—kahit PASANDA-SANDALI lang.

-----$$$--
MAAARING ninenerbiyos o mawalan ng tiwala sa sarili sinuman kina Estrada at Sotto dahil hindi sila mga abogado, pero hindi naman ito dapat nilang ikabahala, dahil tulad ng sinasabi ng kolum na ito, ang impeachment body—ay isang BODY OF JURORS at hindi isang totohanang TRIAL COURT.
Ibig sabihin, maluwag ang proseso at patarakan ditto.
Masyado lang naging teknikal nang MARKAHAN ng mga senador ang mga sarili nila na SENATOR-JUDGES ng isang Impeachment Court.
Pero kung pagbabatayan mismo ang pinakahuling pahayag ni Enrile—ito ay isang BODY OF JURORS at ang mga senador ay mga JURORS kung saan malayang makapag-diskusyon ng ebidensiya at mag-desisyon nang SAMA-SAMA na may luwag at PAGKAKAUNAWAAN.

----$$$--
PAULIT-ULIT nating binabanggit ito upang maunawaan ng LAHAT ang proseso sa impeachment upang matumbok at maabot natin ang maayos, mayapa at katanggap- tanggap na resulta ng pagdinig.
Sana’y maunawaan ito ng mga kinauukulan.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb 19, 2012 issue, unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Friday, February 17, 2012

GAB, NHC: MOST UNPATRIOTIC

NASA Pilipinas na si IBF light flyweight champion Johnriel Casimero.
Bakit kaya hindi siya pinagkaguluhan o pinag-agawan nina Manila Mayor Fred Lim at dating DENR Sec. Lito Atienza?
Hindi rin siya kinumbida o binigyan ng pagkakataon na makapag-courtesy call kay PNoy.
Hindi man lang siya ipinagtanggol ng Malacanang laban sa pambubugbog ng mga miron ng boxing sa Argentina.
Ang masakit, kitang-kita ditto ang KAMANGMANGAN at pagiging INUTIL ng Games and Amusement Board (GAB) na siyang may responsibilidad at obligasyon sa isang lehitimong PROFESSIONAL ATHLETE tulad ni Casimero.
Tameme ang GAB, tameme ang Malacanang, tameme ang matataas na sports officials ng bansa.
Sa totoo lang, balewala lang kay Casimero ang sakit ng katawan na dinanas mula sa mga BARUMBADONG Argentinian, kasi’y para sa kanya, hindi siya dapat gumanti ng mga SUNTOK sa mga walang modong amateurs dahil siya ay isang PROFESSIONAL.
Malaki ang tama ni Casimero.
Pero, alam ban g Malacanang at mismong National Historical Commission na NAWALA at possibleng WINARAT ang watawat ng Pilipinas sa ibabaw ng lona?
Ibig sabihin, kung ang NHC ay nababahala sa hindi tamang TONO o HIMIG ng Lupang Hinirang, bakit hindi sila nabahala sa PAGKAWALA at posibleng pagwarat ng bandila ng Pilipinas?
Huwag na nating intindihin si Casimero dahil talagang NAPATAWAD na niya ang mga bastos na mga kalaban, pero PAANO naman ang dignidad n gating bansa?
Paano ang kasagraduhan n gating PAMBANSANG WATAWAT?
Nasaan ang patriotismo ng mga opisyal ng ating gobyerno?
Nasaan?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 18, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editosdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

KANGAROO:D' TRIAL OF MANG RENATO

TAMPULAN ng kantiyaw ang PROSEKUSYON sa impeachment trial.
Niloloko kasi nila ang KATINUAN ng mga senador at taumbayan.
Noong una, sinabi ni Rep. Rey Umali na iniabot sa kanya ng isang “babaeng DUWENDE” o small lady ang envelop na naglalaman ng Xerox copy ng BANK ACCOUNTS.
Noong Huwebes, inamin naman ni Rep. Bolet BANAL na NAPULOT niya sa TARANGRAHAN o GATE ng kanyang bakuran sa St. Ignacious ang ENVELOP na may katulad ding ENTRADA.
Nakapagtatakang, NAGPAPALOKO ang mga senador sa “KUWENTONG PANTASYA”.
Pareho kasing UN-IDENTIFIED “person” ang binanggit nina UMALI at BANAL.
Pareho ring PANTASYA ang ikinatwiran , pero TINANGGAP ng impeachment body.
Tandisang PANGGOGOYO na ito.
Hindi na kailangan diyan ang DEBATE.

-----$$$---
KAPAG pinalampas yan ng IMPEACHMENT BODY, lilitaw na “WALANG KAKAYAHAN” o MANGMANG ang mga ito sa “proseso ng pagdinig” at PANLOLOKO sa ebidensiya.
Isang malaking KATATAWANAN ito.
Mas matino pa ang KANGAROO COURT ng CPP-NPA-NDF kaysa impeachmwent body, kasi’y kapag NILOKO mo ang “kangaroo court”—tiyak na BABARILIN ka agad.
Pero , ang impeachment body, ilang BESES nang “pinaglalaruan” ng mga prosekyutor at abogado—-ay WALA pa ring aksiyon at kastigo.

----$$$--
ISA pang maaaring ihalintulad ditto ay ang dula na “Ang Paglilitis ni Mang Serapio” na isang kuwento na iniakda ni Paul Dumol.
Nahahalintulad ang kuwentong ito sa impeachment trial sapagkat hinatulan si Mang Serapio gamit ang mga ESPEKULASYON at HINUHA imbes na batay sa matibay na ebidensiya.
Sa impeachment body , niloloko na ang proseso pero “ini-entertain” pa nito ang isang DINAYA at “nilokong ebidensiya at testimonya katulad na katulad sa eksena sa "Ang Paglilitis ni Mang Serapio".
Ano ang resulta sa “nilokong ebidensiya” kapag ito ay ginamit sa deliberasyon, hindi ba’t magbubunga rin ito ng “NILOKONG DESISYON”?
Nasaan ngayon ang katinuan ng Impeachment Body?
Hindi ba mas MAY LOHIKA ang Kangaroo Court na lumilitis sa mga MAGNANAKAW ng kalabaw?
Tunghayan ninyo ang dula: “Ang Paglilitis ni Mang Serapio”—sapagkat KAPUPULUTAN ito ng ARAL.
Walang ipinag-iba ito sa impeachment trial ni CJ Corona—dahil imbes na
”BAUL” ang ayaw pabuksan ni “Mang Serapio”, BANK ACCOUNTS naman ang ayaw ipagalaw sa prosekusyon.
Ang PARUSA kay Mang Serapio ay PAGBULAG o PAGDUKIT ng MATA, pero ang PARUSA sa impeachment trial—ay nararanasan na ng mamamayang Pinoy: PAGBULAG SA KATOTOHANAN!!.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 18, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editosdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Thursday, February 16, 2012

SUICIDE CRAZE: MURDER ME, PLEASE

MARAMI ang nahihiwagahan sa isang ulat mula sa internet kaugnay ng pagsu-SUICIDE ng dalawang Paring Katoliko na nagkaroon ng sexually transmited diseases dahil sa hindi ligtas na sex sa bansang Columbia.
Pero ang kakaiba sa kaso ng suicide ng dalawang pari ay ang pagha-HIRED ng assassins upang sila ay barilin at patayin kung saan umani ng malalim na pagsusuri at kalituhan sa ordinaryong mamamayan.
Ibig lamang sabihin sa ulat ay nais palabasin ng dalawang pari na sila ay PINATAY ng asesino at hindi sila nag-suicide upang takasan ang MALAKING KAHIHIYAN na maipapamana nila hindi lamang sa kanilang mga naulila kung maging sa Simbahang Katoliko at mismo sa personal nilang reputasyon.
Sa madaling salita, desidido ang dalawang pari na mag-suicide dahil hindi lang sila dumaranas ng sakit na STDs bagkus ay guilty pa sila sa imoralidad.
Sinasabing una nilang binalak na magpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa isang matarik na bangin pero hindi nila ginagawa dahil hindi kayang tiisin ang sakit at pinsala na dulot nito.
Pero, nakaisip sila ng ideya kung paano nila TATAPUSIN ang kanilang buhay.
Kumontak sila ng professional hired killers gamit ang cellphone at binayaran nila agad ang mga hoodlums mula sa isang bisinidad sa Columbia—kung saan ang TARGET na babarilin ay ang sarili nilang PAGKATAO sa espesipikong petsa.
Bago ang takdang asasinasyon, nag-withdraw muna sila sa kanilang bank accounts at inayos ang ilang transaksiyon.
Matapos ang “matagumpay na suicide” , nabisto ang PAKANA nang mabuklat at madiskubre sa kanilang cellphone ang pagtawag at transaksiyon ng mga BIKTIMA sa mismong asesino na naaaresto at umamin sa pagkakasala.
Ang aral: Una, maging ang pari ay nagpapatiwakal kaya’t lalong dumarami ang kasong pagpapakamatay hindi lamang sa buong daigdig kundi maging sa Pilipinas na may IISANG LAYUNIN: TAKASAN ang kahihiyan, takasan ang hirap na nararamdaman ng katawan, isip at kaluluwa.
Ikalawa, walang lihim na hindi NABIBISTO.
Ikatlo, ang MODERNONG TEKNOLOHIYA ay may espesyal na tulong upang maresolba ang MISTERYOSONG KRIMEN sa ating paligid.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 17, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com./ 09297740745).

SUICIDE CRAZE: MURDER ME, PLEASEee

MARAMI ang nahihiwagahan sa isang ulat mula sa internet kaugnay ng pagsu-SUICIDE ng dalawang Paring Katoliko na nagkaroon ng sexually transmited diseases dahil sa hindi ligtas na sex sa bansang Columbia.
Pero ang kakaiba sa kaso ng suicide ng dalawang pari ay ang pagha-HIRED ng assassins upang sila ay barilin at patayin kung saan umani ng malalim na pagsusuri at kalituhan sa ordinaryong mamamayan.
Ibig lamang sabihin sa ulat ay nais palabasin ng dalawang pari na sila ay PINATAY ng asesino at hindi sila nag-suicide upang takasan ang MALAKING KAHIHIYAN na maipapamana nila hindi lamang sa kanilang mga naulila kung maging sa Simbahang Katoliko at mismo sa personal nilang reputasyon.
Sa madaling salita, desidido ang dalawang pari na mag-suicide dahil hindi lang sila dumaranas ng sakit na STDs bagkus ay guilty pa sila sa imoralidad.
Sinasabing una nilang binalak na magpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa isang matarik na bangin pero hindi nila ginagawa dahil hindi kayang tiisin ang sakit at pinsala na dulot nito.
Pero, nakaisip sila ng ideya kung paano nila TATAPUSIN ang kanilang buhay.
Kumontak sila ng professional hired killers gamit ang cellphone at binayaran nila agad ang mga hoodlums mula sa isang bisinidad sa Columbia—kung saan ang TARGET na babarilin ay ang sarili nilang PAGKATAO sa espesipikong petsa.
Bago ang takdang asasinasyon, nag-withdraw muna sila sa kanilang bank accounts at inayos ang ilang transaksiyon.
Matapos ang “matagumpay na suicide” , nabisto ang PAKANA nang mabuklat at madiskubre sa kanilang cellphone ang pagtawag at transaksiyon ng mga BIKTIMA sa mismong asesino na naaaresto at umamin sa pagkakasala.
Ang aral: Una, maging ang pari ay nagpapatiwakal kaya’t lalong dumarami ang kasong pagpapakamatay hindi lamang sa buong daigdig kundi maging sa Pilipinas na may IISANG LAYUNIN: TAKASAN ang kahihiyan, takasan ang hirap na nararamdaman ng katawan, isip at kaluluwa.
Ikalawa, walang lihim na hindi NABIBISTO.
Ikatlo, ang MODERNONG TEKNOLOHIYA ay may espesyal na tulong upang maresolba ang MISTERYOSONG KRIMEN sa ating paligid.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 17, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com./ 09297740745).

NO CONSTITUTIONAL CRISIS, ONLY IDENTITY CRISIS

AYAW tantanan ni PNOY si CJ Renato Corona.
Naniniwala raw ang Malacanang na “GENUINE” ang dokumento sa bank accounts” na sinabing PEKE mismo ng manager ng bangko.
Anubayannn???

----$$$---
NANG aminin ni JPE na BODY OF JURORS ang impeachment body, marami ang BIGLANG nakaunawa ng pagkakaiba ng responsibilidad ng KORTE SUPREMA na binubuo ng mga mahistrado at impeachment “court” na binubuo ng mga SENADOR.
Iyan ang paulit-ulit na binabanggit ng KOLUM na ito, kailangang TANGGAPIN ng mga senador na wala silang “legal expertise” pero may SAPAT silang TALINO at kakayahan na HUMUSGA—batay sa “nakalatag na ebidensiya”.
Ibig sabihin, itinoka ng Konstitusyon sa SENADO na magdesisyon at duminig ng “impeachment cases” batay sa DOKUMENTO at EBIDENSIYA, pero hindi sa “interpretasyon sa proseso o teknikalidad”.
Sa ganyan paggamit ng katagang “JURORS” imbes na “JUDGES”—naglaho ang CONFLICT o ang mismong CONSTITUTIONAL CRISIS na ikinatatakot ng lahat.

----$$$--
SA totoo lang, nag-ugat ang GUSOT na “angkinin”, “ipagyabang” at “pumostura” ang mga SENADOR na tipong MAHISTRADO at JUDGES—pero ang katotohan sila ay TIPIKAL NA JURORS.
Ayaw nilang magpatawag na “JURORS” kasi’y may konotasyon ito na “mas mababa” kaysa sa gusto nilang “termino” o titulo na “JUDGE-SENATOR.
Inaakala nila na ang mga SENADOR -JUDGES—ay kapantay at ka-CONFLICT ang mga MAHISTRADO.
Magkaiba po ang kanilang trabaho, magkaiba ang responsibilidad at magkaiba ang obligasyon---batay mismo sa ITINATADHANA ng Konstitusyon.

-----$$$--
PARA madaling maunawaan, gamitin nating HALIMBAWA ang ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) na binubuo ng mga SUNDALO at ang Philippine National Police (PNP) na binubuo naman ng mga pulis.
Sa biglang tingin o sa pananaw ng ORDINARYONG TAO—pareho lang ang responsibilidad, trabaho o obligasyon ng SUNDALO at PULIS, pero sa totoo at sa aktuwal—MAGKAIBANG MAGKAIBA po ang kanilang “papel” sa gobyerno.
Nagkakapareho lang sila sa dalawang ASPEKTO:
Una, pareho silang MAY ARMAS o kapwa ARMADO.
Ikalawa, pareho silang ginagamit na TAGAPAYAPA o tagapagtanggol ng ORDINARYONG MAMAMAYAN.
Nagkakaiba sila sa KLASE o SUSTANSIYA ng kanilang trabaho na lingid sa kaalaman ng ordinaryong mamamayan.
Ang AFP o ang mga SUNDALO—ay nakatoka lamang sa “pagtatanggol sa SOBERANIYA ng bansa—o taga-DEPENSA laban sa EXTERNAL ENEMIES o mga dayuhan.
Pino-PROTEKSIYUNAN din ng AFP o mga SUNDALO ang ordinaryong MAMAMAYAN—laban sa KALABAN ng Republika o katunggali ng ESTADO—tulad sa mga REBELDE—gaya ng CPP-NPA-NDF, MILF, MNLF at mga sundalo ng ibang bansa na pumapasok sa ating teritoryo.
Sa kabilang panig, ang PNP o mga pulis—ay nakatoka sa pagpapanatili ng KATAHIMIKAN at KAAYUSAN sa loob ng teritoryo o PEACE and ORDER bukod pa sa paglaban sa lahat ng klase ng KRIMINALIDAD.
Gayunman, may mga espesyal na okasyong , NAGTUTULUNGAN ang mga ito sa kanya-kanyang nakatokang trabaho.
Ibig sabihin, ang KRIMEN ay nakatoka sa pulis, pero ang pagkontra sa NPA at MILF ay nakatoka sa AFP o sundalo.

----$$$--
GANYAN din sa MAHISTRADO, nakatoka sila sa INTERPRESTASYON ng batas, pero ang mga JUROR—ay nakatoka sa paga-analisa ng EBIDENSIYA sa gitna ng pagdinig upang mahatulan ang nagkasala.
Mas mataas ang konotasyon ng MAHISTRADO O JUSTICES o JUDGES sapagkat may konotasyon ito bilang EKSPERTO kaya’t gusto-gusto ng mga senador na matawag silang JUDGES.
Sa kabilang panig, hanggang ngayon, gustong-gusto ng mga POLICE OFFICERS na matawag na HENERAL, COLONEL, MAJOR, CAPTAIN, LIEUTENANT at SARGEANT—kahit inalis na ito sa kanilang uniporme.
Opo, ang mga PULIS—ay hindi na pinagagamit ng ganyang RANGGO na eksklusibo na lamang sa mga SUNDALO o AFP.
Sa ngayon, nakatoka lamang sa PNP o mga pulis ang ranggo na CHIEF SUPERINTENDENT, SR. SUPERINTENDENT, SUPERINTENDENT, CHIEF INSPECTOR, INSPECTOR, SPO4, SPO3 , SPO2, SPO1, etc.

Yung mga CHIEF INSPECTOR sa pulis, mas gusto na tawagin silang MAJOR—at ang inspector ay gustong matawag na CAPTAIN.
Yung mga chief superintendent sa PNP ay tuwang-tuwa na matawag na HENERAL bagaman ang RANGGONG iyun ay para lamang sa mga opisyales ng AFP.

-----$$$--
YAN ang dahilan kung bakit nagugulo ang impeachment proceedings, gusto ng mga senador na matawag na JUDGES imbes na JURORS.
Gusto nila na mag-INTERPRET ng batas, imbes na magsuri lamang ng EBIDENSIYA na inihahain.
Mas gusto nila ang Impeachment Court na binubuo ng mga “judges-senators” , imbes na simpleng IMPEACHMENT BODY na binubuo ng mga JUROR-SENATOR.
Kapag tinanggap nila ang mga naturang angkop na TERMINO---walang conflict, walang constitutional crisis.
Kumbaga sa PSYCHIATRIC CASE, mayroon lamang na IDENTITY CRISIS—pero walang constititutional crisis.
Pag nakilala nila ang SARILI nila, doon lamang sila MAKAKALAYA at makakalmante ang lahat.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 17, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com./ 09297740745).

Wednesday, February 15, 2012

IT'S OFFICIAL: BODY OF JURORS, NOT BODY OF JUDGES

TAMA si Sen. Miriam Defensor Santiago, masyadong stressful ang impeachment proceedings.
Kasi’y siya ay aktuwal na pinepeste ng ALTA-PRESYON.
Pero, regular siyang nagpapa-CHECKUP.
Mabuti naman, kasi’y baka mawalan ng kaparner si JOKER.
He, he, he.

-----$$$---
DAHIL din sa masyadong stress sa impeachment trial, alam ba ninyong NAPANGANAK nang wala sa oras ang isang BUNTIS na testigo?
Opo, nanganak na po kahapon ,Miyerkoles ang manager ng BPI Ayala branch.
Hindi na siya nakadalo sa hearing kahapon gayung PINABABALIK pa siya.
Hindi sinabi sa ulat kung ANO ang ipa-PANGALAN sa kanyang BABY.
Pero tatlo ang pinagpipilian---BABY CORONA, CUTE ENRILE O SWEETY PIE MIRIAM.
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
LIHIM tayong natuwa nang banggitin at aminin ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang “tinatagurian nilang impeachment court”—ay isang BODY OF JURORS.
Kayo ang saksi na ang KOLUM na ito lamang ang nagpupumilit na “hindi angkop” ang terminong Impeachment Court, hindi rin angkop ang terminong JUDGES, bagkus sila ay mga SIMPLENG JURORS.
Ginamit ni Enrile ang terminong JURORS—upang ihiwalay niya ang “judges” sa “juror” na mahalagang ASPEKTO upang mawala at mabura ang CONFLICT at maunawaan ng LAHAT—ang ginagampanan nilang papel.
Ang kolum din ito ang unang nagbansag bilang IMPEACHMENT BODY—ang grupo ng mga senador na NAATASAN ng Konstitusyon lumitis sa mga presidente, bise presidente at iba pang constitutional officers.
Binanggit din natin na ang mas angkop na bansagang IMPEACHMENT BODY ang mga senador imbes na impeachment court.
Hindi angkop ang terminong “JUDGES”—sapagkat kapos ng “EXPERTISE” ang mga senador—pero may sapat silang KATINUAN o TALINO na humatol batay sa EBIDENSIYA o FACTS—kahit hindi sila abogado gaya sa tipikal na mga JUROR sa ibang bansa.
Ngayon, opisyal nang binanggit ni ENRILE na ang mga senador ay BODY OF JURORS—lumilinaw ngayon—ang isang ISSUE—magkaiba ang TRABAHO ng “justices” sa Korte Suprema at JURORS sa impeachment.
Sa paggamit ng ANGKOP na TERMINO—nawawala ang CONFLICT ng dalawang INSTITUSYON.
Ibig sabihin, kapag ang mga SENADOR ay JURORS, walang conflict ito sa JUSTICES o MAHISTRADO—sapagkat ang depinisyon ng dalawang “grupo” ay MAGKAIBANG MAGKAIBA.

-----$$$--
GINAMIT ni Enrile ang terminong BODY OF JURORS— habang ipinapaliwanag niya na INIRERESPETO nila ang TRO na inilabas ng Korte Suprema na ang IBIG SABIHIN---kapag ang proseso, teknikalidad at INTERPRETASYON ng batas ay nakataya—IISA lang ang may HURISDIKSIYON ditto—ito ay ang KORTE SUPREMA na binubuo ng mga eksperto sa batas na mga MAHISTRADO.
Pero, kapag ang diskusyon, argumento o paglilitis o TRIAL OF FACTS—batay sa EBIDENSIYA na nakuha at nasuri—TANGING ang BODY OF JURORS lamang ang may WAGAS na karapatan ditto.
Yan ang sinasabi ni Enrile na hindi niya ISUSUKO—ang PAGDINIG at PAGLILITIS sa mga EBIDENSIYA.
Napakalinaw.
Luminaw lamang iyan nang TANGGAPIN ni Enrile ang ARGUMENTO ng kolum na ito: JURORS ang mga senador at hindi judges, hindi rin mahistrado!!!

------$$$--
SANA’Y mauuwaan ito ng 10 SENADOR na ginamit ang EMOSYON imbes na ISIP o UTAK.
Isaliksik ninyo kung ano ang KAHULUGAN ng JURORS at ano ang kahulugan ng JUDGES o JUSTICES.
Kapag nasaliksik ninyo yan—mawawala ang CONFLICT---at irerespeto ninyo ang tunay na KATAAS-TAASANG HUKUMAN.
At irerespeto din kayo ng mga MAHISTRADO bilang mga JURORS.
Itinalaga ng Konstitusyon ang mga SENADOR bilang JURORS at hindi kailanman bilang JUSTICES o JUDGES—tulad ng inaakala nila.
At ang KOLUM na ito lamang ang mapagpakumbabang KAPIRASONG DILA ng APOY sa karagatan ng KADILIMAN sa BATAS.
Maraming salamat po.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb. 16, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

SENATE EN D' BOXING BRAWL

IPINATATAWAG ng Senado ang ambassador ng Pilipinas sa Argentina.
Dapat lang.
Kasi’y isang kahiya-hiyang eksena ang nakita ng buong mundo sa YouTube nang bugbugin, paluin ng silya, balibagin ng botelya ang Pinoy boxing champ na si Johnriel Casimero matapos patulugin ang Argentinian fighter na si Luis Lazarte para sa IBF light flyweight crown.
Dapat ay alamin ng Senado kung ano ang tunay na nangyari at kung umaksiyon ba ang embahada o gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng pambabastos sa Team Philippines at maging sa bandila ng Republika.
Kapag napatunayang nagkasala ang corner ni Lazarte kasama ang mga miron, nararapat lamang na maglabas ng apology ang gobyernong Argentina para humupa ang galit ng mga Pinoy na nagmamahal sa boxing at sa Pilipinas.
Ipinakikita rin ditto kung gaano kapanganib ang larong boxing, hindi lang dahil sa dami ng kaso na napapatay sanhi ng matinding suntok sa ulo, bagkus bunga na rin ng mga walang disiplinang miron na umaatake sa mga boksingerong kalaban ng kanilang manok.
Hindi biro ang eksenang nakita sa buong mundo.
Tumpak lamang ang pagdinig upang maunawaan natin kung ano ang tunay na nangyari at umaksiyon ang gobyerno upang maproteksiyunan ang “marami pang Casimero” sa hinaharap.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 16, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Tuesday, February 14, 2012

BARBARISM IN IMPEACHMENT BRAWL

NAGKALETSE-LETSE na.
Peke pala yung EBIDENSIYA ng prosecution sa Impeachment Court.
Kumbaga, nakapundasyon ang ALEGASYON sa peke?
Anu ba yan?
Kumbaga sa boxing, NO CONTEST!!

-----$$$---
NAPANOOD ba ninyo ang BARBARISMO na ipinakita ng mga MIRON ng boxing sa Argentina nang agawin ni Johnriel Casimero ang IBF light flyweight title ni Luis Lazarte ng Argentina kamakailan sa Buenos Aires?
Binugbog, pinukol ng botelya, binalibag ng silya mismo si Casimero at ang TEAM PHILIPPINES sa ibabaw ng lona.
Hindi na nagawang IDEKLARA o ITAAS ng referee ang KAMAY ng nagkampeon na si Casimero kasi’y nagkaroon ng ROYAL RUMBLE na parang world wrestling federation (WWF).
Yan din ang masasaksihan natin sa IMPEACHMENT PROCEEDINGS, hindi maidedeklara ang NAGWAGI, hindi natin masasaksihan ang RESULTA ng botohan ng mga SENADOR.
Delikadong mag-RAMBOL ang mga MIRON na kumakatawan sa ordinaryong Pinoy.
Bakit?
Sapagkat nasasaksihan at nakukumpirma natin ngayon ang maraming BELOW-THE-BELT na diskarte ng magka-BILANG PANIG.
Yan mismo ang naganap sa Casimero-Lazarte boxingbrawl.
Gumagrabe ito kapag HINDI nadisiplina ang mga PROTAGONISTS ng REFEREE na kumakatawan naman kay Senate President Juan Ponce Enrile kasama ang mga SENADOR.

-----$$$---
KAHIT saan laro, maging basketball man o boxing, kapag ang REFEREE ay kumakampi o pumapabor sa isang PANIG—tulad ng ilang SENADOR---nagkakagulo sa basketball court at ibabaw ng lona.
Ang boxingbrawl at boxingball ay karaniwang sanhi ng PALPAK na OFFICIATING—at sa impeachment—ang PALPAK na PROCEEDINGS at RULINGS---ay magiging SANHI rin ng pagka-BRUKA o pag-rambol ng mga miron sa hinaharap.

------$$$---
MARAMI nang below-the-belt na suntok ang prosecution kabilang ang “black propaganda, 45 real properties ni Corona at ang pekeng SMALL LADY at ang bank documents nito.
Sa kabilang panig, nag-below-the-belt na rin ang DEPENSA nang mag-PROPAGANDA rin sa alegasyong P100 milyong SUHOL sa mga senador.
Bakit nakakalusot ang mga SUNTOK-SA-YAGBOLS na ito?
Iisa ang dapat sisihin ditto—ang mismong REFEREE, ang mismong mga SENADOR .
Kung nais ni Manong Johnny na maging HAPPY ang lahat dapat ay kastiguhin niya ang mga NANUNUNTOK sa YAGBOLS.
Yan ay kung siya mismo ay may YAGBOLS na parusahan ang mga NAMEMEKE at NANLOLOKO.
He, he, he.
(BISTADO column, Bulgar Newspaper, Feb. 15, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

IGGY'S GHOST:TORN BETWEEN 2 GIRLS

AYAW pa ring patahimikin ang kaluluwa ng yumaong si Rep. Iggy Arroyo ng mga “multo” na ginagawa niya nang siya ay nabubuhay pa.
Hindi pa rin naiuuwi sa Pilipinas ang kanyang bangkay sapagkat pinag-aagawan ito ng dalawang “babae” sa kanyang buhay—isang nakahiwalay niya at isang kasama niya sa London nang malagutan siya ng hininga.
Sa pinakahuling ulat, naglabas ng dokumento si Grace Ibuna na ‘last will and testament” umano ng kongresista na nagbibilin na siya ang AAKO sa paglilibing at sa kanya rin ipinamamana ang lahat-lahat ng ARI-ARIAN ng yumao.
Nangangamoy ngayon ang isang mahabang kaso sa “agawan ng mana”.
Diskaril din na mabigyan ng desente at maayos na burol ang labi ng nagpakilalang “Jose Pidal” .
Sa panahon na naiipit sa eskandalo ang nakatatandang kapatid na si dating First Gentleman Mike Arroyo ay inako nito ang LAGDANG “Jose Pidal”.
Sinasabing naka-pangalan kay Iggy ang MALAKING BULTO ng kayamanan .
Layunin nito na maiwas sa kaso ng plunder ang kanyang kontrobersiyal na kapatid .
Pero sa kanyang PAGYAO—pinag-aagawan ngayon ito ng kanyang mga “HEREDERA”.
Tiyak na sasapaw ito sa naunang aktuwal na TELENOBELANG IMPEACHMENT TRIAL.
Anu’t anuman, hindi nauubusan ng PANOORIN at libangan ang 90 milyong Pinoy na nagsisilbing PAMPAMANHID sa kumakalam na SIKMURA.
(EDITORIAL, Bulgar Newspaper, Feb. 15, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Monday, February 13, 2012

VALENTINE'S SLAY

HAPPY Valentine’s Day po.
Birthday ngayon ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Birthday din ni Kristeta.
Lahat yata sila ay PEBRERO.
Kwidaw, LEAF YEAR ngayon.
Husto ngayon ang BILANG ng kanilang buwan.
He, he, he.

----$$$---
ARAW ngayon ng mga Puso.
Bawal magalit si Mang Johnny.
Huwag sana siyang MABUGNOT sa objections at manifestations.
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
MARAMING kababayan natin sa Bulacan ang nag-text kaugnay ng insidente na kinasangkutan ni Bokal Allan Robes.
Nagtataka kasi ang mga kababayan natin dahil kilalang tahimik na pamilya ang pinagmulan ni Robes na APO ng dating punong bayan ng San Jose del Monte sa Bulacan.
Tahimik na pamilya ang pinagmulan ni Bokal Robes kaya’t nagtaka ang mga Bulakenyos nang lumabas ang naturang ulat ng pagpatay sa bahay ng kanyang biyenan na si ex-Rep. Nanette Daza.

-----$$$--
ISANG tipikal na pang-Valentine’s Day ang insidenteng ito na lingid sa kaalaman ng marami.
Hindi agad nakapagbigay ng pahayag si Robes at maging ang kanyang misis na si Jessica, isang konsehala sa Quezon City na nagdadalang-tao at ang biyenan na dating kongresista dahil tiyak na tulala sila at SHOCKED sa pangyayari.
Kasi’y dating nobyo ng kongresista ang biktimang si Noel Orate Sr.
Kahit sino ang NASA KALAGAYAN ng Pamilya Daza ay tiyak na MATUTULALA at siyempre, magiging maingat sa testimonya.

-----$$$--
PANG-Valentine’s Day ang istorya dahil ang insidente ay may kaugnay sa PAG-IBIG.
Una, nais makipagbalikan ng biktima sa kanyang dating KASUYO, pero tinanggihan siya na naging dahilan ng sinasabing pangho-hostage at panunutok ng baril.
Sa kabilang panig, halimbawang ikaw ang nasa katayunan ni Robes—kung saan binihag ang iyong MISIS na nagdadalang-tao at DALAWANG MAHAL mo sa buhay—ang nasa BINGIT-NG-KAMATAYAN—ano ang gagawin mo?
Sinasabing binihag din ang ina ng kanyang misis at kanyang biyenan na dating kongresista.
Bagaman, wala masamang record sa pulisya si Robes, pero nakanganganib ang buhay ng TATLONG MAHAL sa buhay at kanya mismong buhay, mahirap magdesisyon sa kritikal na oras na iyon.
Minabuti ni Robes na isakripisyo ang kanyang political career bilang BOKAL ng lalawigan at pikit-matang pinaputukan ang suspek.
Sa ngayon, nahaharap sa kasong homicide si Robes dahil naunawaan ng PISKALYA ang kanyang kinasadlakang sitwasyon.
Kung inisip lamang ni Robes ay ang kanyang sarili at “pangalagaan” ang kanyang PANGALAN bilang isang promising provincial leader—maaaring “nabaliktad” ang istorya—magiging MALAGIM NA BANGKAY ang kanyang MAHAL na asawa, hindi makakakatikim ng buhay ang kanyang ANAK at mawawala rin ang kanyang biyenan.
Pero, ngayon si Robes ay kusang sumuko—at nahaharap sa isang MASELANG kaso kung saan, maaari rin siyang MAPAHAMAK.
Pero, ang mahalaga—LIGTAS ang kanyang mga MAHAL sa buhay.

-----$$$--
SA totoo lang, sakaling nabaliktad ang istorya—isang PANIBAGONG kaso ito na ala-RAMGEN REVILLA at VIZCONDE MASSACRE.
Maari tayong bulagain ng HEADLINE-- pinatay at MINASAKER ang mga biktima sa LOOB ng sariling silid, sa loob ng sariling bahay at sa loob ng sariling bakuran.
Kung nagkataon, iba ang banner ngayon: BLACK VALENTINE’S!!
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb. 14, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com. )

Calm in the midst of the storm

MAGANDA ang ulat na dadalaw ang Vice President ng China na si Xi Jinping sa United States upang pormal na makausap si US President Barrack Obama.
Isang malamig na tubig ito na magpapahupa ng umiinit na banggaan ng US at China.
Nilinaw ni Xi na ang buong Asia ay maluwag para sa maniobrahan ng US at China kung saan hiniling niya sa US at mga kaalyado nito na ipokus ang atensiyon hindi sa militarisasyon ng buong daigdig, bagkus ay sa pagpapasigla ng EKONOMIYA ng mga bansa particular sa Asia.
Pasaring ito sa US na nagpaparami ng bilang ng US troops at armas de giyera sa Pilipinas at Australia gayundin sa Japan, Vietnam, South Korea at Singapore.
Inaasahang si Xi ang papalit kay President Hu Jianbao sa taong 2013 kaya’t ang kanyang pahayag ay sapat ang magpahupa ng iringan.
Nagaganap ito sa kainitan ng kaguluhan sa Syria at banta ng Israel na bombahin ang Iran sa hinalang gumagawa ng nuclear arsenals ang Islamic Republic.
Sa Pilipinas, sa kabila ng mainit na bangayang political, ay walang sinumang lider na nagsusulong na PASIGLAHIN ang ekonomiya imbes na ibuhos ang panahon at resources sa mapangwasak na impeachment proceedings.
Anu’t anuman, ang pahayag ni Xi ay magbibigay-aral hindi lang sa buong mundo kundi maging sa mga lider ng ASEAN particular sa Pilipinas.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 14, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com. )

Sunday, February 12, 2012

CASIMERO: A VICTIM OF ARGENTINIAN BARBARISM

MASAMANG eksena ang pag-agaw ni Pinoy boxer Johnriel Casimero sa interim IBF light-flyweight title na hawak ng hometown fighter na si Luis Alberto Lazarte sa kampeonatong ginanap sa bayan ng Argentinian sa Mar del Plata kamakalawa.
Magandang regalo ang WORLD TITLE sa ika-22 birthday ngayon, Pebrero 13 ni Casimero na nakipagbugbugan sa beteranong 40-anyos na kampeon na si Lazarte.
Nagkaroon ng balyahan at danyuhan sa ibabaw ng lona at dahil sa “may edad” na ang kampeon bumagsak ito sa ika-9 at ika-10 kaya’t tinalo ng Pinoy.
Pero, bago pa man itaas ang kamay ni Casimero, umulan ng BOTELYA at SILYA sa ibabaw ng lona na INIREGALO ng mga kababayan ni Lazarte sa Pinoy champion.
Kitang-kita sa video clip na BINUGBOG nang todo ang TEAM PHILIPPINES kahit nakasuot ang mga ito ng UNIPORME na may DESENYONG WATAWAT ng Pilipinas.
Walang pang OPISYAL NA PAHAYAG ang Malacanang hinggil ditto.
Hindi man lang nila binati ng CONGRATS at HAPPY BIRTHDAY si Casimero.

-----$$$--
AMINADO ang US at NATO na hindi nila kayang PASUKUIN ang Taliban sa Afghanistan.
Meaning, tulad ng Russia, hindi kailanman TINALO ng US ang Taliban.
Isang PANIBAGONG VIETNAM ang Afghanistan.
Magsisilayas ang US-NATO sa Kabul upang maibalik ang GOBYERNO sa Taliban forces.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$---
KAY daming buhay ang namatay, kay karaming PAMILYA ang nawasak, bilyong dolyares ang NALUSTAY—sa isang GIYERA na kagagawan ng mga KANO.
Giyera na hindi naman sila ang NAGWAGI.
Nabigo sila sa pagpapasabog sa TWIN-TOWER sa New York, nabigo din sila sa AFGHANISTAN.

----$$$--
ANG giyera sa IRAQ ay walang kaugnayan ditto.
Sapagkat giniyera nila ang IRAQ upang kontrolin lamang ang OIL SUPPLY.
Isang masamang TRADISYON ng KASAKIMAN at PAMBABASTOS sa soberaniya ng ibang bansa.

-----$$$---
TEPOK ang singer na si WHITNET HOUSTON dahil sa pagiging ADIK SA DROGA.
Maging warning sana ito sa mga PINOY celebrities.
Baka kayo na ang SUSUNOD.

-----$$$---
MAY ulat na US troops ang BUMOMBA sa kampo ng ABU SAYYAF sa Sulu.
At may grupo na nais paimbestigahan ito.
O, e, may MAGAGAW ba kayo kahit US TROOPS ang bumomba run?
Wala rin.
Yun ngang PAKISTAN , e, regular na BINOMBA ng mga KANO, pero wala silang MAGAWA, Pinoy pa!!
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 13, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

THE PRIESTS: SINNERS OR SAINTS?

INAMIN ni Msgr. Luis Antonio Tagle, arsobispo ng Maynila na isang malaking problema pa rin sa loob ng Simbahang Katoliko ang kahiya-hiyang kaso laban sa mga pari.
Kabilang ditto ang lihim na pagkaroon ng anak ng mga pari at pagkakaroon ng lihim na asawa , pagiging bakla at pakikipag-sex sa mga paslit .
Sinabi Tagle sa ginanap na 4-day Catholic symposium sa Rome, Italy na dinaluhan ng 110 dioceses at 30 religious orders na ang pananahimik o hindi pagrereklamo sa takot na mapahiya sa publiko ay siyangv dahilan kung bakit hindi mabisto o matukoy kung gaano KARAMI ang bilang ng mga pari na nasasangkot sa kabulastugan, kasalanan at krimen.
Layunin ng kumperensiya na makabuo ng patakaran at regulasyon ang Simbahang Katoliko kung paano mapaparusahan, mapigilan at makastigo ang mga pari sangkot sa mga katiwalian.
Itinakda ng Vatican ang buwan ng Mayo na deadline sa pagsusumite ng mungkahing regulasyon.
Nagsimulang mapahiya ang Simbahang Katoliko nang unang mabunyag ang kalokohan ng mga pari sa Ireland noong 1990’s; nasundan ng eskandalo sa United States noong 2002; at sa Europe noong 2010 pero ang mga kaso sa kontinente ng Asia ay hindi nabubunyag bunga ng tradisyon at kultura na maaring ikapahiya ng pamilya ng mga biktima kapag lumantad at ibinisto ang-aabuso ng kaparian.
Hiniling ni Tagle sa mga ordinaryong Katoliko na hindi dapat matakot at baguhin ang tradisyon na nahihiya na ilantad ang pang-aabuso ng kaparian, bagkus ay maglakas loob na isumbong sa awtoridad ang mga PAGLABAG upang makakuha ng malinaw na datos at maresolba ang problema.
Naniniwala ang Simbahan na ang lulutas at pipigil sa eskandalong ito ay ang pagiging bukas-sa-publiko, walang inililihim at paglalantad ng KATOTOHANAN.
Sana’y makaabot sa mga ordinaryong miyembro ng Simbahan ang panawagang ito upang mabunyag ang paglabag ng mga pari at mapigil ang walang katapusang pang-aabuso SUOT ang abito.
(EDITORIAL, , Bulgar newspaper, Feb. 13, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

Saturday, February 11, 2012

IMPEACHMENT: THE SMALL LADY EXPOSED

HINDI tumitigil ang LINDOL sa Pinas.
Hindi ba kayo nababahala?

----$$$---
NAKABINGIT na ang Constitutional crisis.
Kumbaga, nagka-OTSO-OTSO na ang Saligang Batas.

-----$$$---
SI Betong ang tinanghal na SOLE SURVIVOR sa GMA 7 program.
Hindi po totoo na kinuha siyang CONSULTANT ni CJ Renato Corona.

-----$$$---
NAGKAKALABUAN na naman pala sina VICKY BELO at HAYDEN KHO.
Baka may PELIKULA rin sila.


----$$$---
GUSTO na raw magkaanak ni MARIAN RIVERA.
Aba’y kay DINGDONG mo sabihin!!!
Bakit sa media?

----$$$--
HINAHANAP kung sino ang “SMALL LADY” na nag-abot ng ENVELOP na naglalaman ng detalye ng bank accounts ni Corona.
Huwag kayong mabibigla, ituturo ko sa inyo:
Naroon po siya sa VETERANS MEDICAL MEMORIAL HOSPITAL.
Siya lang kasi ang kilala kong “SMALL LADY” na patuloy na minamalas eh.

-----$$$---
HINDI raw susuko si Gen. Jovito Palparan.
O, e, ano ngayon?
Basta wag ka lang, mag-ala Heneral Reyes.


-----$$$---
NAGSASAGAWA ng earthquake DRILLS ang mga eskuwelahan.
Ang problema, kapag may aktuwal na LUMINDOL, mapagkamalan nilang “DRILL” pa rin at tameme pa rin ang kanilang pagkilos.

-----$$$---
NAWALA na ang ulat hinggil epekto ng SOLAR STORMS sa ibabaw ng mundo.
Hindi pa yan eepekto agad.
Surpresang DISASTER ang hated niyan eh.

----$$$---
MARAMING nagte-text na katakot-takot pala ang raket sa SMALL TOWN LOTTERY ng PCSO.
Hindi lahat ng kobranza ay inire-remit particular sa Kabisayaan lalo na mismo sa tinamaan ng lindol sa NEGROS.
Anu bay an?
Susundan natin yan.

-----$$$--
KUNG niraraket ang Negros sa STL, patuloy naman ang RAKET sa jueteng sa Baguio City.
Matigas kasi ang “alyas Luding” na pinoproteksiyunan ng isang Heneral Magalong.
He, he, he.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 12 , 2012 issue, unedited. Cc. bistado,blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

CORONA : COMMUNISM IS THE WINNER

NAGHAHALO na ang balat-sa-tinalupan kaugnay ng impeachment proceedings.
Pinanghimasukan na nang diretso ng Korte Suprema ang Senado sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagbusisi sa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.
Inaakusahan ang kampo ni Corona ng double-standard dahil kapag pabor umano sa kanya ang ruling ng impeachment court tulad sa pagkatig na hindi maaring ipa-subpoena ang kanyang pamilya ay okey, alright sa kanya.
Pero, ngayong di pumabor sa kanya ang ruling na pagpapa-subpoena sa mga ehekutibo sa mga bangko ay agad itong nagtakbo sa Korte Suprema na naglabas naman agad ng TRO.
Kumbaga sa boxing, inilalarawan itong isang hometown decision.
Naniniwala ang mga kritiko ng punong mahistrado na isa lamang icing on the cake ang pinipigil na dollar accounts kung saan, maaari siya ma-convict sa Article 2 kaugnay ng mali-maling statements of assets, liabilities and network.
Pinakamabigay na ebidensiya ng prosekusyon ay ang mismong testimonya ni BIR chief Kim Henarez na tumukoy sa discrepancies o hindi nagtugmang datos sa kanyang SALN at tax returns.
Tila pinagtakluban nang langit at lupa si Corona nang ibisto ang kanyang mga peso accounts sa PSBank at tumanggi naman ang kanyang kampo na idepensa ito bagkus ay nagsabi lamang na antayin ang kanilang paliwanag ditto.
Pinakahuling bomba ng mga kritiko ni Corona ay ang isang desisyon mismo ng Korte Suprema kaugnay sa kaso ng isang maintenance personnel at sa isang alkalde ng Naga, Cebu na nagpasok sa trabaho sa naturang kawani ng local government na naparusahan dahil sa maling deklarasyon sa SALN.
Pero ang pinakamabigat, ay kung paano sasagutin ng kampo ni Corona ang hindi pagkakatugma ng kanyang idineklarang P3.5 milyon cash sa taong 2010 na taliwas sa P19.7 milyong ending balance sa PSBank at P12 milyon sa BPI sa naturang ding taon.
Sa ngayon, nag-uumpugan ang dalawang pangkat ng “people power”, isang kontra- Corona at isang pro-Corona.
Sa gitna ng matinding gitgitan sa KALSADA dahil sa “isang CORONA”, sino kaya ang magwagi sa isang baliktakang ang mapaparusahan ay ang mismong mga MAMAMAYAN?
Sa bandang huli, hindi kaya ang kalaban ng Republika na KOMUNISMO—ang umangkin ng KORONA?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 12 , 2012 issue, unedited. Cc. bistado,blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

Friday, February 10, 2012

PHL:A STAB-IN-THE-BACK LEGEND, GERMANY(1918)

NALUHA si CJ Renato Corona sa harap ng kanyang mga SUPPORTERS.
May bumulong sa likuran: Baka nasilip na niya ang “kanyang babayaran”.
He, he, he.

-----$$$--
LINSIYAK, kakasuhan din ang WALONG MAHISTRADO na pumabor sa pagbibigay ng TRO laban sa pagbuklat ng FOREIGN DEPOSIT ACCOUNTS.
Aba’y kung PALAGING KAKASUHAN ang mga ayaw PUMABOR sa Malacanang, anong KLASE NG GOBYERNO ito?
Isang KAHANGALAN yan.
Magsitigil nga kayo.
Dapat sa inyo ay tig-iisang SUNDOT ng karayom sa yagbols.

-----$$$---
MAY natanggap tayo na ulat na lihim na inihahanda ang SORPRESANG impeachment case laban kay Vice President Jejomar Binay.
Motibo nito ay mawalan ng “control” si Binay sa POSTURA nito na maging BEST ALTERNATIVE kay PNoy.
Kasi’y kapag nagkaroon ng CONSTITUTIONAL CRISIS, lalabas na na-BLUNDER si PNoy dahil ang anak ni Tita Cory ang GHOST WRITER ng “impeachment craze “ laban sa mga mahistrado.
Regular kasing NAG-I-SCOUT ang White House ng BEST ALTERNATIVE sa nakaupo sa Malacanang.
Sa ngayon, walang DUNGIS at No.1 aspirante si Binay.
Bukod ditto, si BINAY din ang pang-BLACKMAIL ng US kay PNoy upang madiktahan ang PANGULO particular sa PANANATILI ng US troops sa teritoryo ng bansa.

-----$$$---
SAKALING kasi napatunayan na si PNOY ay dinidiktahan at NAIMPLUWENSIYAHAN ng mga LEFTIST ADVISERS o mga TAGAPAYO na mula sa HANAY ng CPP-NPA-NDF, no-choice si US President Barrack Obama na ISAKRIPISYO ang unico-hijo ni dating SEN. NINOY.
Kung matindi ang impluwensiya ng LEFTIST sa gobyerno ni Tita Cory noon, nagging 10 IBAYO ngayon ang impluwensiya nito sa ADMINISTRASYONG AQUINO.
Dapat maunawaan ng mga SENADOR—na ang pagka-BRUKA o pagkasira ng DEMOKRATIKONG PROSESO sanhi ng walang patumangga at kawalan ng DUE PROCESS sa impeachment trial—ay hindi MALUSOG sa DEMOKRASYA.
Iisa lang ang makikinabang kapag ang MODEL OF DEMOCRACY sa Asia ay mawasak.
Sino at alin ang makikinabang?
Walang iba kundi ang : Ang IDEOLOHIYA ng KOMUNISMO!!

------$$$--
ANG CONSTITUTIONAL CRISIS na ipinagkikibit-balikat ng ilan, ay kasing kahulugan ng KAHINAAN ng DEMOKRATIKONG PROSESO na SUSTANSIYA at KALULUWA na itinatadhana ng SALIGANG BATAS.
Lalabas na PALPAK ang DEMOKRASYA—kaya’t lilitaw na DAPAT SUBUKAN ang KOMUNISMO.
Pero, bago maganap ito, GIGITNA ang “RIGHTIST” na nakauunawa ng tunay na sitwasyon, pero kailangang sumailalim muna ang bansa sa MAPAIT at MAHAPDING DIKTADURYA o REVOLUTIONARY GOVERNMENT.
Sa personal nating pagtaya, WALANG KASALANAN ditto si PNOY.
Si PNOY ay isang PIPING BIKTIMA—nang “tunggalian ng mga ideolohiya” na matagal nang NAGTATAGISAN nang lihim sa loob n gating PAMAHALAAN.
Nakababahala na ang nasasaksihan natin ngayon ay isang tipikal na "SAKSAK MULA SA LIKURAN", walang pinagkaiba sa "STAB-IN-THE-BACK LEGEND" sa Germany noong World War 1.
Magsaliksik po tayo sa google upang maunawaan natin ang mga nagaganap.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 11, 2012 issue, unedited. CC.bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

3 INUTILE BRANCHES OF GOV'T

MASAMA ang impresyon ngayon ng HUDIKATURA bunga ng impeachment proceedings.
Lalong pumapangit ang larawan ng dispensasyon ng hustisya sa ulat na nakaumang na rin ang ikatlong impeachment case laban sa WALONG (8) mahistrado ng Korte Suprema upang isunod sa impeachment complaint laban kay Associate Justice Mariano del Castillo.
Sakaling maganap ito, 10 mahistrado ang isasalang sa impeachment proceedings nang sabay-sabay sa tatlong magkakahiwalay na kaso—sa IISANG MOTIBO—palabasing PALPAK ang Kataas-Taasang Hukuman ng bansa na ang repleksiyon ay ang kahinaan ng judicial system ng Pilipinas.
Sa ganyang pananaw, lilitaw na INUTIL ang JUDICIARY na itinatadhana ng Konstitusyon.
Pero, kung inutil ang HUDIKATURA, puwede bang magmayabang ang LEHISLATURA at EHEKUTIBO na sila ay MAY SILBI?
Sa ngayon, dahil sa impeachment TRIAL, wala nang panahon at kakayahan ang mga SENADOR na aksiyunan ang mga NAKABINBIN batas.
Ganyan din sa Kamara ng mga Representante, wala nang quorum pero uubusin pa rin ang ORAS sa impeachment proceedings laban kay Del Castillo at sa walo pang mahistrado.
Kung gayon, hindi lang ang HUDIKATURA ang INUTIL kundi maging ang LEHISLATURA ng bansa.
Malinaw ang talumpati sa impeachment trial, ang trabaho na ginagampanan ngayon ng mga senador—ay JUDICIAL FUNCTIONS, paano na ang orihinal at tunay na sinumpaan nilang TUNGKULIN na GUMAWA ng batas o “bilang law-making body” ng bansa?
Walang duda, inutil ang HUDIKATURA, INUTIL ang LEHISLATURA.
Ibig bang sabihin, ay nalalabi at TANGING MATINONG SANGAY na lamang sa 3-branches of government ay ang EHEKUTIBO?
May isang tanong: E, sino ba ang UTAK at orihinal na pinagmulan ng inisyatibang serye ng IMPEACHMENT?
May sumagot sa likuran: E, sino pa, di ba si PNOY?
Sino ngayon ang HINDI INUTIL?
Sino?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 11, 2012 issue, unedited. CC.bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

Thursday, February 09, 2012

CONTINGENCY PLAN: A JOKE

MARAMI na ang nababahala sa posibleng paglindol nang malakas sa MetroManila.
Nauna na ang Kyusi sa pabalita na naghahanda sila, pero wala naman silang kongretong programa na magsagawa ng “force evacuation” sa mga tao at bahay na nakatirik sa ibabaw ng FAULTLINE.
Maging ang isang eskuwelahan na nakatindig sa FAULTLINE ay hindi naman inaaksiyunan na ilipat nang lugar.
Kapag tinamaan ng lindol at gumuho ang naturang eskuwelahan—libo-libong ESTUDYANTE ang mamamatay.
Pabalita lang ang mga PAGHAHANDA, walang paki ang gobyerno kung lumindol man o hindi.
Ang mahalaga ay gumandang lalaki at sumeksi sila sa MEDIA nang wala namang kongretong programa at proyekto na magbibigay ng proteksiyon sa mga potential victims ng MALAKAS na lindol.
Kahit ang mga biktima ng lindol sa isang liblib na lugar sa Negros ay hindi agad nasaklolohan sa katwirang NAPUTOL ang mga tulay.
Kapag nawasak ang tulay, DEDBOL na agad ang PANAKLOLO.
Nasaan ang preparasyon?
Nasaan ang emergency plan?
Wala.
Sana’y maging ARAL at HALIMBAWA ang sinapit ng Negros upang makabuo ng KONGRETONG HAKBANG ang gobyerno bago pa man maranasan ang BIG BANG sa WEST VALLEY fault area sa MetroManila.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 10, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

CORONA'S GOLD BULLION

TUMITINDI ang IRINGAN sa impeachment trial.
Wala sanang BUBULAGTA—sa bala ng baril o sa ALTA-PRESYON.

-----$$$---
NAG-VETO ang Russia at China sa PAGPASOK ng UN sa GULO sa Syria.
Malinaw na magka-ALYANSA ang Russia at China kontra sa tandem ng US at NATO.
Matindi yan.

-----$$$--
SA pagsasanib puwersa ng Russia at China ay tiyak na MAGDADALAWANG ISIP ang US sa paghahari-harian sa mundo.
Ngayon lamang unti-unting nagiging BALANSE ang puwersang militar sa mundo.

-----$$$---
KINONTRA ng mga residente ang pagtatayo ng SM Complex sa Baguio City.
Kasi naman ay puputol sila ng DAAN-DAANG punong kahoy.
At huwag ka, may PERMISO ang DENR ang pagwasak ng KAPALIGIRAN.

-----$$$--
PINAYAGAN ng Korte na manatili si Ate Glo sa VMMC hospital.
May buwenas pa rin siya.

-----$$$---
NAG-MOSYON si ex-Comelec Chairman Benjamin Abalos na hindi siya dapat litisin sa RTC bagkus ay sa Ombudsman dahil NAKAPUWESTO siya nang maganap ang kasong INAAKUSA sa kanya.
May katwiran siya, ayon sa kanyang mga ABOGADO.

----$$$---
INILABAS na sa media ang ANAK nina Ogie Alcasid at Mareng Chona.
Mas KAMUKHA ni Ogie kaysa KAHAWIG ni Chona ang BABY.
Sa tingin natin, magiging SIKAT NA KOMEDYANTE ang paslit.
May karibal na sina Wally at Jose.
He, he, he.

------$$$---
TEKA, nagkabati nap ala sina Pareng Jobert Sucaldito at Willie Revillame.
Pwes, puwede na uli sila MAG-AWAY.

-----$$$--
HINAHANAP si ZAIDA sa Eat Bulaga.
May kutob ang marami na SIYA ang “secret dyowa” ni Bossing.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$--
KAPAG na-IMPEACHED si CJ Renato Corona, ano raw ang HEADLINE ng mga diyaryo bukas?
E, di, CORONA BUMAGSAK!
Kapag NAGWAGI si Corona, ano naman ang HEADLINE”?
E, di, CORONA NAGLUNINGNING
Kapag nabisto na may GOLD BULLION si CJ, ano ang HEADLINE?
Ano pa e di---GINTONG CORONA NABULGAR!
He, he, he.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb. 10, 2012 issue, unedited. Cc: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)