Tuesday, March 13, 2012

WHERE ARE THE 200 CONTAINER VANS?

NALULUNGKOT tayo sa ilang text kung saan ginagamit ni DENR Sec. Ramon Paje ang relihiyong Iglesia ni Cristo upang manatili sa puwesto.
Hindi dapat ipinapasok sa ganitong isyu ang isang religious congregation na maaring wala naman talagang PAKIALAM sa isyu at nananahimik.
Sa totoo lang, nadadamay lang kay Paje ang INC dahil ang tunay na isyu ay ang KAPALPAKAN nito sa paglalabas ng ENVIRONMENTAL CLEARANCE sa Obando landfill.
Kinukuwestiyun si Paje kung bakit binigyan ng clearance ang Obando landfill nang walang isinasagawang public hearing at konsultasyon sa mga residente ng Obando na apektado ng proyektong MAGKAKAMAL ng salapi ang mga KONTRAKTOR.
Dapat ay busisiin ng mga awtoridad kung paano naisyuhan ng clearance ang kontraktor na Ecoshield Development Corporation na protektado rin ni Bulacan Gov. Willy Alvarado.
Ibig sabihin, payag si Gov. Alvarado na gawing TAPUNAN ng basura ang Obando hanggang sa ito ay bumaho at malason ang mga residente.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$---
SA totoo lang, naglabas na ng WRIT OF KALIKASAN ang Korte Suprema laban sa landfill operation sa Obando at nagbabala rin ang Philvolcs na mapanganib ito na maaaring magpalala ng trahedya sa malaking pagbaha sa panahon ng unos at iba pang kalamidad.
Marami ang nagdududa kung sino-sino ang PADRINO ni Paje para MAPANIWALA si PNoy.
May nagsasabing ang padrino ni Paje kay PNoy ay ang mismong mga dating AMUYONG ni Ate Glo na talunang meyor sa isang lungsod at isang arkitektong sanggang dikit ng isang talunang sa 2010 senatorial elections.
Pero ang malinaw, hindi nakakatulong si Paje sa TUWID na DAAN ni PNoy.

-----$$$--
INIULAT mismo ng Bureau of Customs na hindi nila NAABOT ang target collections sa buwan ng Pebrero , 2012.
O, ano pa ang inaantay ninyo ?
Ikinakatwiran ni BoC Commissioner Ruffy Biazon na kapos ang KOLEKSIYON kasi daw ay nag-celebrate ng New Year ang mga Chinese kaya’t itinigil ang operation ng mga pabrika at galaw ng negosyo sa naturang bansa.
Siyenta-porsiyento (70) kasi ng IMPORTASYON ng Pilipinas ay nagmumula sa CHINA.
Hindi natin maubos maisip, at malirip ng sintido-kumon kung ano ang KAUGNAYAN ng New Year sa importasyon ng mga produkto mula China papasok ng Pilipinas ?
Ang mga IMPORT PRODUCTS—ay ‘pangangailangan’ sa Pilipinas at hindi naman ng China—at isang KALAKAL ito na ipinoproseso IN-ADVANCE kaya’t malabo ang gayong ALIBI.
Sana’y maglabas ng MAS KATANGGAP-TANGGAP na paliwanag ang Customs hinggil dito, hindi kasi yun KAPANI-PANIWALA at WALANG LOHIKA.

----$$$--
TEKA, bakit kaya NATAHIMIK ang Customs kaugnay ng NAWAWALANG 200 CONTAINER VANS ?
Bakit hindi na nila ito hinahanap ?
Nakita na ba ? Napagkakuwartahan na ba ? Naareglo na ba ?
May mga nag-TEXT kasi kaugnay ng KADUDA-DUDANG CONTAINER VAN na naka-TENGGA malapit sa Gate 2 ng VETERANS HOSPITAL sa Mindanao Avenue sa Project 6 sa Quezon City.
Ayon sa TEXTER, dati-rati ay wala naman doon ang CONTAINER VAN, pero nang ibunyag ang nawawalang 200 container vans noong Setyembre ay bigla itong INIHIMPIL sa naturang bisinidad.
May KUTOB ang texter na maaaring ISA ang naturang VAN sa nawawalang 200 container van ng Customs.
Ano sa tingin ninyo, i-double check ninyo, baka yun na nga ?
O baka naman, iba ang MATUKLASAN ninyo dun.
He, he, he.
(BISTADO column,, Bulgar newspaper, March 14, 2012 issue, UNEDITED. Cc : editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

No comments: