MAY huling habilin pala ang yumaong si Cardinal Jose Sanchez na binawian ng buhay sa edad 92.
Ang kanyang huling dalawang taon sa Pilipinas bilang Prinsipe ng Simbahan ay ginugol niya upang sagkaan at labanan na maisabatas ang Reproduction Health Bill na labag sa doktrina ng Vatican City.
Pero, namaalam si Cardinal Sanchez nang hindi niya natitiyak kung maire-RAILROAD at maisasabatas ang RH bill dili kaya’y ito ay malilibing na sa limot.
Marami kasing mambabatas ang pabor sa pagsasabatas nito na sumusunod lamang sa kagustuhan ng Malacanang na siyang promotor sa naturang batas mula sa DIKTA ng mga multi-national drug companies na naglalabas ng MALAKING PONDO upang impluwensiyahan ang gobyerno.
Naghahanda ngayon ang Simbahang Katoliko ng malawakang kampanya upang iprotesta at ipadama ang pagkontra sa pagsasabatas ng RH Bill.
Pero, desidido si Pnoy na suportahan ang pagsasabatas nito kung saan maaaring hindi ito MATINAG mapuno man ng mga DEBOTONG KATOLIKO ang Luneta Park.
Sana’y mabagbag ang damdamin ni Pnoy alang-alang sa kaluluwa ni Sanchez na inialay ang mga huling araw sa paglaban sa RH Bill.
Magmilagro kaya si Cardinal Sanchez ?
Bigla kayang isuko ng Malacanang ang RH bill at bawiin ang panukalang batas sa Kongreso ?
Manalangin tayo !
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 14, 2012 issue, UNEDITED. Cc : editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment