PROUD na proud si Zanjoe Marudo nang malaman nitong ipinagmamalaki siya ng award-winning actor na si Phillip Salvador aka Kuya Ipe kung saan nag-thumbs up siya sa mga press people na nakapanood ng 'Isa Pang Bahaghari' movie nila sa isinagawang press preview a week ago kung saan isa nga sa nag-stand out ang akting na ipinamalas nitong si Zanjoe pati na sina Sanya Lopez at Joseph Marco na kasama rin sa nabanggit na obra ni direk Joel lLamangan na entry this year sa Metro Manila Film Festival kung saan ngayon pa lang ay hinuhulaang abot-kamay na raw ni Zanjoe ang best- supporting actor award.
Pero ayaw namang umasa ng aktor dahil depende ngsa naman yan sa taste o panlasa ng mga hurado. Mahirap nga namang mag-expect at pag hindi naman nangyari ay masasaktan ka lang ika nga
Masaya na si Zanjoe na napansin ang husay niya at akting niya sa movie na hindi nagpahuli sa husay nina Kuya Ipe, Michael de Messa at Superstar na si Nora Aunor na may mga napatunayan na sa tagal nìla sa lokal na aliwan. Yun Na!
*****
Ipe at Jinggoy magsasalpukan
Bukod kay Phillip Salvador o Kuya Ipe ay magaling din daw si former Senator Jinggoy Estrada sa enrty nitong 'Homecoming' movie in this year's MMFF. Kaya hindi maiwasang kahit ayaw nilang maging magkalabang mag-bestfriend sa gaganaping MMFF Awards Night ay talagang magsasalpukan sila na ayaw namang gawing isyu nitong una.
Kumbaga, walang personalan sa kanila at hindi naman daw dahil lang doon ay mawawala o mababawasan na ang magandang samahan nina Kuya Ipe at Sen.
Jinggoy nga whoever wins sa kanila'y tatanggapin nila nang maluwag sa loob dahil naniniwala silang sa bawat laro o sugal sa mundo'y meron talagang nananalo at natatalo. Pero kapag natalo ka'y hindi nangangahulugang hihinto na ang mundo mo
Dapat ay mas lalo kang tumibay o magpakatatag sa pagkatalo at harapin ang hamon sa buhay dahil darating din ang panalo once na itakda iyon ng tadhana sa iyong buhay
At 'yan ang positibong pananaw ni Kuya Ipe. In short positive thinker siya at ayaw mag-absorbe ng negative vibes.Talbooog!
(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment