ISANG ballot vendor ang INARESTO dahil sa pagbebenta ng SHABU.
Baka matumal ang benta ng SHABU sa kanyang SARI-SARI store kaya INILAKO niya.
He, he, he.
-----$$$---
TEKA, yung bang VENDOR na nagbebenta sa loob ng mga BUS ay sigurado kayong totoong vendor?
Marami dyan ay “ALAJERO”.
Ano ang “ALAJERO”?
Ang “alajero” ay ang tao na marunong KUMILATIS ng alahas.
Kumbaga, eksperto ang mga yan na KUMILATIS ng white gold sa stainless at genuine sa fancy.
Pag NAISPATAN na totoong GINTO ang alahas mo, ititimbre ka sa ISNATSER at HOLDAPER na magsisiakyat naman upang BANTAYAN at sundan ka kahit saan ka magpunta.
Yung ibang KONDUKTOR at BUS driver—ay KAKUTSABA ng mga magnanakaw.
Yan ang SIDELINE nila.
-----$$$---
KAKUTSABA rin ang ilang BUS driver at konduktor ng mga MANLALASLAS ng bulsa lalo na sa mga BUMIBIYAHE sa gabi at INAANTOK.
Kapag pakadyot-kadyot ang BUS, nagpapraktis lang ang drayber.
Pero, mas MALAMANG na may “kasalukuyang nilalaslasan o dinukutan” kapag pag-KADYOT-KADYOT ang takbo ng bus.
Ito ay upang hindi mahalata na HINIHIWA ng bagumbagong BLADE ang inyong bulsa o bag—pang-agaw kasi yung ng ATENSIYON at mawala ang isip sa inyong likuran o bag.
Kailangang kasing KUMITA nang ekstra ang mga bus driver at konduktor.
----$$$--
PERO ang pinakatalamak ay ang HINDI PAGSUSUKLI sa ibinayad na P100; P200; P500 o P1,000 bills.
Magkukunwari ang mga konduktor na WALANG BARYA—hanggang sa malimutan mo ang SUKLI.
Puwedeng gumawa ng eksena ang DRIVER na pang-agaw ng atensiyon para MALIMUTAN mo ang sukli.
----$$$--
MARAMI rin sa mga bus driver at konduktor ay naka-SHABU.
Ang shabu kasi ay panlaban sa ANTOK at PUYAT—para diretso ang RILYEBO.
Dahil naka-SHABU, madalas MABANGGA at uminit ang ULO ng mga drayber at konduktor.
-----$$$---
SA totoo lang, dahil araw-araw sa kalye ang bus at konduktor, KILALANG kilala ng mga ito ang mga MANDURUKOT at holdaper.
Marami sa kanila ay naging kaibigan na mga HOODLUMS.
(BISTADO column, Bulgar newspaper, Mar 03, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment