Saturday, November 03, 2012

MRT, LRT PAPAKYAWIN NG BUWITRE


NAGKAABERYA na naman ang MRT kahapon.
Nasunog ang isang coach sa Kamuning at naperhuwisyo ang mga pasahero.
May mga nagsasabing sinasadya ito upang mai-justified ang pagpapalobo ng singil.
Kapag kasi laging nasisira at nadidiskaril ang MRT at LRT, hindi na makakareklamo ang mga kumokontra sa taas-singil dito.
Isang masamang taktika ito ng gobyerno.
No choice ang pobreng mamamayan.
Mahirap namang patunayan na sinadya ang sunog o ang serye ng mga pagkadiskaril kayat talagang napakaepektibong taktika yan upang puwersahin ang pagtataas ng singil.
Maaari ring ibenta ang MRT at LRT sa pribadong sektor matapos magtaas tulad sa ginawa sa NLEX at SLEX.
Mamumunini na naman ang mga tinatawag na KOMPRADOR o mga dambuhalang MAMAMAKYAW ng negosyo.
Sila ang mga BUWITRENG ipinoprotesta sa Wall Street sa New York.
Ibig sabihin, umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi pabor sa mga ordinaryong mamamayan kundi pabor sa mga MULTI-BILYONARYO na naghahangad na pumakyaw sa MRT at LRT.
Ang mga dati nang multi-bilyonaryong Pinoy ay lalo pang yumayaman, sa international financial data—magre-reflect yan bilang PAG-UNLAD ng Pilipinas pero sa aktuwal 10 PAMILYA o LIMANG KORPORASYON lang ang kumopo ng bunga ng pag-unlad.
Pero ang milyon-milyong Pinoy patuloy lang sa paggapang sa hirap.
Ang mga dambuhalang negosyante ay pinapaboran sa mga GOVERNMENT POLICY upang mapalaki pa ang kanilang negosyo.
Ang mga ordinaryong mamamayan ay lalo pang naghihirap dahil KINOKORNER ng mga korporasyon ang kita ng kabuhayan ng mga taumbayan.
Ang matataas na opisyal ng gobyerno at mga mambabatas ay dinidiktahan lang ng mga dambuhalang negosyante sa POLICY na ipatutupad pabor sa kanilang hanay.
Walang lider ang ordinaryong mamamayan na may kapasidad na ipagtanggol ang kanilang karapatan sa isang PATAS NA PAGTRATO sa lipunan.
(EDITORIAL ni KA AMBO column, Bulgar newspaper, Nov. 04, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo on twitter/ 09173525272)

Tuesday, May 08, 2012

RAYMART VS TULFO:GMA 7 VS TV-5



TUESDAY, MAY 08, 2012

RAYMART VS TULFO:GMA 7 VS TV-5



MAUGONG na maugong ang awayang Raymart at Claudine kontra sa Tulfo Brothers.
Sa aktuwal, naghunos na ito bilang TV network war.
Siyempre, kakampihan ng dambuhalang television network ang kanilang SARILING TALENT kontra sa Tulfo brothers na ginagamit naman ang kabilang TV network .
Isang masamang tradisyon at kalakaran sa media—na ang MEDIA ENTITIES ay ipinagagamit sa PERSONAL INTEREST ng kanilang mga talent.
Labag ito sa prinsipyo ng PATAS NA PAMAMAHAYAG.
Ang magkabilang KAMPO ay guilty pareho sa paglabag na ito sa patas na pamamahayag.
Bistadong bistado sa mga ulat na NAKAHAPAY sa panig ng kanilang TALENT ang mga ulat at opinion pero sa kabilang panig ay gayundin, nakahapay din ang ulat, opinion at presentasyon ng argument  sa kanilang mga TALENT.
Sino ang biktima?
Ang biktima ditto ay ang ordinaryong mamamayan na MAY KARAPATANG MALAMAN ang katotohanan.
Isang taktika at modus operandi ng mga hindi PATAS na pag-uulat ay ang PRESENTASYON ng mga testigo kung saan ang kinakapanayam lamang ay kung sino ang PABOR sa kanilang talent.
Sa kabilang panig, ipinagagamit naman ang TV network upang ilibelo, makapagmura at hamunin ang kaaway na grupo gamit ang ORAS at RESOURCES ng istasyong pinagtatrabahuhan.
Isang may kasalanan ditto ay ang mismong MAY-ARI at EHEKUTIBO na nangangasiwa sa magkabilang istasyon.
Dapat ay may internal policy—na ang  ORAS at RESOURCES ay hindi maaaring gamitin  sa PRESENTASYON ng mga ulat na aktuwal na PUMAPANIG sa sariling talent o kasamahan sa trabaho.
Isang malaking paghamon ito sa lahat ng mga NAGMAMAHAL sa propesyon ng mass media.
Sana’y maunawaan ito ng magkabilang panig sapagkat, PINAGKAKAITAN nila ng “katotohanan” ang lahat ng umaasam sa PATAS NA PAMAMAHAYAG.
Ang PRESS FREEDOM ay absolute, pero ito ay may tendensiyang   ma-ABUSE ABSOLUTELY  rin!!!
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 09, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/  @bistadoniambo on twitter/bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745. )

Wednesday, March 14, 2012

PNP IN PERPLEXITY

TUMBA sa mga PARAK ang DALAWANG RAPE SUSPECTS sa Maynila.
Hindi ito MABUTING PANGYAYARI.
Isang “breakdown of law” ito.
Imbes kasi na MAGDUSA sa kulungan ang mga RAPIST, “tinulungan” pa nilang MAMAHINGA ito nang maaga.

-----$$$---
MARAMING isyu ang nakapaloob sa serye ng “SALVAGE” sa mga suspect na sa biglang TINGIN ay mabuti, pero sa MAS MATAAS na antas—ay isang KAHINAAN ito ng PULISYA, kawalang direksiyon, sintomas ng BARBARISMO, kawalan ng edukasyon, kawalan ng hustisya at sibilisasyon—at PAGHATOL sa isang suspek.
Malinaw na hindi “ALAM” ng mga pulis ang kanilang TRABAHO.

----$$$--
HINDI natin masisisi ang mga PULIS na pumatay at nakapatay sa mga SUSPEK—sapagkat sila ay BIKTIMA ng “MASAMANG ORYENTASYON” ng pulisya sa Pilipinas.
Ang “kababawang ito” ng pulisya—ay siya mismong UGAT ng kriminalidad.
Kung ang simpleng pilosopiya “na igalang” ang DUE PROCESS ay hindi maunawaan ng mga PULIS—ano ang kakayahan, karapatan, kapasidad na “magtrabaho” sila bilang PULIS?
Ordinaryong pulis lamang ang sangkot, pero kinukunsinte ito ng mga NAKATATAAS na opisyal na ang NAGPAPALALA at nagkukumpirma ng “BREAKDOWN” ng LAW AND ORDER sa Pilipinas.
Walang kaayusan ang PULISYA sa Pilipinas, hindi nila alam ang kanilang TUNGKULIN at mistulang PERA-PERA lang ang lahat.

-----$$$---
KUNG seryoso lang ang NAUUPO sa Malacanang, madaling matukoy na ang PULISYA sa Pilipinas ay “PERA-PERA” lang—sapagkat, nabubuhay sila hindi “sa pag-aayos ng katahimikan o “law and order”.
Imbes na PROTEKTOR sila ng karapatan ng ordinaryyong tao at hustisya, sila ay mga AKTUWAL na PROTEKTOR ng illegal na activities particular ang TALAMAK na sugal sa Kamaynilaan at iba pang lugar sa bansa.
Tingnan ninyo mismo ang Maynila, sangkatutak ang SUGAL, kaliwa’t kanan—dyan NABUBUHAY ang pulisya.
Kung ano ang NAGAGANAP sa Maynila, yan din mismo ang NAGAGANAP sa buong bansa.
Tingnan ninyo ang JUETENG sa Baguio City at Cordillera region, GARAPALAN ang operasyon ng isang ALYAS LUDING, pero ano ang ginagawa ng city, provincial at regional director ng PNP—nagbibigay ng PROTEKSIYON at nagkakamal ng WEEKLY TONGPATS.
Ang deklarasyon ni PNP Chief Nicanor Bartolome na all-out war sa JUETENG—ay PAMBOBOLA lang.
Maging ang kanyang ONE-STRIKE POLICY sa jueteng—ay isang KAHANGALAN sapagkat ang JUETENG ay talamak sa Region 1, Region 2 at Region 3—huwag na nating isama ang NCR—na saksi ang buong populasyon sa PROTECTION RACKET ng pambansang pulisya.

----$$$--
KUNG ang simpleng sugal ay pinagkakakitaan, anong KLASE ng katinuan ang maasahan natin sa PULISYA sa pagbibigay ng DUE PROCESS sa dispensasyon ng hustisya.
Ang madakdak na si DOJ Sec. Leila De Lima ay tulad din ni Bartolome, isang koponan sila ng mga BASKET-BOLERO—at BASKET-BOLERA.
Walang maasahang maayos na dispensasyon ng hustisya sa Pilipinas.
Walang pinakaepektibong taktika upang makaligtas sa kapahamakan kundi ang KANYA-KANYANG PROTEKSIYON sa kanya-kanyang buhay.
Kung ang TRABAHO o responsibilidad ng PULISYA—ay hindi magampanan nang maayos, ano ang tawag natin dyan?
Isang Republika ng “PERA-PERA” lang.
( BISTADO Column, Bulgar newspaper, March 15, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

FOOTBALL KICKED BASKETBALL OUT, BUT NOT BOXING

PATULOY na nananalasa ang Philippine Azkals kung saan magkasunod na tinalo nila ang mga bigating India at Tajikistan bago harapin sa semifinals ng AFC Challenge Cup ang Turkmenistan sa Biyernes.
Inasahang din igugupapa ng Azkals ang Turkmenistan dahil hawak nito ang momentum sa liga, dire-direksong aakyat sa pinakaasam-asam at kauna-unahang FINALS’ APPEARANCE ng Pilipinas.
Ano ang implikasyon nito?
Una, walang duda na hihigop ng suporta ang football upang maging No.1 sports sa hinaharap sa likod ng boxing kung saan sasapawan ang NALALAOS nang basketball sa bansa.
Ibig sabihin, parami nang parami ang mga kabataang maglalaro ng football sa mga eskuwelahan at barangay imbes na dati-rating basketball game.
Ang pag-angat ng football ay tiyak na pagbagsak naman ng basketball na dati-rating yinayakap ng mga Pinoy.
Isang masamang pangitain ito sa Philippine Basketball Association (PBA) kung saan hindi na maiiwasang malugi ito at mabangkarote.
Taliwas sa basketball, asahan natin ang inter-color league at inter-school football competition na magsusulputan sa mga susunod na araw na lalong MAGPAPASIKAT sa larangang ito.
Gayunman, kahit pa maging popular ang football, ang tanging hindi nito masasapawan ay ang pambihirang husay ng Pilipinas sa BOXING—kung saan itinuturing ang Pilipinas bilang BOXING CAPITAL OF THE WORLD.
Kung paanong hawak ng mga Pinoy boxers ang sangrekwang WORLD TITLES, nananatiling isang SUNTOK SA BUWAN na tanghalin ang Philippine Azkals na WORLD SERIES CHAMPION sa hinaharap.
( EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 15, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Tuesday, March 13, 2012

RH BILL: CARDINAL SANCHEZ, PRAY FOR US!

MAY huling habilin pala ang yumaong si Cardinal Jose Sanchez na binawian ng buhay sa edad 92.
Ang kanyang huling dalawang taon sa Pilipinas bilang Prinsipe ng Simbahan ay ginugol niya upang sagkaan at labanan na maisabatas ang Reproduction Health Bill na labag sa doktrina ng Vatican City.
Pero, namaalam si Cardinal Sanchez nang hindi niya natitiyak kung maire-RAILROAD at maisasabatas ang RH bill dili kaya’y ito ay malilibing na sa limot.
Marami kasing mambabatas ang pabor sa pagsasabatas nito na sumusunod lamang sa kagustuhan ng Malacanang na siyang promotor sa naturang batas mula sa DIKTA ng mga multi-national drug companies na naglalabas ng MALAKING PONDO upang impluwensiyahan ang gobyerno.
Naghahanda ngayon ang Simbahang Katoliko ng malawakang kampanya upang iprotesta at ipadama ang pagkontra sa pagsasabatas ng RH Bill.
Pero, desidido si Pnoy na suportahan ang pagsasabatas nito kung saan maaaring hindi ito MATINAG mapuno man ng mga DEBOTONG KATOLIKO ang Luneta Park.
Sana’y mabagbag ang damdamin ni Pnoy alang-alang sa kaluluwa ni Sanchez na inialay ang mga huling araw sa paglaban sa RH Bill.
Magmilagro kaya si Cardinal Sanchez ?
Bigla kayang isuko ng Malacanang ang RH bill at bawiin ang panukalang batas sa Kongreso ?
Manalangin tayo !
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 14, 2012 issue, UNEDITED. Cc : editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

WHERE ARE THE 200 CONTAINER VANS?

NALULUNGKOT tayo sa ilang text kung saan ginagamit ni DENR Sec. Ramon Paje ang relihiyong Iglesia ni Cristo upang manatili sa puwesto.
Hindi dapat ipinapasok sa ganitong isyu ang isang religious congregation na maaring wala naman talagang PAKIALAM sa isyu at nananahimik.
Sa totoo lang, nadadamay lang kay Paje ang INC dahil ang tunay na isyu ay ang KAPALPAKAN nito sa paglalabas ng ENVIRONMENTAL CLEARANCE sa Obando landfill.
Kinukuwestiyun si Paje kung bakit binigyan ng clearance ang Obando landfill nang walang isinasagawang public hearing at konsultasyon sa mga residente ng Obando na apektado ng proyektong MAGKAKAMAL ng salapi ang mga KONTRAKTOR.
Dapat ay busisiin ng mga awtoridad kung paano naisyuhan ng clearance ang kontraktor na Ecoshield Development Corporation na protektado rin ni Bulacan Gov. Willy Alvarado.
Ibig sabihin, payag si Gov. Alvarado na gawing TAPUNAN ng basura ang Obando hanggang sa ito ay bumaho at malason ang mga residente.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$---
SA totoo lang, naglabas na ng WRIT OF KALIKASAN ang Korte Suprema laban sa landfill operation sa Obando at nagbabala rin ang Philvolcs na mapanganib ito na maaaring magpalala ng trahedya sa malaking pagbaha sa panahon ng unos at iba pang kalamidad.
Marami ang nagdududa kung sino-sino ang PADRINO ni Paje para MAPANIWALA si PNoy.
May nagsasabing ang padrino ni Paje kay PNoy ay ang mismong mga dating AMUYONG ni Ate Glo na talunang meyor sa isang lungsod at isang arkitektong sanggang dikit ng isang talunang sa 2010 senatorial elections.
Pero ang malinaw, hindi nakakatulong si Paje sa TUWID na DAAN ni PNoy.

-----$$$--
INIULAT mismo ng Bureau of Customs na hindi nila NAABOT ang target collections sa buwan ng Pebrero , 2012.
O, ano pa ang inaantay ninyo ?
Ikinakatwiran ni BoC Commissioner Ruffy Biazon na kapos ang KOLEKSIYON kasi daw ay nag-celebrate ng New Year ang mga Chinese kaya’t itinigil ang operation ng mga pabrika at galaw ng negosyo sa naturang bansa.
Siyenta-porsiyento (70) kasi ng IMPORTASYON ng Pilipinas ay nagmumula sa CHINA.
Hindi natin maubos maisip, at malirip ng sintido-kumon kung ano ang KAUGNAYAN ng New Year sa importasyon ng mga produkto mula China papasok ng Pilipinas ?
Ang mga IMPORT PRODUCTS—ay ‘pangangailangan’ sa Pilipinas at hindi naman ng China—at isang KALAKAL ito na ipinoproseso IN-ADVANCE kaya’t malabo ang gayong ALIBI.
Sana’y maglabas ng MAS KATANGGAP-TANGGAP na paliwanag ang Customs hinggil dito, hindi kasi yun KAPANI-PANIWALA at WALANG LOHIKA.

----$$$--
TEKA, bakit kaya NATAHIMIK ang Customs kaugnay ng NAWAWALANG 200 CONTAINER VANS ?
Bakit hindi na nila ito hinahanap ?
Nakita na ba ? Napagkakuwartahan na ba ? Naareglo na ba ?
May mga nag-TEXT kasi kaugnay ng KADUDA-DUDANG CONTAINER VAN na naka-TENGGA malapit sa Gate 2 ng VETERANS HOSPITAL sa Mindanao Avenue sa Project 6 sa Quezon City.
Ayon sa TEXTER, dati-rati ay wala naman doon ang CONTAINER VAN, pero nang ibunyag ang nawawalang 200 container vans noong Setyembre ay bigla itong INIHIMPIL sa naturang bisinidad.
May KUTOB ang texter na maaaring ISA ang naturang VAN sa nawawalang 200 container van ng Customs.
Ano sa tingin ninyo, i-double check ninyo, baka yun na nga ?
O baka naman, iba ang MATUKLASAN ninyo dun.
He, he, he.
(BISTADO column,, Bulgar newspaper, March 14, 2012 issue, UNEDITED. Cc : editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Sunday, March 11, 2012

PNP IN CRISIS; IN DISARRAY

NAKABABAHALA ang kaliwa’t kanang pagkakasangkot hindi lang ng ordinaryong pulis bagkus ay mga matataas na opisyales nito sa iba’t ibang krimen na ang ilan ay karumal-dumal at mahirap paniwalaan.
Hindi kasi matanggap ng Napolcom, DILG at mismo ng PNP na demoralisado ang lahat ng antas at hayrarkiya ng pulisya.
Kapag hindi natin tinanggap na may demoralisasyon, hindi ito mareresolba bagkus ay gagrabe ito nang gagrabe kung saan magiging dispalinghado na mismo ang criminal justice system na magreresulta sa hindi rin matanggap na “pagkawala ng LAW AND ORDER” sa bansa.
Sa bagay, mahirap sisihin ang matataas na opisyal ng DILG, Napolcom at PNP dahil kung susuriin, kalmante sila at hindi MULAT sa realidad at aktuwal na nararanasan sa loob ng operasyon o takbo ng pulisya sa bansa—administratibo man o operasyon.
Nag-ugat ang problema nang ipatupad ang INTEGRASYON ng dating Philippine Constabulary (PC) at Philippine National Police (PNP) na nang lumaon at pinagrabe ng isa pang INTEGRASYON ng mga military elements sa orihinal na pulisya kung saan nabuo ang INTEGRATED NATIONAL POLICE (INP).
Ang integrasyon ng AFP sa PNP kung saan ang mga graduate ng Philippine Military Academy (PMA) na may ORYENTASYONG MILITAR—ay ipinasok sa loob ng pulisya na may ORYENTASYON ng “peace keeping” sa loob ng isang payapang lipunan.
Nang pamiliin ang mga PMAers kung mananatili ba sila sa AFP o sa PNP—marami at halos lahat sa kanila ay pinili ang maging HEPE at HENERAL sa PNP—dahil sa iisang MOTIBO—magkamal ng INTELEHENSIYA—ang pondong nagmumula sa ILLEGAL ACTIVITIES—pinakamalaki ang jueteng , drugs, human trafficking at iba pang protection racket bukod pa ang FUND CONVERSION.
Sa AFP—kasi ay tanging mga heneral lamang ang MAGPAPASASA sa “CONVERSION” fund na katumbas naman ng “PORK BARREL” ng mga miyembro ng KONGRESO—senador at kongresista.
Dahil sa nakawan ng pondo at walang auditing na “INTELLIGENCE FUND”—mula sa lehitimong budget at sa protection racket---DEMORALISADO ang buong hanay ng pulisya.
Pero ang pinakamalala ay ang “walang katiyakan na PLACE OF ASSIGNMENT” o destino.
Sa panahon ng Batas Militar at bago ang panahon ito, ang mga PULIS---ay naka-CONCENTRATE ang bawat pulis sa iisang lugar ng DESTINO —ito ay ang local government unit (LGU) kung saan siya namamalagi at kabisado ang populasyon at teritoryo.
Pero, bunga ng INTEGRASYON---walang habas na ITINATAPON sa malalayong destino ang mga miyembro ng pulisya at batay sa KAPRITSO ng nakatataas, maaari siyang masibak sa lugar na kanyang nakalakihan o nakasanayan.
Nawalan ng LOYALTY sa lugar o teritoryo at “mamamayan” o CONSTITUENTS ang mga pulis, at tumindi ang LOYALTY SA SUPERIOR—na siyang UGAT—ng demoralisasyon at PAGKABULOK NG PAMBANSANG PULISYA.
Walang sinumang MAMBABATAS o iskolar ng gobyerno na NAGSUSURI sa aspektong ito ng PULISYA—kaya’t aktuwal na NAKABAON ang PEACE AND ORDER sa bansa sa KUMUNOY ng corruption at KAWALANG RESPONSIBILIDAD at DIREKSIYON.
Sana’y sa pamamagitan ng MUNTING TINIG na ito ay magising an gating mga OPISYAL na balik-aralan ang sitwasyong itong nakataya ang BUHAY, ARI-ARIAN ng mga mamamayan; at HINAHARAP ng ating REPUBLIKA.
(EDITORIAL, BULGAR newspaper, March 12, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

CALOOCAN: COURT NOT GUN; LAWS NOT BULLETS

MATATAHIMIK na ngayon an gating mga suki sa Caloocan City na nangungulit sa text kaugnay ng kaso sa GSIS ng city hall.
Naglabas na po ng final decision ang Office of the Ombudsman hinggil ditto.
Ibinasura na ng Ombudsman ang reklamo na isinampa laban kay City Mayor Enrico “ Recom” Echiverri at sa tatlo pang ehekutibo na sina City Treasurer Evelina Garma; City Budget Officer Jesusa Garcia at City Accountant Edna Centeno.
Nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang 26-pahinang joint resolution na lumilinis sa pangalan ng apat na city executives kaugnay sa nadiskaril na pagreremit ng premium contribution ng mga empleado sa GSIS.
Kasabay nito, ibinasura din ng Ombudsman ang suspension order laban kay Echiverri at sa 3 opisyales sa paglilinaw na “no substantial evidence to hold respondents either administrative or criminally liable”.
Malinaw pa yan sa mineral water.

-----$$$---
TAMA lang na magpasalamat si Recom sa Ombudsman dahil nagmuntik-muntikanan na na siyang masibak sa puwesto dahil sa pagsisinungaling ng kanyang mga karibal sa politika.
Ang mahalaga ditto, naiwasan ang gulo at pagdanak ng dugo kung puwersahang ipinatupad ang suspension order gayong hindi pa nakakapagdesisyon nang final ang Ombudsman na kamukat-mukat natin ay walang nilabag na batas si Recom.
Nag-ugat ang isyu sa pagkabalam na mairemit ang GSIS premiums pero ito ay naganap sa naunang administrasyon bago pa maupo sa city hall si Recom kung saan siya ang nagsakripisyo na maiayos ang mga records sa GSIS at mabayaran ito nang maayos para sa kapakinabangan ng mga empleado.
Naisarado ang alingasngas nang maglagdaan sa isang memorandum of agreement (MOA) ang GSIS at Caloocan City Hall na siyang nagsarado at naglinis sa isyu.
Yun lang po at natutuwa ngayon ang mga empleado ng city hall sapagkat maaari na silang makatanggap ng biyaya sa GSIS particular sa salary loan at iba pang benepisyo.
Sa totoo lang, hindi lang ang Caloocan City ang may ganitong problema sa GSIS kundi marami pang LGUs sa buong bansa.
Hindi lang natin alam kung naareglo na ang ibang kasong katulad nito at kung tinangka rin ang ilang mayor na kasuhan at masibak gamit ang Ombudsman sa alegasyon itinulak lamang ng MARUMING pulitika sa bansa.

----$$$--
KUNG tutuusin, masuwerte ang Caloocan City kasi’y kahit paano ay nabibiyaan sila ng juidicial system sa bansa sa gitna ng umiinit at nalalapit na 2013 elections.
Kapansin-pansin kasi ang kaliwa’t kanang kaso ng PANANAMBANG at AMBUSH kung saan maraming inosente ang nadadamay sa pagpatay.
Sa malalayong lugar sa Kamaynilaan, hindi na idinaraan sa kaso ang AWAY-POLITIKA, bagkus ay idinaraan sa BALA NG BARIL.
Sa dami ng nagugutom, dumarami ang bilang ng mga HIRED KILLERS gamit ang popular na RIDING-IN-TANDEM scheme kung saan nakakatakas ang SUSPEK at hindi nareresolba ang kaso.
Sana’y hindi mauwi sa ganyang WAKAS ang politika sa Caloocan.
(BISTADO Column, BULGAR newspaper, March 12, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Saturday, March 10, 2012

DAVAO: A DANGEROUS PLACE FOR CORONA

NAG-UTOS ng “shoot-2-kill” order sa Davao City laban sa mga NANUNUTOK ng baril.
Hindi pala pwedeng pumunta si CJ Renato Corona sa naturang siyudad.

-----$$$---
MAY problema na naman sa BUWIS si Manny Pacquiao.
Normal lang.
Yung SALN, hindi ba ninyong TITINGNAN?

-----$$$--
SUMUKA dawn g DUGO si ex-Gov. Andal Ampatuan Sr.
Huhh, akala ko ang isinuka niya ay SANGKATUTAK NA KUWARTA.
He, he, he.

-----$$$---
NAKATAMBAK lang na parang DAMBUHALANG JUNKS ang sangrekwang FIRE TRUCKS sa iba’t ibang fire station.
Ito po ay isang MATIBAY na EBIDENSIYA sa TALAMAK na GRAFT AND CORRUPTION sa pagbili ng fire truck.
Tulad sa fire truck, sangrekwa rin ang JUNKED na AMBULANSIYA.
Ang FIRE TRUCK at AMBULANSIYA—ay karaniwang “PINONDOHAN” ng PORK BARREL at PONDO ng korporasyon ng gobyerno—na kunwaring ibinibigay sa TAUMBAYAN.
SAMPUNG IBAYO o doble-doble ang OVERPRICING sa naturang “DONATIONS” na karaniwan ay SUB-STANDARDS at RECONDITIONED.
Pero, tameme ang COA at OMBUDSMAN sa “INSTITUSYONALISADONG” raket na ito sa lahat ng ADMINISTRASYON sa bansa.
Tsk, tsk, tsk.

----$$$--
SOLVED na raw ang kasong pagholdap at pagpatay sa UPLB student sa Laguna.
Iyan ay AYON sa PULISYA---na nais mabigyang ng KREDITO at PROMOSYON.
May kutob tayo, sa bandang huli ay ABSUELTO ang mga SUSPEK kung saan hindi sila ang TUNAY na salarin, pero PINAAMIN sila upang ma-SOLVED ang kaso.
Repleksiyon ito ng PALPAK na criminal justice system sa bansa.

-----$$$---
KUNG mawawala at maiingatan ang KABAN NG BAYAN mula sa graft and corruption—at MASISINGIL ang buwis na DAPAT ibayad ng mga DAMBUHALANG TAX PAYERS—hindi na kailangan ang anumang BUWIS mula sa hanay ng mga NAGDARAHOP.
Hindi rin kailangan na MANGUTANG.
Wala kasing MAHUSAY nsa nauupo sa Malacanang na SERYOSO na tulungan ang REPUBLIKA.
(BISTADO Column, Bulgar Newspaper, March 11, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

2012: A PERFECT TIME

KAILANGANG gawin na nang todo ni Pangulong Aquino ang lahat ng kanyang gusto bago mag-Disyembre, 2012.
Bakit?
Sapagkat, pagsapit ng Enero, 2013—aandar na ang mahigpitang kampanyahan sa senatorial, congressional at local elections kung saan MABABAGO ang hilatsa o kartada ng BARAHA sa Senado, Kamara ng mga Representante at maging sa mga puwesto sa local government units (LGUs).
Hindi nakakatiyak si PNoy kung mananalo lahat o darami ang Liberal Party stalwarts sa Senado o mananatili ang control ng administration law makers sa Kamara kung saan nakapundasyon ang kanyang PODER.
Sakaling mabawasan kahit bahagya ang kanyang mga kaalyadong senador at kongresista, walang duda na hihina ang kanyang LIDERATO—lalo pa’t didikit na sa kasunod na taong 2014—girian sa presidential election.
Ang taong 2014—ay halos bisperas ng seryosong unofficial campaign period sa PAGKA-PRESIDENTE at pag-BISE PRESIDENTE sa taong 2015—isang taon bago ang aktuwal na 2016 PRESIDENTIAL DERBY.
Ibig sabihin, habang lumalapit ang 2013 at 2016—unti-unti mawawalan ng PODER at PUWERSA si PNoy kung saan ang mga SEPSEP at OPORTUNISTANG POLITIKO—ay unti-unting HAHAPAY at kakabilang-bakod sa SINUMANG MAAMOY na kasunod na MAUUPO sa Malacanang.
Bagaman, hindi pa maaaring sabihing isang “LAMEDUCK PRESIDENT” si PNoy sa ngayon sapagkat halos nasa kalagitnaan pa siya ng 6-YEAR TERM, dapat din niyang paghandaan ito .
Ano ang implikasyon nito?
Ngayon lamang siya may PINAKAMALAKING ALAS upang sibakin sa puwesto ang mga PINANINIWALAAN niyang SAGWIL sa kanyang TUWID NA DAAN, sapagkat sa susunod na taon, ay hindi na siya mabibiyayaan ng ENERHIYA na kanyang tinatamasa sa kasalukuyan.
Ibig sabihin, kapag nabigo siya na tanggalin sa puwesto si CJ Renato Corona, lalo siyang mahihirapang kalabanin ito sa susunod na taon, taliwas sa paniniwala ng iba na hindi nila TATANTANAN ang punong mahistrado.
Matapos ang resulta ng 2013 election, walang katiyakan kung mananatili pa rin ang control ni PNoy sa Kamara at kung magagawa pa niyang resbakan ang HUDIKATURA sa bisperas ng presidential derby sa 2016.
Ang lahat ng ito ay dapat suriin, pag-aralan at paghandaan dapat ni PNoy at ng kanyang mga AMUYONG.
(EDITORIAL, Bulgar Newspaper, March 11, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Friday, March 09, 2012

CHARICE PEMPENGCO: NOW, AN AIZA SEGUERRA

IBINABALA na eepekto sa EARTH ang mapanganib na SUN STORMS.
Ito ay maaaring magdulot ng TRAHEDYA sa alinmang PANIG ng daigdig.
Kabilang ditto ang MALAKAS na lindol, tsunami at HURRICANE.
Maaring maranasan ito, walong ARAW mula ngayon particular ang pagkadiskaril ng TELECOMMUNICATIONS system kahit saan panig ng mundo.
Paalala lang naman na AYAW ipaalam ng mga EKSPERTO.

-----$$$---
NAGKAKAPERSONALAN na naman sina PNOY at CJ Renato Corona.
Isa-isa nang IBINIBISTO ni Corona ang kanyang mga ALAS at EXPOSE.
Ano kaya ang kanyang “FINALE”?

----$$$---
MAHINA na raw ang KALUSUGAN ni TITO DOLPHY.
Baka inaareglo muna niya ang kanyang mga MISIS na posibleng mag-away sakaling matuluyan siya.
Ayaw niyang maging ikalawang IGGY ARROYO.

-----$$$--
ISANG MADRE ang HIPAG ni Corona.
Pero, baka hindi siya MATULUNGAN nito na MAGDASAL kay Lord.
Kasi’y NAKIKIAGAW din sa nai-withdraw niyang P32 milyon sa PSBank.

----$$$--
BIGLANG sumikat ang COVER GIRL na si BELA PADILLA.
Eh, sino ba talaga SIYA?

-----$$$--
BINAGO na naman ni CHARICE PEMPENGCO ang kanyang ITSURA.
Naging KAMUKHA niya ngayon si AIZA SEGUERRA.

-----$$$---
BIGLANG sumikat ang komedyanteng si JOSE MANALO.
Yun nga lang, hindi pa rin NATATAWA at hindi NATUTUWA ang kanyang MISIS.

-----$$$---
SOLVED na raw ang kaso ng holdap-slay case sa isang UPLB student.
Hindi kaya tulad yan ng VIZCONDE MASSACRE.
Ibang SUSPEK ang inaresto at mahahatulan sa isang KASO na hindi nila ginawa?
Pero, mabibigyan ng PROMOSYON ang mga PARAK na “nag-solved” sa kaso.
He, he, he.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, March 10, 2912 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

A "LAST' TRIBUTE TO DOLPHY

INIULAT na masyado nang mahina ang immune system ng dakilang actor-comedian na si Dolphy.
Ngayon pa lamang ay dapat nang bigyan siya ng parangal upang MARAMDAMAN niya kung gaano siya KAMAHAL ng kanyang mga kaibigan at ng mga ANINO na gumagalaw sa PUTTING-TABING.
Ang problema , kung kailan babawian ng buhay, saka siya bibigyan ng PAPURI at PARANGAL, para saan pa ang naturang pagkilala?
Ang immune system ang tunay na SUSI sa kalusugan ng indibiwal at kapag nadispalinghado ito at hindi na gumana, hindi na magtatagal ang buhay ng isang nilalang.
Ang pagpapadama ng PAGMAMAHAL ng isang tao sa kapwa tao ay isang EPEKTIBONG pampalakas ng IMMUNE SYSTEM na siyang aktuwal na lalaban sa mga MIKROBYO at VIRUS na pumepeste sa katawan ng pasyente.
Bagaman, ipinagbabawal ang pagdalaw sa maysakit, puwede namang ipadama ang PAGMAMAHAL kay Pidol sa pamamagitan ng telebisyon kung saan nararapat lamang na HANDUGAN siya ng serye ng mga TRIBUTE o MATAAS na kalidad at seryosong pagkilala sa kanyang NAIAMBAG sa larangan ng radio, TV, pelikula at ngayon ay cyberspace.
Sana’y marinig ang MUNTING TINIG na ito ng mga taong nananatiling nagmamahal kay Dolphy at sa Pelikulang Pilipino.
Nararapat lamang na handungan natin siya ng MGA HULING NGITI mula sa kaibuturan n gating mga puso.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 10, 2912 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Wednesday, March 07, 2012

SALN: ANOTHER "CEDULA"

ISINUSULONG sa Kamara ng mga Representante ang isang panukala na pigilin ang Civil Service Commission (CSC) sa pagpapairal sa bagong porma o format ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Wala naman kasing batas na nagsasabi na idetalye nang todo ang datos sa SALN form.
Kung susuriin, at sa aktuwal na praktis—ang SALN ay isa lamang sa mga rekititus na isinusumite sa CSC mula sa mga opisyal at empleado ng gobyerno.
Walang sinasabing IDETALYE ito nang todo.
Kapag ipinatupad ang ganyang diskarte ng CSC---ang talagang MAPAPAHAMAK ditto ay ang mismong mga matataas na opisyal ng gobyerno.
At imposibleng masunod ito nang husto gaya ng gusto ng marami.
Ang pagsusumite ng SALN ay walang iniwan sa popular na SEDULA o residence certificate.
May batas na nag-aatas sa sedula, pero sino ang SUMUSUNOD na idetalye o ibigay ang espesipikong DATOS sa kita ng indibidwal sa SEDULA.
Ang sedula ay isang mahalaga at maselang dokumento—pero ito ay WALANG PUMAPATOL at alam ng lahat ng mga MAMAMAYAN—na walang nagsasabi ditto ng totoo.
Bakit?
Sapagkat ang SEDULA—ay isang ebidensiya ng MULTIPLE TAXATION—pero kinukunsinte ng gobyerno kahit labag sa Konstitusyon.
Magbabayad ka ng BUWIS sa sedula batay sa INCOME na kinita ng isang tao, pero hindi ba’t duplikasyon ito ng PAGBABAYAD mo rin ng Individual income tax return sa BIR; triplikasyon din ito ng buwis na ibinayad mo batay sa KINITA mo sa negosyo na binuwisan mo naman sa MAYOR’S PERMIT—na kinukuwenta batay naman sa iyong KAPITAL at INCOME.
Ang SALN ay hindi nalalayo sa SEDULA dahil duplikasyon din ito ng detalye sa binayaran mo ITR, detalye sa business income, detalye sa binayaran sa VAT at detalye sa ibinayad sa real property tax.
Kung idedetalte ang iyong assets, expenses at liabilities—MAPUPUNO sa financial data ang SALN—na katulad mismo ng INCOME STATAMENT at FINANCIAL REPORT sa mga negosyo na hinihingi sa mga bangko.
Isang HARING SOLOMON lamang ang makakalutas ng isyu sa SALN.
Kasi’y yung SEDULA—ay hindi na maiayos, yun pang SALN!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 08, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

COUP PLOT, COUP PLAN...COUP PAL

NAGPA-INTERVIEW na sa MEDIA si CJ Renato Corona.
Ito na ang TOTOONG AWAY.

----$$$---
TETESTIGO at haharap sa impeachment trial ang MISIS ni Corona.
Pwesss, baka ang mag-PRESIDE muna ay ang MISIS ni JPE.
Sino kaya ang MAIINGGIT?
He, he, he.

-----$$$---
AYON kay Sen. Ping Lacson: Walang COUP PLOT.
Pero, mayroon daw “COUP PLAN”.
Kung may COUP PLAN, ano ang TAWAG sa mga MAGKAKAIBIGAN na kasama sa COUP PLAN?
Aba, siyempre, sila ang mga “COUP PAL”.

-----$$$--
IBINUNYAG ni ex-NBI director Magtanggol Gatdula na may BANTA sa kanyang buhay.
O, e, di magpa-BANTAY siya sa NBI.

-----$$$---
KAKARAMPOT na 104 KADETE lamang ang nakalusot sa PMA sa taong ito.
Baka NATAKOT sa HAZING.

----$$$---
LOYAL daw kay PNOY ang buong puwersa ng AFP.
Yan nay an mismo ang paulit-ulit na sinabi ng AFP kay dating Pangulong Marcos at dating Pangulong ERAP.
Yan din ang lagging pangako ng AFP kay Tita Cory, pero nakaranas siya ng WALONG TANGKANG KUDETA.

----$$$---
MARSO OTSO po ngayon, mag-INGAT po tayo sa TRAHEDYA.
Epektibo ang babala , hanggang WALONG araw mula ngayon.

-----$$$---
DIREKTANG inakusahan ni Sen. Bongbong Marcos si PNoy na PANG-GULO lang sa impeachment.
Tsk, tsk, tsk.


----$$$---
KINATIGAN ni Sen. Miriam ang PARUSANG “sermon” kay Atty. Vitaliano Aguirre imbes na KULONG dahil sa pagtatakip ng tenga habang nagtatalak siya.
Sa susunod na dumalo yan, baka TAKPAN naman niya ang kanyang “dalawang mata” at sabihin—NAIIRITA siya sa kanya NAKIKITA.
He, he, he.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, March 08, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

COUP PLOT, COUP PLAN...COUP PAL

NAGPA-INTERVIEW na sa MEDIA si CJ Renato Corona.
Ito na ang TOTOONG AWAY.

----$$$---
TETESTIGO at haharap sa impeachment trial ang MISIS ni Corona.
Pwesss, baka ang mag-PRESIDE muna ay ang MISIS ni JPE.
Sino kaya ang MAIINGGIT?
He, he, he.

-----$$$---
AYON kay Sen. Ping Lacson: Walang COUP PLOT.
Pero, mayroon daw “COUP PLAN”.
Kung may COUP PLAN, ano ang TAWAG sa mga MAGKAKAIBIGAN na kasama sa COUP PLAN?
Aba, siyempre, sila ang mga “COUP PAL”.

-----$$$--
IBINUNYAG ni ex-NBI director Magtanggol Gatdula na may BANTA sa kanyang buhay.
O, e, di magpa-BANTAY siya sa NBI.

-----$$$---
KAKARAMPOT na 104 KADETE lamang ang nakalusot sa PMA sa taong ito.
Baka NATAKOT sa HAZING.

----$$$---
LOYAL daw kay PNOY ang buong puwersa ng AFP.
Yan nay an mismo ang paulit-ulit na sinabi ng AFP kay dating Pangulong Marcos at dating Pangulong ERAP.
Yan din ang lagging pangako ng AFP kay Tita Cory, pero nakaranas siya ng WALONG TANGKANG KUDETA.

----$$$---
MARSO OTSO po ngayon, mag-INGAT po tayo sa TRAHEDYA.
Epektibo ang babala , hanggang WALONG araw mula ngayon.

-----$$$---
DIREKTANG inakusahan ni Sen. Bongbong Marcos si PNoy na PANG-GULO lang sa impeachment.
Tsk, tsk, tsk.


----$$$---
KINATIGAN ni Sen. Miriam ang PARUSANG “sermon” kay Atty. Vitaliano Aguirre imbes na KULONG dahil sa pagtatakip ng tenga habang nagtatalak siya.
Sa susunod na dumalo yan, baka TAKPAN naman niya ang kanyang “dalawang mata” at sabihin—NAIIRITA siya sa kanya NAKIKITA.
He, he, he.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, March 08, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

SALN: ANOTHER "CEDULA"

ISINUSULONG sa Kamara ng mga Representante ang isang panukala na pigilin ang Civil Service Commission (CSC) sa pagpapairal sa bagong porma o format ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Wala naman kasing batas na nagsasabi na idetalye nang todo ang datos sa SALN form.
Kung susuriin, at sa aktuwal na praktis—ang SALN ay isa lamang sa mga rekititus na isinusumite sa CSC mula sa mga opisyal at empleado ng gobyerno.
Walang sinasabing IDETALYE ito nang todo.
Kapag ipinatupad ang ganyang diskarte ng CSC---ang talagang MAPAPAHAMAK ditto ay ang mismong mga matataas na opisyal ng gobyerno.
At imposibleng masunod ito nang husto gaya ng gusto ng marami.
Ang pagsusumite ng SALN ay walang iniwan sa popular na SEDULA o residence certificate.
May batas na nag-aatas sa sedula, pero sino ang SUMUSUNOD na idetalye o ibigay ang espesipikong DATOS sa kita ng indibidwal sa SEDULA.
Ang sedula ay isang mahalaga at maselang dokumento—pero ito ay WALANG PUMAPATOL at alam ng lahat ng mga MAMAMAYAN—na walang nagsasabi ditto ng totoo.
Bakit?
Sapagkat ang SEDULA—ay isang ebidensiya ng MULTIPLE TAXATION—pero kinukunsinte ng gobyerno kahit labag sa Konstitusyon.
Magbabayad ka ng BUWIS sa sedula batay sa INCOME na kinita ng isang tao, pero hindi ba’t duplikasyon ito ng PAGBABAYAD mo rin ng Individual income tax return sa BIR; triplikasyon din ito ng buwis na ibinayad mo batay sa KINITA mo sa negosyo na binuwisan mo naman sa MAYOR’S PERMIT—na kinukuwenta batay naman sa iyong KAPITAL at INCOME.
Ang SALN ay hindi nalalayo sa SEDULA dahil duplikasyon din ito ng detalye sa binayaran mo ITR, detalye sa business income, detalye sa binayaran sa VAT at detalye sa ibinayad sa real property tax.
Kung idedetalte ang iyong assets, expenses at liabilities—MAPUPUNO sa financial data ang SALN—na katulad mismo ng INCOME STATAMENT at FINANCIAL REPORT sa mga negosyo na hinihingi sa mga bangko.
Isang HARING SOLOMON lamang ang makakalutas ng isyu sa SALN.
Kasi’y yung SEDULA—ay hindi na maiayos, yun pang SALN!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 08, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Tuesday, March 06, 2012

STOLEN EVIDENCE: BANAL U-MALI?

TATAPUSIN na raw sa Marso 23 ang impeachment trial.
Dios ti angina, adeng.

-----$$$---
2 ROOKIE COPS ang tumakas sa HAZING sa PNP training.
Linsiyak, yung magpapatupad ng ANTI-HAZING ACT ay siya mismong LUMALABAG.
Ano bang klase ng GOBYERNO ini?

-----$$$---
IBINUNYAG ng isang TV network na ang SALN ng mga prosecutors at mga MAMBABATAS ay hindi rin KOMPLETO ang “entries’ at KAPOS ng detalye.
Yung nag-aakusa na GUILTY si CJ Renato Corona sa mali-maling SALN ay GUILTY rin pala sa naturang PAGLABAG.
Ngekkkk, erkk, ek, ekk!

-----$$$---
HINDI parurusahan ng Impeachment Body si Atty. Vitaliano Aguirre na NAGTAKIP ng tenga habang nagtatatalak si Sen. Miriam.
Pwesss, si SEN. MIRIAM ang inyong PINARUSAHAN at ININSULTO mismo.
Kumbaga, BOG, BOG, BOG!!!

----$$$---
TINANGGAP na bilang EBIDENSIYA sa impeachment proceedings ang NINAKAW na dokumento sa bangko.
Kumbaga, ginawang LEGAL ANG PAGNANAKAW.
Uhh, MALI ba yan o BANAL na desisyon?
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
BINIGYAN ng trabaho ni PNOY ang “daddy” ng dalawang lider ng PROSEKUSYON.
AYAWAN na, ayawan naaa, ayy---yoko naaa.
Babawiin ko na ang TAYA koooo!!!
He, he, he.

-----$$$---

AYON sa anak ni Rep. Iggy kay Aleli, ang “MANA” na iiwan ng kanyang ama ay isang DIRTY MONEY.
Kapag napartehan siya, ido-DONATE lang niya ito sa CHARITY.
Huhhh!!!
Lekat.


----$$$--
WALANG daw ebidensiya kaugnay sa KUDETA o banta sa buhay ni PNOY.
Teka, teka, KANGINO na nagmula ang ULAT?
Hindi ba’t sa PANGULO?
Sinungaling ba si PNoy?
Tsismoso ba ang anak ni Tita Cory—at pinaniwalaan ang TSISMIS?
Maloloka ako sa inyo.
Duduguin ako.
Hindi ko na maintindihan ereng buhay na ere ah.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Mar 07, 2012 issue, UNEDITED. C c. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

PREPARE FOR THE BIG BANG

ISA ang patay, marami ang sugatan at gumuho ang ilang gusali nang lumindol sa Bikol kahapon ng umaga.
Namumuro na alinman sa Mindanao at Kamaynilaan.
Kung susuriin, nagsimula ang MALAKAS na lindol sa Negros at nasundan sa Masbate kung saan naroroon ang PINAKAMAHIHIRAP SA PINAKAMAHIHIRAP na mamamayan sa bansa.
Tulad sa Negros, ang mga pinakanagdarahop na mamamayan ay lalo pang nagdarahop ngayon.
Pero, ang pinakamalinaw na babala ditto ay maaaring UMATAKE ang BIG BANG—sa alinman sa MATATAONG lugar sa MetroManila, Davao o Cebu anumang araw.
Dapat ay hindi tumigil ang mga awtoridad sa paglulunsad ng regular na EARTHQUAKE DRILL sapagkat palakas nang palakas ang lindol at palapit nang palapit sa MATATAONG lungsod.
Ngayon pa lamang ay dapat na magsagawa ng IMBENTARYO ng mga kagamitang pang-tungkab ng malalaking GUHO, pagi-istak ng mga pagkain at page-ensayo sa PAGTATATAGO sa mas ligtas na lugar sakaling maranasan ang BIG BANG.
Hindi naman masama na maghanda nang maaga.
Iba na ang nag-iingat.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 07, 2012 issue, UNEDITED. C c. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Monday, March 05, 2012

NEW LAWYER, NEW DOCTOR

ISANG lawyer-accountant daw ang star witness ng DEPENSA sa impeachment trial.
O ano ngayon?
Kahit ba MACHO DANCER-WAITER pa yan, okey lang yan.

----$$$---
NAG-AAWAY pa rin hanggang ngayon sina Aleli at Grace Ibuna sa LABI ni Rep. Iggy.
Nakakahiya ang mga HITAD.

----$$$---
INAMIN ng CHED na wala silang KAKAYAHAN na pigilin ang pagtaas sa singil ng MATRIKULA ng mga kolehiyo at unibersidad.
Inshort, CERTIFIED INUTIL.

-----$$$---
KAY dami ng parak na nasasangkot sa KRIMEN.
Kasi’y tuwing kakapusin sila at NASALAT nila na may BARIL sila…nahihigop silang GUMAWA ng MAPAGKAKAKUWARTAHAN.
Hindi nila MATANGGAP na MAGUTOM gayon MARAMI silang BALA.

-----$$$---
SERYOSO si Manny Pacquiao na tanggapin ang pagiging BIBLE AMBASSADOR ng Simbahang Katoliko.
Ang mabigat, baka sa BIYERNES SANTO ay MAGPAPAKO rin siya sa KRUS pag napasyal sa Paombong, Bulacan.

-----$$$---
NAGPIKET ang mga sinibak na JANITOR sa PUP.
Eh, este sir, PAKILINIS po mabuti ang PICKET LINE.
Salamat po.

----$$$---
BIBILI dawn g BAGONG KOTSE si PNoy.
Nagpatibay agad ng RESOLUSYON ang KAMARA ng mga Representante na nagrerekomenda na “BOMB-PROOF” ang bilhin ng Malacanang.
He, he, he.

---$$$---
MATAPOS mag- No. 10 sa BAR exam ang isang 63-anyos na law student, isa pang 63-anyos medical student ang nakapasa sa BOARD EXAM para sa mga BAGONG DOKTOR.
Hindi kaya yung MATANDANG bagong abogado ay siyang DUDOKTOR sa mga ARGUMENTO?
At hindi rin kaya yung matanda na bagong DOKTOR ay siyang MAGSISINUNGALING sa mga PASYENTE.
Biro lang po!!!
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Mar 06, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

INANG KALIKASAN GINAGAHASA

KINOKONTRA ng mga environmentalists ang mining exploration sa pagsasabing dapat na igalang ng mga dambuhalang kapitalista ang kalikasan at igalang din ang mga local government units na siyang tuwirang may hurisdiksiyon sa mga ito.
Sa pinakahuling ulat, idinemanda ng Municipal Tribal Council ng Tubay, Agusan del Norte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang SR Metals, Inc., isang large scale mining firm dahil sa paglabag sa Mining Act of 1995.
Hiniling ng mga katutubo kay DENR Sec. Ramon Paje na patigilin ang mining at quarrying operations sa Brgy. La Fraternidad, Tubay dahil nanganganib ang kaligtasan ng mga residente.
Kinukuwestiyun din ang ginawang pagsasarado sa Tubay national secondary coastal road kung saan ang nakikinabang ay ang naturang mining firm na pag-aari ni Edgar Erice, bise alkalde ng Kaloocan City.
Hindi rin “pinararaan” ng mining firm sa naturang isinaradong kalye ang mga residente at maging mga LGU executive sa hindi malamang dahilan.
Ibinunyag ng tribal council na nago-operate ang SRMI mula pa noong 2005 dahil kinukunsinte ito ng matataas na opisyal ng gobyerno.
Kinondena rin ng mga local executives sa pamumuno ni Tubay Mayor Sadeka Garcia Tomaneng ang mapagwasak na aktibidad, hindi lamang ng SRMI kundi maging ng iba pang mining firms sa Surigao del Norte tulad ng Taganito Mining Corp.; Platinum Group Metals Corp.; at Claver Mining Corp.
Isinisisi sa mga naturang mining firms ang malalaking pagbaha at pagguho ng lupa sa Surigao at Agusan del Norte kung saan kumikita umano ang SRMI ng P4 bilyon kada taon pero hindi nagawang bayaran ang kaukulang buwis sa municipal at provincial government.
Pinaniniwalaang kinakalong ng Malacanang ang may-ari na si Erice na isa sa lider ng Liberal Party sa bansa bagaman, batay sa aerial survey ng Mines and Geoscience Bureau ay nagbunsod ng pagkasira ng kapaligiran ang mining activities at sanhi rin ng pollution sa lalawigan.
Kung paano at kung kailan ito mareresolba, walang malinaw na sagot.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 06, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Sunday, March 04, 2012

WILD, WILD, WILD PHILIPPINES

HINDI magsasawa ang media na isigaw sa mga awtoridad na nararanasan ng bansa ang tinatawag na “BREAKDOWN OF LAW AND ORDER”.
Opo, wala nang batas na umiiral.
Kahapon lamang ay piñatay ang isa pang estudyante sa UP Los Banos ng talamak na riding in tandem.
Hindi magsasawa ang mamamahayag na buligligin ang pulisya at military na may nararanasang “kawalan ng batas, hindi lang sa MetroManila at Luzon bagkus ay maging sa Visayas at Mindanao na sinasabayan ng mga nakakarimarim na pagpapakamatay, pagkabaliw at karumal-dumal na masaker sa mga simpleng motibo lamang ng mga suspek.
Sa MetroManila, kaliwa’t kanang ang holdap at pumapatay ang mga suspek, kaliwa’t kanan din ang napupulot na salvage victims na tulad sina sa nararanasan sa ibang bahagi ng Luzon at Bisayas.
Sa Mindanao, halos araw-araw ay may sumasabog na bomba at hindi natutukoy at hindi naaaresto ang mga suspek.
Sumasabay ditto ang hindi maawat na pagtaas na presyo ng mga bilihin at serbisyo kung saan marami rin ang nawawalan ng hanapbuhay at sumasala sa oras.
Nakikisayaw sa problema ang hindi rin mapigil na araw-araw na brownout sa iba’t panig ng Mindanao, Bisayas, Mindoro at Marinduque na nagpapalala ng sitwasyon sa mga liblib na lugar.
Ang mga nahuhuling suspek sa pagnanakaw ay umaamin sa kasalanan sa katwirang NAGUGUTOM ang kanilang pamilya.
Sa kabilang panig, abala ang mga pambansang lider, hindi sa paghahanap ng SOLUSYON upang magkaroon ng hanapbuhay ang nagdarahop at hindi rin upang pigilin ang mataas na presyo ng bilhin, bagkus ay kung PAANO mapaghihigantihan at masisibak sa puwesto ang KATUNGGALING politico.
Sa ngayon, walang solusyon tayong nakikita kung paano masasagip sa kahirapan ang mayorya ng mga mamamayan, pero wala ring linaw kung magtatagumpay ang mga NAGHAHARING-URI sa kanilang motibo na paghigantihan ang mga mga kalaban sa poder.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 05, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

LINTEK, ATIBAPA

GUMAGRABE na ang sitwasyon sa Syria.
Kapag sumaklolo ditto ang Iran, baka BOMBAHIN na sila ng ISRAEL.
Iyan ay isang MASAMANG PANGITAIN.
Magsimula na tayong magdasal.

-----$$$---
WALANG iisang gobyerno ang Libya.
Natutulad na sila sa SOMALIA.
Nagkakahati-hati ang bansa sa “bawat” WARLORDS.

----$$$---
NO comment ang Malacanang at MEDIA kaugnay ng ulat na naka-BALIK na sa Maynila ang founding leader ng CPP-NPA-NDF na si JOMA SISON.
Tameme lang si political adviser Ronald Llamas.

----$$$---
MAY PABALITA na hindi na si Ka Joma ang kinikilalang lider ng mga KOMUNISTA sa Pilipinas.
Nasapawan na raw siya ng mag-asawang BENITO TIAMSON.
Totoo kaya ito?

------$$$---
DEDMA lang ang awtoridad sa HALOS ARAW-ARAW na pambobomba sa iba’t ibang lugar sa MINDANAO.
Under-control pa daw ito.
Yun ang SABI nila.

-----$$$---
AABOT sa P1,000 ang presyo kada tangke ng LPG.
Lintekkk!!!

-----$$$---
HUMIHINGI ng P50 TAAS sa UNANG TIKLADO ng metro sa TAXI.
Isa pang LINTEK.

-----$$$---
LOLOBO rin ang matrikula sa mga pribadong eskuwelahan.
Ikatlong LINTEK.

-----$$$---
BIBILHIN ni Manny Pangilinan ang GMA 7 TV station.
Bakit KILALA kaya niya kung sino ang TUNAY na MAY-ARI niyan, aber?

-----$$$---
MAY nag-text: Hindi daw kaya MAGTATARAY din si Sen. Miriam sa INTERNATIONAL COURT OF JUSTICE?
Diyan na matatapos ang kanyang CAREER.
Waahhhhh!!
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Mar 05, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

WILD, WILD PHILIPPINES

HINDI magsasawa ang media na isigaw sa mga awtoridad na nararanasan ng bansa ang tinatawag na “BREAKDOWN OF LAW AND ORDER”.
Opo, wala nang batas na umiiral.
Kahapon lamang ay piñatay ang isa pang estudyante sa UP Los Banos ng talamak na riding in tandem.
Hindi magsasawa ang mamamahayag na buligligin ang pulisya at military na may nararanasang “kawalan ng batas, hindi lang sa MetroManila at Luzon bagkus ay maging sa Visayas at Mindanao na sinasabayan ng mga nakakarimarim na pagpapakamatay, pagkabaliw at karumal-dumal na masaker sa mga simpleng motibo lamang ng mga suspek.
Sa MetroManila, kaliwa’t kanang ang holdap at pumapatay ang mga suspek, kaliwa’t kanan din ang napupulot na salvage victims na tulad sina sa nararanasan sa ibang bahagi ng Luzon at Bisayas.
Sa Mindanao, halos araw-araw ay may sumasabog na bomba at hindi natutukoy at hindi naaaresto ang mga suspek.
Sumasabay ditto ang hindi maawat na pagtaas na presyo ng mga bilihin at serbisyo kung saan marami rin ang nawawalan ng hanapbuhay at sumasala sa oras.
Nakikisayaw sa problema ang hindi rin mapigil na araw-araw na brownout sa iba’t panig ng Mindanao, Bisayas, Mindoro at Marinduque na nagpapalala ng sitwasyon sa mga liblib na lugar.
Ang mga nahuhuling suspek sa pagnanakaw ay umaamin sa kasalanan sa katwirang NAGUGUTOM ang kanilang pamilya.
Sa kabilang panig, abala ang mga pambansang lider, hindi sa paghahanap ng SOLUSYON upang magkaroon ng hanapbuhay ang nagdarahop at hindi rin upang pigilin ang mataas na presyo ng bilhin, bagkus ay kung PAANO mapaghihigantihan at masisibak sa puwesto ang KATUNGGALING politico.
Sa ngayon, walang solusyon tayong nakikita kung paano masasagip sa kahirapan ang mayorya ng mga mamamayan, pero wala ring linaw kung magtatagumpay ang mga NAGHAHARING-URI sa kanilang motibo na paghigantihan ang mga mga kalaban sa poder.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 05, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Saturday, March 03, 2012

A GUN FOR SEN. MIRIAM

SABIT na sabit ang BANGKO SENTRAL ng Pilipinas sa PAGNANAKAW ng dokumento sa PSBank.
Iyan po ang IMAHE ng mga FINANCE executive ng bansa.
Hindi mapagkakatiwalaan.

-----$$$---
NAGDEBATE ang mga MINING executives at ENVIRONMENTALIST kung dapat o hindi dapat LINANGIN o gawing INDUSTRIYA ang pagmimina.
Ibig sabihin, ipagbawal ang PAGMIMINA kahit may NAGUGUTOM na mga walang trabaho.
Kapag ganyang pinag-aawayan ang pagmimina, NAG-AAWAY lang mga iyan sa pag KONTROL sa mining industry.
Mga suwapang lahat yan eh.

-----$$$---
NAIIPIT ngayon si Rep. Neil Tupas na lider ng prosecution panel sa impeachment proceedings.
Sinisisi siya sa KAPALPAKAN.
Nakikiramay po tayo.

-----$$$---
MAY naimbentong “SPEECH-JAMMING GUN” ang mga Japanese experts.
Puwede daw itong gamitin sa mga LIBRARY upang mapatahimik ang sinumang may MAINGAY na boses.
Isang klase ito ng BARIL na nakatutok sa espesipikong tao na PINAGMUMULAN ng ingay.
Hindi po totoo na UMORDER na ng ilang PIRASO ang prosekusyon upang “IPAMBARIL” kay Sen. Miriam tuwing MAGTATALUMPATI sa IMPEACHMENT TRIAL.
He, he, he.

----$$$---
MUKHANG magkiklik ang naturang “speech-jamming gun” .
Puwede ring kasi itong gamitin kontra sa mga maiingay na nagpo-PROTESTA sa Maynila.
Mas mainam yan kaysa sa TOTOONG BARIL noh.

----$$$---
INAMIN ni US President Barrack Obama na SASALAKAYIN din nila ang IRAN kapag nakumpirma na gumagawa ito ng NUCLEAR ARMS.
Malinaw.
Period.

-----$$$--
ANG problema sa US, yan din ang ginawa nila kay Iraq president Saddam Hussein.
Inakusahan nila at kinumpirma na nagtatago ng WEAPONS-FOR-MASS DESTRUCTION pero napatunayang WALANG KATOTOHANAN.
Binomba, sinakop, at pinatay ang mga SIBILYANG IRAQIS sa AKUSASYONG mali at INIMBENTO ng US.
Kahit nagkamali, nagsinungaling ang US, hindi sila NAPARUSAHAN bagkus ay NINAKAW nila ang OIL SUPPLY ng Iraq.
Isang kasalanang WALANG NAGBUBUNYAG at kumokondena.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Mar. 04, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editosdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

MINING: TORN BETWEEN TWO EVILS

NAGDEDEBATE ang mga mining industry leaders at mga environmentalist kaugnay kung ano ang ipaprayoridad: Bungkalin ang mga mineral deposits upang magkapera at umunlad ang bansa o panatiliin itong nakatengga upang maproteksiyunan ang Inang Kalikasan.
Nag-aaway ang mga lider na mga sosyal na pareho lang MAPAGKUNWARI at ipokrito’t ipokrita.
Yung mga nagbubunsod na dapat palayain na mabungkal ang MINAHAN ng ginto, bakal at iba pang mineral sa mga kabundukan ay mga SAKIM sa negosyo kung saan sila-silang ehekutibo lamang at kapitalista ang MAGKAKAMAL—pero hindi ang ordinaryong OBRERO.
Ang yayaman sa PAGMIMINA ay ang mga dati nang MAYAYAMAN, pero hindi kailan man ang ordinaryong mamamayan ng bansa.
Sa kabilang panig, ang mga lider ng environmentalist movement ay karaniwang nakabalatkayo at tinutustusan din ng mga FOREIGN INTEREST GROUP na naaagawan lamang ng OPORTUNIDAD na makapagbungkal din ng likas na yaman ng bansa.
Ibig sabihin, kinokontra nila ang kasalukuyang liderato o negosyanteng nakakorner ng KONTRATA—sapagkat hindi ang kanilang grupo ang NAPABORAN ng kasalukuyang administrasyon.
Kumbaga, delaying tactics sila gamit ang mga ENVIRONMENTALISTS upang sa pagpapalit ng administrasyon sa 2016—ay sila naman ang MAKAKORNER o makaagaw ng KONTRATA sa pagdedebelop ng mga minahan sa KABUNDUKAN ng Pilipinas.
Ibig sabihin, wala tayong TULAK-SIPAIN sa mga nag-aaway na pare-parehong lang SAKIM at SUWAPANG sa oportunidad sa pagnenegosyo.
Suriin ninyo kung ANONG PALAKAD sa negosyo mayroon ang DALAWANG magka-DEBATE—pareho lang silang UMAALIPIN sa mga obrerong hindi nabibigyan ng permanenteng trabaho at BENEPISYO sa paggawa.
Ipokrito’t ipokrita lamang ang mga iyan—parehong hindi dapat paniwalaan.
Sa madaling salita, wala tayong maaring piliin—sa dalawang magnanakaw o sinuman sa dalawang kampon ni Taning.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar. 04, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editosdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Friday, March 02, 2012

DRIVERS, CONDUCTORS, AND THE HOLDAPERS

ISANG ballot vendor ang INARESTO dahil sa pagbebenta ng SHABU.
Baka matumal ang benta ng SHABU sa kanyang SARI-SARI store kaya INILAKO niya.
He, he, he.

-----$$$---
TEKA, yung bang VENDOR na nagbebenta sa loob ng mga BUS ay sigurado kayong totoong vendor?
Marami dyan ay “ALAJERO”.
Ano ang “ALAJERO”?
Ang “alajero” ay ang tao na marunong KUMILATIS ng alahas.
Kumbaga, eksperto ang mga yan na KUMILATIS ng white gold sa stainless at genuine sa fancy.
Pag NAISPATAN na totoong GINTO ang alahas mo, ititimbre ka sa ISNATSER at HOLDAPER na magsisiakyat naman upang BANTAYAN at sundan ka kahit saan ka magpunta.
Yung ibang KONDUKTOR at BUS driver—ay KAKUTSABA ng mga magnanakaw.
Yan ang SIDELINE nila.

-----$$$---
KAKUTSABA rin ang ilang BUS driver at konduktor ng mga MANLALASLAS ng bulsa lalo na sa mga BUMIBIYAHE sa gabi at INAANTOK.
Kapag pakadyot-kadyot ang BUS, nagpapraktis lang ang drayber.
Pero, mas MALAMANG na may “kasalukuyang nilalaslasan o dinukutan” kapag pag-KADYOT-KADYOT ang takbo ng bus.
Ito ay upang hindi mahalata na HINIHIWA ng bagumbagong BLADE ang inyong bulsa o bag—pang-agaw kasi yung ng ATENSIYON at mawala ang isip sa inyong likuran o bag.
Kailangang kasing KUMITA nang ekstra ang mga bus driver at konduktor.

----$$$--
PERO ang pinakatalamak ay ang HINDI PAGSUSUKLI sa ibinayad na P100; P200; P500 o P1,000 bills.
Magkukunwari ang mga konduktor na WALANG BARYA—hanggang sa malimutan mo ang SUKLI.
Puwedeng gumawa ng eksena ang DRIVER na pang-agaw ng atensiyon para MALIMUTAN mo ang sukli.

----$$$--
MARAMI rin sa mga bus driver at konduktor ay naka-SHABU.
Ang shabu kasi ay panlaban sa ANTOK at PUYAT—para diretso ang RILYEBO.
Dahil naka-SHABU, madalas MABANGGA at uminit ang ULO ng mga drayber at konduktor.

-----$$$---
SA totoo lang, dahil araw-araw sa kalye ang bus at konduktor, KILALANG kilala ng mga ito ang mga MANDURUKOT at holdaper.
Marami sa kanila ay naging kaibigan na mga HOODLUMS.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Mar 03, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

MOST POWERFUL WOMEN:AN HONOR OR A CURSE?

KINILALA ng Forbes Magazine ang isang TSINAY na may-ari ng PINAKAMALAKING MALL sa Asia bilang isa sa pinakamakapangyarihang babae sa buong daigdig dahil sa sobrang kayamanan.
Hindi ito nakakatuwa.
Hindi nakakatuwa sapagkat ang kanyang KAYAMANAN ay nagmula sa pagsupsup sa pawis at dugo ng mga obrerong Pinay din na iginapos nila sa KONTRAKTUWALISASYON.
Araw-araw ay ninanakaw ng kanilang chain of malls ang “suweldo” ng mga obrerong dapat ay nabibiyaan nang MAS MAAYOS na suweldo at PERMANENTENG TRABAHO.
Pero, hindi rin masisisi ang PINAKAMAYAMANG BABAENG ito sapagkat ang labor laws ay ipinaiiral ng isa ring BABAE ay pabor sa MAY NEGOSYO kaysa pabor sa mga obrero.
Pero, hindi malayong ang kayamanang ipinagyayabang ay binabawasan din ng bilyong pisong pang-TONGPATS sa mga labor arbiters upang maipagtuloy ang PANG-AALIPIN sa libo-libong obrero sa buong bansa.
Hindi nakakatuwa na ang BABAENG ito ay pinakamayaman sa Asya dahil ang kanyang KAYAMANAN ay simbolo ng kaapihan ng mga manggagawa sa ating bansa.
Ilang libong babae ang pinagkaitan nila ng “maternity benefits” dahil sa PESTENG kontraktuwalisasyon?
Ilang sanggol ang nagkasakit at namatay sapagkat walang benepisyo ang kanilang INA habang inaalagaan ang bunso?
Ilang obrero ang natanggal sa trabaho matapos madeklarang “ENDO”, at ilang paslit ang nagutom at hindi nakapag-aral dahil hindi na-renew sa IKAAPAT NA PAGKAKATAON ang kontrata ng kanilang ama?
Nakakakilabot ang karangalang ito.
Isa itong kahihiyan at kasuklam-suklam sa gitna ng pagdarahop ng mga obrerong Pinoy.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 03, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Thursday, March 01, 2012

PROSECUTOR: A LIVING DEAD

PINAKAPOPULAR na “kataga” ngayon ang “GAGO”.
At “WAAAH”.
Hindi po “BUBBLE GANG” ang nagpa-USO niyan.
Ang mga kataga ay orihinal na PATENTED ng IMPEACHMENT BODY.
Hay buhayyyy!!!

-----$$$---
MATAPANG si Sen. Miriam, pero tulad ng inaasahan, nagkaroon siya ng KATAPAT.
Iyan ay isang NORMAL na babala sa MATATARAY.
May pagkakataon na mayroon din kayong MAKAKATAPAT.
Kumbaga, PASENSIYAHAN na lang.

-----$$$---
HINDI nagsisisi si Atty. Vitaliano Aguirre.
Sinadya daw niya yun, kasi naman daw ay TALAGANG nagpapanting ang kanyang TENGA kaya’t tinatakpan niya tuwing MAGTATALAK si Madame Miriam.
Matagal na nating ipaalaala yan sa kolum na ito na ang impeachment body ay hindi malayong mauwi sa AWAY-PALENGKE, kapag hindi malinaw kung “ANO TALAGA” ang kanilang NATURALESA o “identity”.
Sa aktuwal na pangyayari, makikita natin—na wala sa “impeachment body” ang RANGYA, KALIDAD at pagiging KAGALANG-GALANG tulad sa isang totohanang HUKUMAN---kaya’t hindi sila matatawag na IMPEACHMENT COURT tulad ng gusto nilang “gamitin” sa media.
Hindi kasi nila IGINAGALANG ang mga “tao” na gumagalang sa kanila.
Ano ang kinauwian?
Sa totohanang “hukuman” na pinangangasiwaan ng MAHISTRADO o TOTOONG HUKOM o HUWES—hindi magaganap ang “ganyang away palengke” na kariringan ng mga katagang “GAGO at WAAAH”.

----$$$---
KUNG tayo ang titingin, tulad din sa nabanggit natin sa kolum na ito, ang kaguluhan at repleksiyon ay RESPONBILIDAD ni PRESIDING JUROR na umaktong TAGAPAMAGITAN o “referee”.
Kumbaga sa laro, hindi “naagapan” ng REFEREE o presiding juror ang “FLAGRANT FOUL” o “below the belt” na suntok—tulad ng PAGTATARAY, pangi-IINSULTO at PAGTAKIP ng tenga.
Dapat ay yung mga ALALAY ni Enrile ang nakakita ng “pagtakip ng tenga o aktuwasyon ng pambabastos” at si Enrile din ang magpapayo na “huwag ISMOLIN o INSULTUHIN—kung “TATANGA-TANGA” man ang PROSEKUSYON.
Kung inako ni Enrile ang responsibilidad sa “pagtanggap ng pekeng bank documents” na NINANAKAW lang sa PSBank, dapat ay AKUIN din niya ang “BASTUSAN BLUES’ nina Aguirre at Miriam.

-----$$$--
MAY katwiran si Sen. Miriam, pero may katwiran din si Aguirre.
Malinaw ang kanyang DEPENSA, kung gusto ninyong IRESPETO kayo, IRESPETO din ninyo ang mga taong nais ninyong respertuhin kayo.
Pero, may nag-text sa ating kagabi:
May nilalabag ba kapag YINURAKAN mo ang pagkatao ng isang indibidwal?
Ang sagot ko ay mayroon po.
Nilabag niya ang BATAS sa MORALIDAD at ang binabanggit ni Atty. Aguirre na “PAGGALANG SA PAGKATAO” ng indibidwal.
Sa ating pagsasaliksik, napukaw ang atensiyon ko ang terminong “MORAL TURPITUDE” na isang grave misconduct sa isang CIVIL SERVANT.
Ano ang kaso na may MORAL TURPITUDE?
Ito ay ang pambabastos o pagwasak ng PAGKATAO ng kapwa tao.
Ayon sa doktrina, ang TAO—ay may MORAL, at ang MORAL ng tao, kapag yinurakan at inalisan mo ng respeto sa kanyang sarili—katumbas nito ay halos PINATAY mo na rin ang kanyang PISIKAL na katawan.
Ang indibidwal—o ang tao---ay HINDI lamang PISIKAL, bagkus mayroon siyang “PAGTAO” o ISPIRITU ng dignidad at reputasyon
Grave misconduct ang paglabag sa MORAL TURPITUDE—sapagkat PINAPATAY mo ang “pagkatao” ng isang TAO kapag binastos mo, bagaman buhay siya—pero “PATAY” ang kanyang pagiging “TAO”.
Paano pa siya makaka-PAMUHAY sa gitna ng mga tao kung sinisigawan mo ng “GAGO”—na hindi isang sakit ng katawan, kundi isang sakit sa KALULUWA.
Sana ay maunawaan ito ng lahat.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Mar 02, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

LPG PRICE: SINTAAS NG LANGIT

MALAPIT nang umabot sa P1,000 ang presyo kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).
Dedma lang ang Malacanang at Department of Energy (DoE).
Hindi man lamang mabigyan kahit konting pankonsuwelo-de-bobong pahayag kung bakit hindi mapigil ang pagtaas ng presyo.
Kung walang epekto sa SIKMURA ng ordinaryong tao ang impeachment proceedings, direktang apektado ang LIKMUAN ni Juan sa presyo ng LPG.
Tataas ang presyo ng mga lutong ulam sa kalye.
Kahit ang mga mamamayan ay tumaas ang budget sa araw-araw dahil sa LPG kasi’y ito ang pinakapopular na PANGGATONG sa pagluluto.
Marami na ang nag-iisip na gumamit na lamang ng ELECTRIC STOVE—na magpapalobo naman ng konsumo sa elektrisidad at delikadong maging SANHI ng sunog lalo pa’t inoobserbahan ang Buwan ng pagkontra sa Sunog ngayong Marso.
Marami na ang lumipat sa paggamit ng ULING kung saan, mauubos naman ang mga PUNO sa kagubatan dahil mapupuwersa ang mga nasa tabi ng bundok na MAGKAINGIN dahil sa lakas ng DEMAND sa panggatong.
Tuliro na ang ordinaryong Pinoy dahil sa kaliwa’t kanang paglobo ng presyo ng produktong petrolyo, pero walang maayos na paliwanag ang mga KINAUUKULAN.
Bakit kaya?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 02, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
-----30----

Wednesday, February 29, 2012

PAGCOR: R.A. 6713'S EXEMPTION

MARAMI ang nagugulat kung bakit INABSUWELTO ng Malacanang at Kongreso si Pagcor chief Bong Naguiat gayung inamin nito na tumanggap siya ng pribilehiyo mula sa isang dayuhang casino magnate.
Malinaw na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 6713 ang gayung aksiyon at desisyon ni Naguiat kung saan inamin mismo nito ang pangyayari.
Narito ang aktuwal na texto ng naturang batas at Malaya ang taumbayan na humusga kung lumabag o hindi si Naguiat:
“RULES IMPLEMENTING THE CODE OF CONDUCT AND ETHICAL
STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES.
Rule X, (f) Soliciting or accepting, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value which in the course of his official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of, his office. The propriety or impropriety of the foregoing shall be determined by its value, kinship or relationship between giver and receiver and the motivation. A thing of monetary value is one which is evidently or manifestly excessive by its very nature.”
Hindi na kailangan pa ang anumang opinion dyan dahil madali lang naman unawain ang naturang probisyon ng batas.
Ang opinion ngayon ay nakapokus kung ANONG BIYAYA ANG NATANGGAP o ANONG BIYAYA ANG MATATANGGAP ng mga miyembro ng Kongreso na umabsuelto at umaaktong ABOGADO ng PAGCOR chief?
Isang tanong: Nasaan ang TUWID NA DAAN? Nasaan?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

ANOTHER ASTEROID COMING CLOSE TO EARTH

KINUMPIRMA ng mga scientists na ISANG ASTEROID ang TATAMA sa earth sa year 2040.
Huhhh, panibagong ASTEROID ito bukod sa NAUNANG namataan.

-----$$$--
BINABALAK ng mga eksperto na PASABUGIN ito gamit ang NUCLEAR BOMB bago pa makarating sa atmospera ng DAIGDIG.
Ang problema, imbes na ISANG DAMBUHALA, tatamaan ang mga bansa ng LIBO-LIBONG FRAGMENTS na kasinglalaki ng BASKETBALL COURT an gating IILAGAN.
Linsiyak, daig pa natin ang SINABUGAN ng nuclear.
Iyan ay isang MASAMANG balita.
Nagkakamali sana ang mga NAGPALABAS ng ulat.

-----$$$---
WALANG UP students ang NAPASAMA sa TOP TEN sa resulta ng bar exams.
Bakit kaya?

-----$$$---
MALILIPASAN na rin ng USO ang “TEXT” messaging.
Mapapalitan ng tinatawag na “chat-ON”.
Ibig sabihin, matutulad ang text messaging sa nalaos at naluging “POCKETBELL” o “EASY CALL”.
Kasi’y may MURA at mas OKEY ang “CHAT-ON” sa mga cellphone.
Imbes na mahabang text, aba’y i-TSIKA o IBULONG mo na lang sa CHAT-ON ang iyong mensahe.

-----$$$--
PAREHONG hindi dumalo sa GRAND RALLY ng Iglesia ni Cristo sina PNoy at CJ Corona.
Malaki ang TAMA nila dyan.
Kasi’y sakaling dumalo sila doon at nagkatabi: Malamang na MAGSABUNUTAN lang sila.
He, he, he.

----$$$---
PAREHONG payag sina Pareng Erap at Sen. Ping Lacson na MAG-BATI na.
Kumbaga, “ON” sila uli gaya ng dati.

-----$$$---
IMPOSIBLE nang maglaban sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Nagkakapersonalan na kasi sila eh.
Insulto ang isinasagot ni Mayweather sa pagpapakumbaba ni Pacman.
Pag NAGUTOM yan, BIBIGAY din yan.
He, he, he.

-----$$$--
MARAMI ang nagdarasal na matuloy sana ang laban nina Mercelito Gesta ng Mandaue, Cebu at Juan Manuel Marquez ng Mexico sa isang LIGHTWEIGHT championship bout.
Sige, labanan mo pare, PAGKAKATAON mo nay an.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, March 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

PAGCOR SA TUWID NA DAAN?

MARAMI ang nagugulat kung bakit INABSUWELTO ng Malacanang at Kongreso si Pagcor chief Bong Naguiat gayung inamin nito na tumanggap siya ng pribilehiyo mula sa isang dayuhang casino magnate.
Malinaw na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 6713 ang gayung aksiyon at desisyon ni Naguiat kung saan inamin mismo nito ang pangyayari.
Narito ang aktuwal na texto ng naturang batas at Malaya ang taumbayan na humusga kung lumabag o hindi si Naguiat:
“RULES IMPLEMENTING THE CODE OF CONDUCT AND ETHICAL
STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES.
Rule X, (f) Soliciting or accepting, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value which in the course of his official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of, his office. The propriety or impropriety of the foregoing shall be determined by its value, kinship or relationship between giver and receiver and the motivation. A thing of monetary value is one which is evidently or manifestly excessive by its very nature.”
Hindi na kailangan pa ang anumang opinion dyan dahil madali lang naman unawain ang naturang probisyon ng batas.
Ang opinion ngayon ay nakapokus kung ANONG BIYAYA ANG NATANGGAP o ANONG BIYAYA ANG MATATANGGAP ng mga miyembro ng Kongreso na umabsuelto at umaaktong ABOGADO ng PAGCOR chief?
Isang tanong: Nasaan ang TUWID NA DAAN? Nasaan?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Tuesday, February 28, 2012

Habang may INC Rally: CORONA NASABAT SA AIRPORT

NAG-SHOW OF FORCE kahapon ang Iglesia Ni Cristo.
Para saan?

-----$$$---
HINDI raw nababahala ang Malacanang sa prayer rally ng INC.
Pero, IDINARASAL ni PNOY na huwag itong MAUWI sa POLITICAL RALLY.

----$$$---
BINABATI natin ang LAHAT ng nagdiriwang ng BIRTHDAY sa araw na ito, PEBRERO 29—minsan lang yan tuwing APAT NA TAON.
Leap year kasi ngayon.


-----$$$---
ANO ang ibig sabihin ng leap year?
Una, tuwing LEAP YEAR ginaganap ang OLYMPIC GAMES.
Ikalawa, sabi sa “pamahiin” MALAPIT daw ang GIRLS sa BOYS.
Ikatlo, tumagal nang “isang araw” ang suweldo, dati rati kasi ay petsa 28 eh.
He, he, he.

-----$$$---
MAY lumabas na “OLD PHOTO” sa facebook na magkasabay na UMABAY sa isang kasal ang BANK MANAGER at si Rep. Neil Tupas na ikinaila niya na KAKILALA niya.
Kantiyaw ng klasmeyt kong si Abby: WALANG LIHIM na nananatiling SECRET.
Yung lang daw “secret” ang mananatiling secret.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
PUMASA sa board exam ang may 1,913 ABOGADO.
Panibagong 1,913 na SINUNGALING.

----$$$---
HINAMON ng “suntukan” ni Rep. JV Ejercito si Floyd Mayweather Jr.
Baka gusto niyang kumandidatong SENADOR.
Hindi po si Mayweather ang kakandidato, si Rep. JV po.
Hayaan na natin siya.

----$$$---
NAANTALA ang biyahe sa DEPARTURE AREA ng NAIA ni Bourne Legacy actor Jeremy Renner.
Nakumpiska kasi sa BAG ng kanyang “alalay” ang isang POSPORO na ipinagbabawal sa loob ng eroplano.
Hindi sinabi sa ulat kung ang TATAK o “brand name’ ng posporo ay “CORONA”.
Kung nagkagayun, magandang HEADLINE yan: “CORONA” pinigil sa PALABAS NG AIRPORT.
May kicker pa sa ibabaw: “Habang nagpa-prayer rally ang INC: CORONA NASABAT SA AIRPORT.
Ha! Ha! Ha!
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 29, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
----30---

2016 DERBY: BINAY, AN EARLY BIRD

PAKTAY kang bata ka.
Dumeklara na si Bise Presidente Jejomar Binay na kakandidato siyang PRESIDENTE sa 2016.
Paano ngayon yan?
Ibinisto na ang BARAHA.
Ikinatwiran ni Binay na ayaw niyang maging ipokrito o MAPAGKUNWARI kaya prinangka niya ang mga dumalo sa isang pulong.
Ipinagyabang agad niya na siya ay loyal sa kanyang partidong PDP-Laban.
Nagaganap ito kasabay ng isa ring ulat na ang kasong impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona ay isang “dry run” lamang o “buwelo” lamang sa isang mas maselang impeachment complaint na isusunod ng Liberal Party: Impeachment laban kay Binay.
Kumbaga sa duelo ng mga Cowboys sa Wild, Wild West, inunahan na ni Binay sa PAGBUNOT ng baril ang kanyang mga lihim na kaaway.
Prestoo, anumang klase ng kaso ang PASINGAWIN ng kanyang mga katunggali, ay tiyak na mabilis niya itong masasalag.
Talagang alisto si Rambotito!
Pero, may masama ring implikasyon ito.
Kasi’y kung maaga siyang nagdeklara tulad ni Sen. Manny Villar sa 2010 presidential derby ay baka MAUBUSAN siya ng bala.
Sa karera ng kabayo o mga siklista, nahihirapang umabot sa finish line ang MAAGANG rumiremate o nagbe-break away—hindi malayong MASUNOG siya o pupugin ng mga KALABAN kaya’t papasanin niya ang MATINDING PRESSURES sa kumpetisyon.
Pero ang deklarasyon ni Binay ay direktang HAHATI sa lideratura sa Malacanang na pininiwalaang kontrolado ni DOTC Sec. Mar Roxas—ang mortal na kaaway ng bise presidente sa politika.
Anu’t anuman, apektado ang ADMINISTRASYONG AQUINO—sa deklarasyon ng dating mayor ng Makati.
Hindi lang si Corona kalaban nila, maging si Rambotito na rin!
Yung ibang presidentiables, walang ibang gagawin kundi ang MANOOD MUNA—bago umakyat sa ibabaw ng lona.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 29, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Monday, February 27, 2012

AMAY BISAYA AS ST. PEDRO CALUNGSOD

MALABO pang maiuwi sa Maynila ang LABI ni Rep. Iggy.
Iba talaga ang MAGANDANG lalaki.
Iba rin ang may KUWARTA—lalo’t hindi mo alam kung KANGINO talaga.
He, he, he.

-----$$$---
DADALAW si Ate Glo sa BUROL ng kanyang BAYAW na si Jose Pidal.
Mainam naman.
Para makabayad siya sa “SAVIOR” ng kanyang MISTER.

------$$$---
PERO, paalala lang sa mga SISILIP sa LABI ni Rep. Iggy, “PIRMA” po kayo sa “VISITOR LIST”.
Huwag na huwag po ninyong PEPEKEIN ang inyong lagda.
Please lang po.

-------$$$---
WALA palang “available” na litrato si Pedro Calungsod na idineklarang SANTO ng Vatican City.
Kasi po ay hindi pa uso ang KODAK noon.
Wala ring mahusay na PINTOR nang siya ay mag-KATEKISTA sa ibang bansa.
Ngayon, unang binalak na KOPYAHIN na lang daw ang litraro ng isang BASKETBALL STAR.
Pero, sa totoo lang, marami ang NAGREKLAMO.
Paano daw siya MATAIMTIM na magdarasal kapag ang DADASALAN niya ay isang BASKETBALL HERO?
Imbes na BIYAYA, baka IHAGIS sa kanya ay BOLA.

----$$$---
BINABALAK ng Simbahang Katoliko na IMODELO na lang ang LITRATO ni Calungsod sa isang TIPIKAL na BISAYA.
Espesipik po ang MUNGKAHING “itsurang BISAYA” ang kokopyahin bilang REPRESENTASYON ng mga BISAYA na debotong Katoliko.
Teka, ano ba ang ITSURANG BISAYA?
Parang DISKRIMINASYON yata ito sa mga BISAYA.
Dahil ang lahat ban g BISAYA ay itsurang “INDIO o ALIPIN” o sacristan?
Bisaya po si Sen. Serge Osmena, bisaya rin si Flash Elorde, bisaya rin si JOGRAD DE LA TORRE.
Sa bandang huli , baka magkasya na lang kayo sa itsura ni AMAY BISAYA.
Makapagdasal ka pa kaya nang maayos nun?
Sa bagay, mainam yun, tanggal agad ang problema mo.
Kasi’y pag naiiyak ka sa problema, PAGTINGALA mo-- tiyak na matatawa ka.

-----$$$---
WINASAK na raw ang HIDEOUT ni Osama bin Laden.
Huhhh, kaya pala, wala nang nagla-LIKE ng aking post sa facebook.

-----$$$---
PINIPILIT ng Department of Agriculture particular ng National Meat Inspection Board na maglagay ng FREEZER ang mga nagtitinda ng KARNE sa mga palengke.
Malamang na may TONGPATS sa kanila ang MERALCO.
Kaylaking KUWARTA ang babayaran nila sa ELECTRICITY bills pag nagsibili ng freezer ang mga meat vendors.

----$$$--
PERO, mayroon mas KAPANI-PANIWALANG KUTOB kung sino ang NAGBUBUYO o nagbibigay ng “AYUDA” upang kumpiskahin at BUWISITIN ang mga tindera ng karne.
Ito ay ang mga MAY-ARI ng mga DAMBUHALANG MALLS,. HYPERMART, GROCERY SUPERMARKET.
Nais ng mga KOLOKOY na mapuwersa ang mga CONSUMERS na bumili ng KARNE sa mga “MALLS” na may sangrekwang FREEZERS.
Ibig sabihin, ang GOVERNMENT POLICIES—ay maka-MAYAMAN imbes na MAKAMAHIRAP.
Linsiyak na buhay yann….
Diretso bay an o baluktot?
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb. 28, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

NEWS BLACKOUT SA BLACKOUT

LINGID sa kaalaman ng marami na naninirahan sa Kamaynilaan, dumaranas ng walang patid na BROWNOUT ang mga kapatid nating naninirahan sa Mindanao at Bisayas at maging sa Mindoro, pero hindi ito inihayag sa MEDIA—diyaryo, radio, telebisyon at internet web sites.
Pinakamatindi sa Mindoro at ang sanhi ay artipisyal lamang dahil NAG-AAWAY ang mga KOOPERATIBA at ang ilang POWER DISTRIBUTOR na nais makopo ang transaksiyon sa negosyo.
Inutil ang gobyerno particular ang Department of Energy na pumagitna sa isyu—gayong HOSTAGE at BIHAG ang milyon-milyong konsiyumer sa mga liblib na lugar.
Hindi prayoridad ng gobyerno ang mga nasa liblib na lugar particular sa dulong Luzon, Visayas at Mindanao—sapagkat kakaunti lang ang BOTO nito.
At kahit dumaing sa TEXT, kakaunti lang ang LOAD ng mga ito kaya’t hindi rin pinapansin ng mga MEDIA ENTITIES na tanging pag-asa nila.
Sa Mindanao ay yan din ang sitwasyon, nag-aaway away at nasusuwapangan ang mga power distributor kung saan ibinenta ng Napocor ang kanilang planta na bahagi ng privatization.
Maliwanag ditto, na ang pag-aaway ng mga suwapang at ganid na negosyanteng may basbas ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng BLACKOUT at BROWNOUT sa iba’t ibang lugar.
Nakapagtatakang tameme ang DoE sa isyung ito na kung malalaman ng publiko ay maaring mag-panic at sisihin ang mga kinauukulan.
Kung bakit hindi ibinabalita ng media?
Iyan po ang tinatawag na NEWS BLACKOUT.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 28, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Sunday, February 26, 2012

LT.COL MANNY PACQUIAO AS PEACE PANEL MEMBER

NAKORNER ni Grace Ibuna ang malaking KAYAMANAN ni Rep. Iggy.
Balato naman dyan.

------$$$---
HINDI na ako PUMUPUNTA ngayon sa BISINIDAD ng Quezon City.
Dahil BAWAL daw doon ang PLASTIK eh.

-----$$$--
HINDI pala PATAY ang technical director ng ABS-CBN na binaril ng HOLDAPER kamakalawa sa tapat mismo ng TV complex.
Mas mainam na yung MABALITA ka na PATAY, pero BUHAY ka.
Kaysa MABALITA ka na BUHAY ka, pero PATAY ka pala.


-----$$$---
APAT ang patay sa engkuwentro ng AFP at NPA kahapon sa Bikol.
Akala ko ba ay WALA nang REBELDE?
At akala ko ba ay may CEASEFIRE?
Puro PROPAGANDA lang.
He, he, he.

-----$$$---
ISANG police officer ang binaril at napatay sa Batangas kahapon.
Yan ang ating “PEACE AND ORDER”.
Saka na yan, ang MAHALAGA, matanggal ang mga MAHISTRADO.


-----$$$---
MAGWEWELGA raw ang mga TSUPER at OPERATORS dahil sa oil price hike.
Naku, huwag po, baka ARESTUHIN kayo at MAMASAKER lang.
Kaawa-awa ang mga MAUULILA ninyo.
Bawal po an gang mag-PROTESTA ngayon.
Ang pinapayagan lang po ay ang PUMURI.
At mag-SEPSEP.

-----$$$---
NGAYON, malinaw na hindi na MAGHAHARAP sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Sino ang NAWALAN?
Baka si Jinkee!!
Liliit ang ENTREGA ni Pacman.
Ekskyusmi po, ENTREGA po ang espeling ko, HENDE po, INTRIGA.

----$$$--
HINDI pa pala SOLVED ang Malacanang sa bagong SALN form na ginawa ng BIR.
Gusto nila ay detalyadong listahan sa PAMEMENGKE.
Nakasanayan na kasi nila yung tulad sa PAPELITOS NG JUETENG eh.
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
MAY GOOD NEWS ako kay LT. COL MANNY PACQUIAO.
Sisimulan sa araw na ito, Lune sang BALASA sa AFP.
Inirerekomendang maging HENERAL si Pacman.
At ipagkatiwala sa kanya na maging ISA sa kinatawan ng RESERVE FORCES sa PEACE PANEL.
O, payag ba kayo diyan?
Tanging si GEN. PACQUIAO lang ang makakapagpa-TAHIMIK sa Mindanao.
Yung hindi susunod: Reregaluhan lang niya ng MAG-ASAWANG LEFT HOOK.
Tiyak biglang TAHMIK ang lahat ng rebelde.

-----$$$--
AT ang lahat ng mainit pa rin ang ulo, hindi BARIL ang ibibigay niya.
Bibigyan niya ng tig-iisang PARES NG GLOVES.
At ang lahat ng BARANGAY ay bibigyan din ng tig-isang BOXING RING.
Yung naghahanap pa rin ng GULO sa panahon ng PEACE IMPLEMENTATION, paaakyatin na lang sa ibabaw ng lona.
Ang kainaman ng mungkahi natin, mananatili pa rin ang TAPANG ng mga taga-MINDANAO pero makakapag-ambag sila ng KARANGALAN sa bansa kapag nagging boxing champions silang lahat.
Yung nga lang, huwag silang dadayo sa ARGENTINA.
Baka sa sobrang galit ay rumesbak sila at PUGUTAN ng ulo ang mga BARBARO sa Buenos Aires.
Biro lang po.
(BISTADO column, Bulgar Newspaper, Feb. 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.bogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

SALN: HIDDEN WEALTH, UNEXPLAINED POVERTY

HINDI raw nasisiyahan ang Malacanang sa desenyo at detalye ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na ginawa ng BIR.
Sa totoo lang, ang lahat ng government workers—opisyal man o ordinaryong kawani ay hindi naman talaga sineseryoso ang paglalagay ng espesipiko sa naturang SALN na rekititos sa appointment papers na isinusumite sa civil service commission .
Bakit?
Kasi kung ilalantad lang ng PINAKAMATAAS na opisyal ng gobyerno ang SALN---partikular ang mga taga-Malacanang, miyembro ng gabinete, senador, kongresista, judicial executives, ombudsman, COA at maging CSC officials—ay tiyak na magiging TAMPULAN ito ng duda at LEAD sa sangrekwang kaso ng corruption.
Talagang dapat ILANTAD sa publiko ang detaye ng SALN, upang matiyak na HINDI nagnanakaw ang mga buwaya.
Tulad naman sa mga EHEKUTIBO ng gobyerno na DINADAYA ang SALN, yung mga ordinaryong kawani ng gobyerno—ay ITINATAGO rin ang SALN, hindi bunga ng sobrang YAMAN, kundi mabibisto naman ang SOBRANG HIRAP.
Sa Pilipinas, ang pagiging dahop at isang kahihiyan kaya’t mabibisto ditto ang SANGREKWANG UTANG o LIABILITIES.
Kung itinatago ng mga EHEKUTIBO ang kanilang SOBRANG YAMAN, inililihim din ng maliliit na obrero sa gobyerno ang SOBRANG UTANG.
Halimbawa, imposibleng ilagay ng obrero na ISINANLA niya ang ATM—sa kahera ng finance department sa pormang “5-6”.
Napakaraming KAWANI sa gobyerno na hindi nahahawakan ang ATM bagkus ito ay diretso sa USURER o mga BUMBAY NA PINOY .
Yung walang ATM, inia-ADVANCE ang suweldo sa “buwayang” o front loan sharks o sa government cashier na may PATONG na ala-FIVE-SIX ng Bumbay, imposibleng idetalye ito sa SALN—sa ilalim ng “itemized LIABILITIES”
Mapait na katotohanan na mapepenahan ang mga KAWANI ng gobyerno dahil hindi niya IPINAGTAPAT kung SINO-SINO ang pinagkakautangan niya, tulad din na hindi ibibisto ng mga EHEKUTIBO—ang pinagmulan ng kanyang KAYAMANAN.
Kung masyadong detalyado ang SALN—lalabagin at dadayain lamang ito kapwa ng mga EHEKUTIBO at ordinaryong obrero sa gobyerno—parehong ayaw IBISTO—ang kalagayang pinansiyal—sobrang yaman o matinding hirap din!
(Editorial , Bulgar Newspaper, Feb. 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.bogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Saturday, February 25, 2012

ONLY IN PHL: POLICEMAN AS PRESIDING JUDGE

HINOLDAP at napatay ang isang technical director ng ABS-CBN sa mismong mataong lugar malapit sa naturang TV network.
Iyan mismo ang MUKHA ng “peace and order” sa bansa.
Hindi maubos ang riding-in-tandem, hindi matapos ang masaker kung saan pinapatay ang mga biktima sa loob mismo ng sariling silid sa sariling tahanan at sa sariling bakuran.
Wala nang ligtas na lugar dahil maging ang iyong sariling silid ay nakakapasok ang mga KRIMINAL, paano pa sa lansangan, sa parke o sa pampasaherong sasakyan?
Ang kaliwa’t kanang holdap ay nagkakasabay-sabay kung saan, hindi na umaabot sa piskalya ang mga suspek bagkus ay agaran itong “HINATULAN” ng kamatayan ng mga rumerespondeng awtoridad.
Madalas akalain ng awtoridad na ang “summary execution” ang pinaka-shortcut na PANGONTRA sa krimen, pero sa kabalintuan, magpapa-GRABE ito ng sitwasyon—sapagkat tatapatan ito ng mga KARUMAL-DUMAL na pagpatay sa mga inosenteng biktima.
Ibig sabihin, sapagkat “OUTRIGHT DEATH” ang hatol sa magnanakaw, agad na itinutumba ng mga SALARIN ang mga POTENTIAL WITNESS na mismong BIKTIMA upang takasan ang LUPIT NG BATAS.
Kung hindi nila papatayin ang biktima, DELIKADONG MATIKLO sila at BUBULAGTA rin sila kalye.
Iyan mismo ang kahulugan ng “ORDER” o kaayusan sa lipunan o sosyedad—WALANG “ORDER” o walang kaayusan ang ating JUDICIAL PROCESS—sapagkat ang mga PULIS—ang “HUMAHATOL” sa mga suspek.
Kung seryoso si PNoy na ayusin ang HUSTISYA, isagawa ito sa maayos at masusing pagsusuri sa “ibaba ng judicial process” o mismo sa hanay ng KAPULISAN.
Sa isang sibilisadong lipunan, ang pagpatay agad sa suspek ay isang BARBARISMONG manganganak din ng serye ng PATAYAN—ala WILD, WILD PHILIPPINES!!
Sa kabuuan, magbubunsod ito ng “DESTABILIDAD”, sisira sa katahimikan at WAWASAK sa ekonomiya ng bansa.
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb. 26, 2012 issue. UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

HENDE AKU BISAYA: MAY IBIDINSIYA K B?

NILINAW ni Presiding juror Juan Ponce Enrile na hindi isang criminal court ang Impeachment Body.
Iyan mismo ang paulit-ulit nating sinasabi sa kolum na ito.
Hindi dapat ituring ang Impeachment Body na tila regular na TRIAL COURT.
Iyan ay PRODUKTO ng pagsasaliksik ni Enrile sa mga law books gabi-gabi.

----$$$--
BINIGYAN-DIIN din ni Enrile na hindi kailangan ang “BEYOND REASONABLE DOUBT”—ang pagbabatayan ng QUANTUM OF EVIDENCE.
Ibig sabihin, hindi kailangan na SOBRANG TIBAY ang ebidensiya para ma-CONVICT si CJ Renato Corona.
Mahalagang maipaliwanag ito sa ordinaryong tao.
Kasi’y kapag “beyond reasonable doubt”, mahihirapan ang mga SENATOR-JUROR na makapag-APPRECIATE ng mga ebidensiya na kasinghusay ng mga MAHISTRADO.
Dahil ditto, maikukumpara ang Impeachment Body sa isang GRAND JURY na minsan na rin binanggit ni Enrile.
Sa umpisa pa lamang, ay palagi nating pinagdidiinan na KAILANGANG MAKILALA muna kung ANONG KLASE ng HUKUMAN o BULWAGANG KATARUNGAN ang Impeachment Body.
At tanging ang KOLUM na ito lang ay NAGLALAHAD ng ganyang paga-ANALISA na napakahalaga upang maunawaan ng ordinaryong tao ang impeachment proceedings.
At mahalagang aspekto rin ito upang MAKAPAGDESISYON nang malinaw at maayos ang mga SENATOR-JUROR.

-----$$$--
SANA’Y ituloy ni Enrile ang PAGLALABAS ng RULINGS at GABAY na pang-MASA upang maging matagumpay ang impeachment proceedings na tila MATATAPOS nang maayos sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan.
Sa ngayon, tanging si Enrile lamang ang may KAKAYAHAN at TALINO na iayos ang impeachment proceedings na magiging PAMANTAYAN sa mga susunod pang kaso na katulad nito.
At ito rin ang magiging AMBAG ni Enrile sa ating kasaysayan-- judicial at political systems.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 26, 2012 issue. UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

Friday, February 24, 2012

MARCOS ERA: WORST OR BEST?

GUNIGUNITA ngayon ang ika-26 na anibersaryo ng EDSA 1.
Isang maselang yugto din kasi ito ng aking BUHAY.
Sa totoo lang, kung marami man ang nababasa nating artikulo laban kay dating Pangulong Marcos, kakaunti at halos walang NAGSUSULAT at nagbubunyag ng POSITIBONG MUKHA ng kanyang administrasyon.
Ang mga KABATAAN ngayon na nasa edad 26-ANYOS hanggang 30 anyos—ay HINDI AKTUWAL na nasaksihan ang “mga eksena sa panahon ni Marcos”, bagkus ay nagkakasya lamang sila sa “paglalarawan” ng MEDIA na “namumuhi’ sa dating lider.
Dahil ditto, napagkakaitan sila ng KATOTOHANAN na malaman at maunawaan ang “kasaysayan” at “nakaraan”.
Binabanggit natin ito nang paulit-ulit upang MAUNAWAAN ng kasalukuyang KABATAAN ngayon na ang “deskripsiyon ng Marcos era” na ibinabando ng mga kritiko ni Marcos—ay magiging “hearsay” na lamang—kapag iyan ay ikinuwento nila sa kanilang mga ANAK.
Pero, ang “negatibong kuwento” ay mananatiling KUWENTO, ngunit ang mga PISIKAL na positibong ASPEKTO ng Marcos Era—ay makikita ng mata at mararamdaman ng puso ng KASALUKUYANG KABATAAN na nauuhaw sa KATOTOHANAN.
Sa mga kabataan ngayon, alam ba ninyo na ang LRT ay kinonsepto at unang ipinatupad sa panahon ni Marcos—ngayon, may tatlong LRT tayo na napapakinabangan at ito ay magiging PITO o SIYAM NA LRTs sa hinaharap.
Pisikal at aktuwal yan—sabihin ninyo kong negatibong kontribusyon yan ng Marcos era.

------$$$---
SAAN nagkukumpol-kumpol ang mga KABATAAN tuwing weekend ngayon?
Sumakay kayo sa helicopter o umakyat sa pinakamatayog na gusali sa Pasay at Maynila—at matutunghayan ninyo ang sangrekwang edipisyo at gusali sa EKTA-EKTARYANG dating reclamation area sa Roxas Boulevard.
Tinabunan, ini-reclaimed ang dating dagat upang MADAGDAGAN ang “LAND AREA” ng Pilipinas kung saan, ngayon ay SINO ang nakikinabang?
Sino ang nagbenta sa pribadong korporasyon ng RECLAMATION AREA kung saan pinakikibangan din ang mga gusaling itinayo sa panahon ng Marcos era—tulad ng PICC; GSIS building kung saan narooon ang mismong SENADO; Film Center, Folk Arts Center; at Coconut Palace na opisyal na tirahan ng Bise president eng Pilipinas.
Ganyan ba kasama ang Marcos era?
Sino ang MASAMA—ang nag-reclaimed ng DAGAT upang maging LUPA o ang NAGBENTA ng LUPA ng reclamation upang maging PRIVATE PROPERTIES ng mga MULTI-BILYONARYONG negosyante?
Kabilang sa nakikinabang sa reclaimed area ang pinaka-DAMBUHALANG MALL sa ASIA na siyang humuhuthot ng PAWIS at DUGO ng milyon-milyong OBRERO na iginapos sa KONTRAKTUWALISASYON.
Alin ang kasuklam-suklam: Ang Marcos era ba o ang post-Marcos era?
Kayo ang humatol!!

------$$$----
DATI-RATI ay nage-export sa IBANG BANSA ang Pilipinas ng BIGAS, ISDA, GULAY, KARNE, MANTIKA, ABACA, COCONUT, SUGAR, HANDICRAFTS, GARMENTS---ngayon ang lahat na yan ay inaangkat o ini-IMPORT ng mga Pinoy—kasama ang GALUNGGONG ni Tita Cory.
Mas maganda ba ang buhay mo ngayong post-Marcos era?
Hige, magsalita kayo!!!

------$$$--
SINO o aling administrasyon ang naglatag ng policies upang makapag-ABROAD sa Middle East particular ang mga “no-read, no-write” na OBRERO PINOY?
Ngayon, ang DOLLAR remittances ng OFWs ay siyang GULUGOD ng ekonomiya ng bansa?
Ang OFW ba ay sinimulan ARTER MARCOS o ito ay nakilala sa panahon ng Marcos Era?
Ang “BLISS PROJECT” na unang BUGSO ng national SHELTER program gamit ang itinatag na Pag-IBIG fund—ay siyang nagparami ng LOW COST HOUSING—iyan ba ay sinimulan AFTER MARCOS?
Tama kayo—yan po ay ideya at ipinairal sa MARCOS era.
Marami pang iba pero mauubos ang ESPASYONG ito kapag inilatag ditto.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

SCARCITY: NOT FUND, BUT BRAINS

SOBRANG init sa nagdaang dalawang araw.
Senyales ito ng panahon ng tag-araw.
Pero ang pamamaalam ng ulan ay hindi dapat ipagsaya bagkus ay dapat gamitin ang tag-araw bilang PAGHAHANDA sa tag-ulan na katumbas din ng tag-BAHA at tag-GUHO ng lupa.
Ibig sabihin ang pagkontra sa BAHA ay dapat sinisimulan sa panahon ng tag-araw upang tiyakin na MALILINIS sa kuyagot ang mga kanal, estero at iba pang daluyan ng tubig.
Panahon ito ng PAGTUKOY sa espesipikong lugar, posisyon o teritoryo na delikadong matabunan o gumuho ang lupa o MALUBOG sa tubig.
Ang information drive laban sa BAHA at GUHO—ay hindi dapat isinasagawa kung kailan nagsisimulang pumatak ang ulan, bagkus ito ay epektibong isagawa sa simula pa lamang ng TAG-ARAW.
Ang paalalang ito ay hindi isang EXPERT ADVISE, bagkus ay simpleng SINTIDO KUMON o common sense.
Walang binabanggit ditto na MALAKING PONDO upang paghandaan ang tag-ulan bagkus ay simpleng maagang preparasyon.
Nangangahulugan na HINDI PONDO ang kailangan laban sa trahedya.
Hindi KAPOS ng pondo ang gobyerno, bagkus KAPOS lamang sila sa UTAK.
(EDITORIAL , Bulgar newspaper, Feb. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

Thursday, February 23, 2012

NBI ON FILE: THE UNPAID ASSASSINS

IBINUNYAG ng mga KANO ang CORRUPTION sa Pagcor ng Pilipinas.
Bakit kaya ganun, yung PAGNANAKAW ay yung mga taga-IBANG BANSA ang nage-expose?
Hindi ba’t yung DOLYARES ng misis ni Leon Guerrero ay NABISTO sa US pero hindi NABISTO sa Philippine immigration?
Tapos, tahimik na.
Ganun lang.

-----$$$---
INAMIN ng Malacanang na tumanggap ng “regalo” ang Pagcor chief na si Bong Naguiat mula sa FOREIGN COMPANY na may transaksiyon sa ahensiya.
Pero, nilinaw nila na HINDI GUILTY ang PAGCOR CHIEF.
Ganun ang BATAS natin.
Pag kalaban sa “politika” ay GUILTY, pag KAALYADO ay ABSUELTO.
Galing anu po?
He, he, he.


-----$$$--

PORMAL nang isinakdal si Cong. Glo sa kasong electoral sabotage.
Teka, baka hindi na naman ninyo ALAM ang meaning ng “electoral sabatoge”.
Baka bagong IMBENTO yan sa “legal dictionary”, mahihirapan kayong PATUNAYAN yan?

----$$$---
NOT guilty ako.
Yan ang PAHAYAG ni Cong. Glo sa korte kahapon.
Siyempre, alangan namang UMAMIN ka.

----$$$---
NAGMUMURA pala si Ex- Comelec chairman Benjamin Abalos nang ipagpaliban ang PAGDINIG sa kanyang kaso.
Teka, teka, wala po ba tayong “TWO HUNDRED” dyan?


------$$$---
OOOPPP, iaaatras na ng prosekusyon ang LIMANG articles of impeachment.
Ayaw ni nilang MASERMUNAN ni Manong Johnny.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$--
AMBUSH ME daw ang pagtambang kay NBI deputy chief Reynaldo Esmeralda.
Pwede naman yun.
Aba’y baka naman gusto lang niyang GAYAHIN yung dalawang PARI sa Columbia—totoong nagpa-ASSASSINATE ME—at natodas nga.
Pero, ang pagkakaiba ng dalawang kaso ay ito.
Yung kaso sa “AMBUSH ME” sa Columbia ay “NAGBAYAD AGAD” sa ASSASSIN.
Pero, baka yung ibinayad sa palpak na asasinasyon ay “POST-DATED CHECK’ lang.
O, siyempre, siyopot ang ginagawang diskarte.
Payo ng isang Kolokoy mula sa likuran: “Sir, sa susunod ay huwag ninyong “SUBAIN” ang ASSASSIN.
He, he, he.

----$$$--
ISA na namang LAW STUDENT ang namatay sa HAZING.
Malinaw na hindi tumatalab ang ANTI-HAZING ACT.
Mabuti pang palitan na lang ito ng ANTI-HATSING ACT.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Feb 24, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)