PATULOY na nananalasa ang Philippine Azkals kung saan magkasunod na tinalo nila ang mga bigating India at Tajikistan bago harapin sa semifinals ng AFC Challenge Cup ang Turkmenistan sa Biyernes.
Inasahang din igugupapa ng Azkals ang Turkmenistan dahil hawak nito ang momentum sa liga, dire-direksong aakyat sa pinakaasam-asam at kauna-unahang FINALS’ APPEARANCE ng Pilipinas.
Ano ang implikasyon nito?
Una, walang duda na hihigop ng suporta ang football upang maging No.1 sports sa hinaharap sa likod ng boxing kung saan sasapawan ang NALALAOS nang basketball sa bansa.
Ibig sabihin, parami nang parami ang mga kabataang maglalaro ng football sa mga eskuwelahan at barangay imbes na dati-rating basketball game.
Ang pag-angat ng football ay tiyak na pagbagsak naman ng basketball na dati-rating yinayakap ng mga Pinoy.
Isang masamang pangitain ito sa Philippine Basketball Association (PBA) kung saan hindi na maiiwasang malugi ito at mabangkarote.
Taliwas sa basketball, asahan natin ang inter-color league at inter-school football competition na magsusulputan sa mga susunod na araw na lalong MAGPAPASIKAT sa larangang ito.
Gayunman, kahit pa maging popular ang football, ang tanging hindi nito masasapawan ay ang pambihirang husay ng Pilipinas sa BOXING—kung saan itinuturing ang Pilipinas bilang BOXING CAPITAL OF THE WORLD.
Kung paanong hawak ng mga Pinoy boxers ang sangrekwang WORLD TITLES, nananatiling isang SUNTOK SA BUWAN na tanghalin ang Philippine Azkals na WORLD SERIES CHAMPION sa hinaharap.
( EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 15, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
No comments:
Post a Comment