Sunday, March 11, 2012

PNP IN CRISIS; IN DISARRAY

NAKABABAHALA ang kaliwa’t kanang pagkakasangkot hindi lang ng ordinaryong pulis bagkus ay mga matataas na opisyales nito sa iba’t ibang krimen na ang ilan ay karumal-dumal at mahirap paniwalaan.
Hindi kasi matanggap ng Napolcom, DILG at mismo ng PNP na demoralisado ang lahat ng antas at hayrarkiya ng pulisya.
Kapag hindi natin tinanggap na may demoralisasyon, hindi ito mareresolba bagkus ay gagrabe ito nang gagrabe kung saan magiging dispalinghado na mismo ang criminal justice system na magreresulta sa hindi rin matanggap na “pagkawala ng LAW AND ORDER” sa bansa.
Sa bagay, mahirap sisihin ang matataas na opisyal ng DILG, Napolcom at PNP dahil kung susuriin, kalmante sila at hindi MULAT sa realidad at aktuwal na nararanasan sa loob ng operasyon o takbo ng pulisya sa bansa—administratibo man o operasyon.
Nag-ugat ang problema nang ipatupad ang INTEGRASYON ng dating Philippine Constabulary (PC) at Philippine National Police (PNP) na nang lumaon at pinagrabe ng isa pang INTEGRASYON ng mga military elements sa orihinal na pulisya kung saan nabuo ang INTEGRATED NATIONAL POLICE (INP).
Ang integrasyon ng AFP sa PNP kung saan ang mga graduate ng Philippine Military Academy (PMA) na may ORYENTASYONG MILITAR—ay ipinasok sa loob ng pulisya na may ORYENTASYON ng “peace keeping” sa loob ng isang payapang lipunan.
Nang pamiliin ang mga PMAers kung mananatili ba sila sa AFP o sa PNP—marami at halos lahat sa kanila ay pinili ang maging HEPE at HENERAL sa PNP—dahil sa iisang MOTIBO—magkamal ng INTELEHENSIYA—ang pondong nagmumula sa ILLEGAL ACTIVITIES—pinakamalaki ang jueteng , drugs, human trafficking at iba pang protection racket bukod pa ang FUND CONVERSION.
Sa AFP—kasi ay tanging mga heneral lamang ang MAGPAPASASA sa “CONVERSION” fund na katumbas naman ng “PORK BARREL” ng mga miyembro ng KONGRESO—senador at kongresista.
Dahil sa nakawan ng pondo at walang auditing na “INTELLIGENCE FUND”—mula sa lehitimong budget at sa protection racket---DEMORALISADO ang buong hanay ng pulisya.
Pero ang pinakamalala ay ang “walang katiyakan na PLACE OF ASSIGNMENT” o destino.
Sa panahon ng Batas Militar at bago ang panahon ito, ang mga PULIS---ay naka-CONCENTRATE ang bawat pulis sa iisang lugar ng DESTINO —ito ay ang local government unit (LGU) kung saan siya namamalagi at kabisado ang populasyon at teritoryo.
Pero, bunga ng INTEGRASYON---walang habas na ITINATAPON sa malalayong destino ang mga miyembro ng pulisya at batay sa KAPRITSO ng nakatataas, maaari siyang masibak sa lugar na kanyang nakalakihan o nakasanayan.
Nawalan ng LOYALTY sa lugar o teritoryo at “mamamayan” o CONSTITUENTS ang mga pulis, at tumindi ang LOYALTY SA SUPERIOR—na siyang UGAT—ng demoralisasyon at PAGKABULOK NG PAMBANSANG PULISYA.
Walang sinumang MAMBABATAS o iskolar ng gobyerno na NAGSUSURI sa aspektong ito ng PULISYA—kaya’t aktuwal na NAKABAON ang PEACE AND ORDER sa bansa sa KUMUNOY ng corruption at KAWALANG RESPONSIBILIDAD at DIREKSIYON.
Sana’y sa pamamagitan ng MUNTING TINIG na ito ay magising an gating mga OPISYAL na balik-aralan ang sitwasyong itong nakataya ang BUHAY, ARI-ARIAN ng mga mamamayan; at HINAHARAP ng ating REPUBLIKA.
(EDITORIAL, BULGAR newspaper, March 12, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

No comments: