MALAPIT nang umabot sa P1,000 ang presyo kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).
Dedma lang ang Malacanang at Department of Energy (DoE).
Hindi man lamang mabigyan kahit konting pankonsuwelo-de-bobong pahayag kung bakit hindi mapigil ang pagtaas ng presyo.
Kung walang epekto sa SIKMURA ng ordinaryong tao ang impeachment proceedings, direktang apektado ang LIKMUAN ni Juan sa presyo ng LPG.
Tataas ang presyo ng mga lutong ulam sa kalye.
Kahit ang mga mamamayan ay tumaas ang budget sa araw-araw dahil sa LPG kasi’y ito ang pinakapopular na PANGGATONG sa pagluluto.
Marami na ang nag-iisip na gumamit na lamang ng ELECTRIC STOVE—na magpapalobo naman ng konsumo sa elektrisidad at delikadong maging SANHI ng sunog lalo pa’t inoobserbahan ang Buwan ng pagkontra sa Sunog ngayong Marso.
Marami na ang lumipat sa paggamit ng ULING kung saan, mauubos naman ang mga PUNO sa kagubatan dahil mapupuwersa ang mga nasa tabi ng bundok na MAGKAINGIN dahil sa lakas ng DEMAND sa panggatong.
Tuliro na ang ordinaryong Pinoy dahil sa kaliwa’t kanang paglobo ng presyo ng produktong petrolyo, pero walang maayos na paliwanag ang mga KINAUUKULAN.
Bakit kaya?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 02, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
-----30----
No comments:
Post a Comment