PINAKAPOPULAR na “kataga” ngayon ang “GAGO”.
At “WAAAH”.
Hindi po “BUBBLE GANG” ang nagpa-USO niyan.
Ang mga kataga ay orihinal na PATENTED ng IMPEACHMENT BODY.
Hay buhayyyy!!!
-----$$$---
MATAPANG si Sen. Miriam, pero tulad ng inaasahan, nagkaroon siya ng KATAPAT.
Iyan ay isang NORMAL na babala sa MATATARAY.
May pagkakataon na mayroon din kayong MAKAKATAPAT.
Kumbaga, PASENSIYAHAN na lang.
-----$$$---
HINDI nagsisisi si Atty. Vitaliano Aguirre.
Sinadya daw niya yun, kasi naman daw ay TALAGANG nagpapanting ang kanyang TENGA kaya’t tinatakpan niya tuwing MAGTATALAK si Madame Miriam.
Matagal na nating ipaalaala yan sa kolum na ito na ang impeachment body ay hindi malayong mauwi sa AWAY-PALENGKE, kapag hindi malinaw kung “ANO TALAGA” ang kanilang NATURALESA o “identity”.
Sa aktuwal na pangyayari, makikita natin—na wala sa “impeachment body” ang RANGYA, KALIDAD at pagiging KAGALANG-GALANG tulad sa isang totohanang HUKUMAN---kaya’t hindi sila matatawag na IMPEACHMENT COURT tulad ng gusto nilang “gamitin” sa media.
Hindi kasi nila IGINAGALANG ang mga “tao” na gumagalang sa kanila.
Ano ang kinauwian?
Sa totohanang “hukuman” na pinangangasiwaan ng MAHISTRADO o TOTOONG HUKOM o HUWES—hindi magaganap ang “ganyang away palengke” na kariringan ng mga katagang “GAGO at WAAAH”.
----$$$---
KUNG tayo ang titingin, tulad din sa nabanggit natin sa kolum na ito, ang kaguluhan at repleksiyon ay RESPONBILIDAD ni PRESIDING JUROR na umaktong TAGAPAMAGITAN o “referee”.
Kumbaga sa laro, hindi “naagapan” ng REFEREE o presiding juror ang “FLAGRANT FOUL” o “below the belt” na suntok—tulad ng PAGTATARAY, pangi-IINSULTO at PAGTAKIP ng tenga.
Dapat ay yung mga ALALAY ni Enrile ang nakakita ng “pagtakip ng tenga o aktuwasyon ng pambabastos” at si Enrile din ang magpapayo na “huwag ISMOLIN o INSULTUHIN—kung “TATANGA-TANGA” man ang PROSEKUSYON.
Kung inako ni Enrile ang responsibilidad sa “pagtanggap ng pekeng bank documents” na NINANAKAW lang sa PSBank, dapat ay AKUIN din niya ang “BASTUSAN BLUES’ nina Aguirre at Miriam.
-----$$$--
MAY katwiran si Sen. Miriam, pero may katwiran din si Aguirre.
Malinaw ang kanyang DEPENSA, kung gusto ninyong IRESPETO kayo, IRESPETO din ninyo ang mga taong nais ninyong respertuhin kayo.
Pero, may nag-text sa ating kagabi:
May nilalabag ba kapag YINURAKAN mo ang pagkatao ng isang indibidwal?
Ang sagot ko ay mayroon po.
Nilabag niya ang BATAS sa MORALIDAD at ang binabanggit ni Atty. Aguirre na “PAGGALANG SA PAGKATAO” ng indibidwal.
Sa ating pagsasaliksik, napukaw ang atensiyon ko ang terminong “MORAL TURPITUDE” na isang grave misconduct sa isang CIVIL SERVANT.
Ano ang kaso na may MORAL TURPITUDE?
Ito ay ang pambabastos o pagwasak ng PAGKATAO ng kapwa tao.
Ayon sa doktrina, ang TAO—ay may MORAL, at ang MORAL ng tao, kapag yinurakan at inalisan mo ng respeto sa kanyang sarili—katumbas nito ay halos PINATAY mo na rin ang kanyang PISIKAL na katawan.
Ang indibidwal—o ang tao---ay HINDI lamang PISIKAL, bagkus mayroon siyang “PAGTAO” o ISPIRITU ng dignidad at reputasyon
Grave misconduct ang paglabag sa MORAL TURPITUDE—sapagkat PINAPATAY mo ang “pagkatao” ng isang TAO kapag binastos mo, bagaman buhay siya—pero “PATAY” ang kanyang pagiging “TAO”.
Paano pa siya makaka-PAMUHAY sa gitna ng mga tao kung sinisigawan mo ng “GAGO”—na hindi isang sakit ng katawan, kundi isang sakit sa KALULUWA.
Sana ay maunawaan ito ng lahat.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Mar 02, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment