Tuesday, March 06, 2012

PREPARE FOR THE BIG BANG

ISA ang patay, marami ang sugatan at gumuho ang ilang gusali nang lumindol sa Bikol kahapon ng umaga.
Namumuro na alinman sa Mindanao at Kamaynilaan.
Kung susuriin, nagsimula ang MALAKAS na lindol sa Negros at nasundan sa Masbate kung saan naroroon ang PINAKAMAHIHIRAP SA PINAKAMAHIHIRAP na mamamayan sa bansa.
Tulad sa Negros, ang mga pinakanagdarahop na mamamayan ay lalo pang nagdarahop ngayon.
Pero, ang pinakamalinaw na babala ditto ay maaaring UMATAKE ang BIG BANG—sa alinman sa MATATAONG lugar sa MetroManila, Davao o Cebu anumang araw.
Dapat ay hindi tumigil ang mga awtoridad sa paglulunsad ng regular na EARTHQUAKE DRILL sapagkat palakas nang palakas ang lindol at palapit nang palapit sa MATATAONG lungsod.
Ngayon pa lamang ay dapat na magsagawa ng IMBENTARYO ng mga kagamitang pang-tungkab ng malalaking GUHO, pagi-istak ng mga pagkain at page-ensayo sa PAGTATATAGO sa mas ligtas na lugar sakaling maranasan ang BIG BANG.
Hindi naman masama na maghanda nang maaga.
Iba na ang nag-iingat.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 07, 2012 issue, UNEDITED. C c. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

No comments: