Wednesday, March 07, 2012

SALN: ANOTHER "CEDULA"

ISINUSULONG sa Kamara ng mga Representante ang isang panukala na pigilin ang Civil Service Commission (CSC) sa pagpapairal sa bagong porma o format ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Wala naman kasing batas na nagsasabi na idetalye nang todo ang datos sa SALN form.
Kung susuriin, at sa aktuwal na praktis—ang SALN ay isa lamang sa mga rekititus na isinusumite sa CSC mula sa mga opisyal at empleado ng gobyerno.
Walang sinasabing IDETALYE ito nang todo.
Kapag ipinatupad ang ganyang diskarte ng CSC---ang talagang MAPAPAHAMAK ditto ay ang mismong mga matataas na opisyal ng gobyerno.
At imposibleng masunod ito nang husto gaya ng gusto ng marami.
Ang pagsusumite ng SALN ay walang iniwan sa popular na SEDULA o residence certificate.
May batas na nag-aatas sa sedula, pero sino ang SUMUSUNOD na idetalye o ibigay ang espesipikong DATOS sa kita ng indibidwal sa SEDULA.
Ang sedula ay isang mahalaga at maselang dokumento—pero ito ay WALANG PUMAPATOL at alam ng lahat ng mga MAMAMAYAN—na walang nagsasabi ditto ng totoo.
Bakit?
Sapagkat ang SEDULA—ay isang ebidensiya ng MULTIPLE TAXATION—pero kinukunsinte ng gobyerno kahit labag sa Konstitusyon.
Magbabayad ka ng BUWIS sa sedula batay sa INCOME na kinita ng isang tao, pero hindi ba’t duplikasyon ito ng PAGBABAYAD mo rin ng Individual income tax return sa BIR; triplikasyon din ito ng buwis na ibinayad mo batay sa KINITA mo sa negosyo na binuwisan mo naman sa MAYOR’S PERMIT—na kinukuwenta batay naman sa iyong KAPITAL at INCOME.
Ang SALN ay hindi nalalayo sa SEDULA dahil duplikasyon din ito ng detalye sa binayaran mo ITR, detalye sa business income, detalye sa binayaran sa VAT at detalye sa ibinayad sa real property tax.
Kung idedetalte ang iyong assets, expenses at liabilities—MAPUPUNO sa financial data ang SALN—na katulad mismo ng INCOME STATAMENT at FINANCIAL REPORT sa mga negosyo na hinihingi sa mga bangko.
Isang HARING SOLOMON lamang ang makakalutas ng isyu sa SALN.
Kasi’y yung SEDULA—ay hindi na maiayos, yun pang SALN!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 08, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

No comments: