KINILALA ng Forbes Magazine ang isang TSINAY na may-ari ng PINAKAMALAKING MALL sa Asia bilang isa sa pinakamakapangyarihang babae sa buong daigdig dahil sa sobrang kayamanan.
Hindi ito nakakatuwa.
Hindi nakakatuwa sapagkat ang kanyang KAYAMANAN ay nagmula sa pagsupsup sa pawis at dugo ng mga obrerong Pinay din na iginapos nila sa KONTRAKTUWALISASYON.
Araw-araw ay ninanakaw ng kanilang chain of malls ang “suweldo” ng mga obrerong dapat ay nabibiyaan nang MAS MAAYOS na suweldo at PERMANENTENG TRABAHO.
Pero, hindi rin masisisi ang PINAKAMAYAMANG BABAENG ito sapagkat ang labor laws ay ipinaiiral ng isa ring BABAE ay pabor sa MAY NEGOSYO kaysa pabor sa mga obrero.
Pero, hindi malayong ang kayamanang ipinagyayabang ay binabawasan din ng bilyong pisong pang-TONGPATS sa mga labor arbiters upang maipagtuloy ang PANG-AALIPIN sa libo-libong obrero sa buong bansa.
Hindi nakakatuwa na ang BABAENG ito ay pinakamayaman sa Asya dahil ang kanyang KAYAMANAN ay simbolo ng kaapihan ng mga manggagawa sa ating bansa.
Ilang libong babae ang pinagkaitan nila ng “maternity benefits” dahil sa PESTENG kontraktuwalisasyon?
Ilang sanggol ang nagkasakit at namatay sapagkat walang benepisyo ang kanilang INA habang inaalagaan ang bunso?
Ilang obrero ang natanggal sa trabaho matapos madeklarang “ENDO”, at ilang paslit ang nagutom at hindi nakapag-aral dahil hindi na-renew sa IKAAPAT NA PAGKAKATAON ang kontrata ng kanilang ama?
Nakakakilabot ang karangalang ito.
Isa itong kahihiyan at kasuklam-suklam sa gitna ng pagdarahop ng mga obrerong Pinoy.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Mar 03, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment