Sunday, March 04, 2012

WILD, WILD, WILD PHILIPPINES

HINDI magsasawa ang media na isigaw sa mga awtoridad na nararanasan ng bansa ang tinatawag na “BREAKDOWN OF LAW AND ORDER”.
Opo, wala nang batas na umiiral.
Kahapon lamang ay piñatay ang isa pang estudyante sa UP Los Banos ng talamak na riding in tandem.
Hindi magsasawa ang mamamahayag na buligligin ang pulisya at military na may nararanasang “kawalan ng batas, hindi lang sa MetroManila at Luzon bagkus ay maging sa Visayas at Mindanao na sinasabayan ng mga nakakarimarim na pagpapakamatay, pagkabaliw at karumal-dumal na masaker sa mga simpleng motibo lamang ng mga suspek.
Sa MetroManila, kaliwa’t kanang ang holdap at pumapatay ang mga suspek, kaliwa’t kanan din ang napupulot na salvage victims na tulad sina sa nararanasan sa ibang bahagi ng Luzon at Bisayas.
Sa Mindanao, halos araw-araw ay may sumasabog na bomba at hindi natutukoy at hindi naaaresto ang mga suspek.
Sumasabay ditto ang hindi maawat na pagtaas na presyo ng mga bilihin at serbisyo kung saan marami rin ang nawawalan ng hanapbuhay at sumasala sa oras.
Nakikisayaw sa problema ang hindi rin mapigil na araw-araw na brownout sa iba’t panig ng Mindanao, Bisayas, Mindoro at Marinduque na nagpapalala ng sitwasyon sa mga liblib na lugar.
Ang mga nahuhuling suspek sa pagnanakaw ay umaamin sa kasalanan sa katwirang NAGUGUTOM ang kanilang pamilya.
Sa kabilang panig, abala ang mga pambansang lider, hindi sa paghahanap ng SOLUSYON upang magkaroon ng hanapbuhay ang nagdarahop at hindi rin upang pigilin ang mataas na presyo ng bilhin, bagkus ay kung PAANO mapaghihigantihan at masisibak sa puwesto ang KATUNGGALING politico.
Sa ngayon, walang solusyon tayong nakikita kung paano masasagip sa kahirapan ang mayorya ng mga mamamayan, pero wala ring linaw kung magtatagumpay ang mga NAGHAHARING-URI sa kanilang motibo na paghigantihan ang mga mga kalaban sa poder.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 05, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

No comments: