TINAWAG na Magic 7 ang hanay ng ating Pinoy celebrities na napabilang sa Inaugural 100 Digital Stars List ng Forbes Asia.
Anim na Kapamilya stars at isang Kapuso star ang kabilang sa sinasabing Digital Stars na kinabibilangan nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Vice Ganda, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, at Kim Chiu . Tanging si Marian Rivera lamang ang Kapuso star na pasok sa Magic 7.
Kabilang din sa listahan ng 100 Digital Stars ng Forbes Asia sina Mauro Maurer at Urassaya Sperbund ng Thailand; Lee Min-ho,Kim So-Hyun, Lee Dong-wook, ang K-pop groups na BTS at BLACKPINK ng South Korea; Hugh Jackman, Chris Hemsworth, at Keith Urban ng Australia; Shahid Kapoor ng India; at Jay Chou ng Taiwan.
Karamihan sa mga nakasama sa 100 Digital Stars ng Forbes Asia ay mga mga singer, banda, film, at television stars mula sa Asia-Pacific region na itinuturing na trailblazer, most influential, makapangyarihan ang social media presence, at milyun-milyon ang bilang ng mga tagasubaybay ang ilan sa basehan na ginamit ng Forbes Asia sa pagpili ng 100 Digital Stars.
"We’ve given special focus to celebrities who, despite cancelled physical events and activities, managed to remain active and relevant, largely by using social media to interact with their fans, raise awareness and inspire optimism.
"Many also used their influence to help worthy causes, especially those with a Covid-19 focus.
"To determine the finalists, Forbes Asia evaluated the candidates’ combined social media reach and engagement.
"We also considered their recent work, impact and advocacy, brand endorsements and business endeavors, and their recognition profile on a local, regional and global level. Only those active in film, music, and TV were eligible," paliwanag ng Forbes Asia tungkol sa kanilang pinagbasehan sa pagpili ng mga personalidad na kasali sa listahan.
Napasali si Sarah Geronimo sa listahan dahil sa kanyang 2018 hit film Miss Granny, na nagpanalo sa kanya nga Best Actress award sa PMPC Star Awards for Movies noong 2019.
Ang It's Showtime host na si Anne Curtis ay inilarawan bilang "the Philippines’ most popular Instagram celebrity" dahil sa kanyang 16 million followers. Binanggit din ang kanyang endorsement deals sa ilang malalaking kumpanya.
Isa pang celeb mula sa It's Showtime, Vice Ganda ang napasama at ayon pa sa Forbes, si Vice ay "one of the most popular male celebrities in the Philippines" na mayroong 17 million followers sa Facebook.
Si Marian Rivera, ayon sa Forbes, ang "Philippines’ most popular celebrity on Facebook" dahil sa kanyang 23 million followers.
Dahil sa kanyang 19 million followers, si Angel Locsin ang "second most popular Filipina celebrity on Facebook."
Si Kathryn Bernardo ay dahil sa pagiging bida sa dalawa sa highest-grossing films ng Pilipinas:The Hows Of Us (katambal si Daniel Padilla) noong 2018 na kumita ng Php 1-B sa kanyang nationwide at international screenings.Box-office hit din ang Hello, Love, Goodbye (katambal si Alden Richards) noong 2019..
Ginamit naman ni Kim Chiu ang kanyang viral video gaffe noong Mayo para sa kantang "Bawal Lumabas." Ang kanyang live performance para sa nasabing kanta ay nakapagtala ng mahgit 9 million views sa YouTube. Nagbenta rin siya ng "Bawal Lumabas" T-shirts upang makalikom ng pondo para sa pandemic relief.
*****
PPP 4 nominees
Siyam sa 13 pelikula mula sa Premium Selection Section ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino(PPP) ay nakasama sa selection of nominees`para sa #PPP4SamaAll Awards Night na gaganapin virtually ngayong Sabado, December 12.
Ayon sa PPP committee, the PPP Premium Selection features titles that had a limited release in the country or have never been shown in the Philippines, kasama ang ilang non-competition title, opening film “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” by National Artist for Film Kidlat Tahimik, and three restored titles: “Batch ’81” by Mike de Leon, “Brutal” by Marilou Diaz-Abaya, and “Markova: Comfort Gay” by Gil Portes.
Ipinapaalala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na tanging ang Premium Selection films with Philippine premieres at PPP or had limited releases were considered for the PPP4 Awards nominations. At ang mga ito'y ang sumusunod na pelikula:
“Blood Hunters: Rise of the Hybrids” by Vincent Soberano; “Cleaners” by Glenn Barit; “Come On, Irene” by Keisuke Yoshida; “He Who Is Without Sin” by Jason Paul Laxamana; “Kintsugi” by Lawrence Fajardo; “Metamorphosis” by J.E. Tiglao; “Sila-Sila” by Giancarlo Abrahan; “The Helper” by Joanna Bowers’ “The Highest Peak” by Arbi Barbarona
The FDCP will also be giving special recognitions during the #PPP4SamaAll Awards Night which will be held on December 12, Saturday, at 8 p.m. It will be streamed on the Facebook page and YouTube channel of the FDCP.
Kabilang sa mga inihandang production numbers sa #PPP4SamaAll Awards Night ay mula kina Raf Bernardino, Acel Bisa, Bayang Barrios and Naliyagan, Joey Ayala, Ice Seguerra, and Ms. Regine Velasquez.
Ang mga sumusunod ay kabilang sa official list of nominees of the #PPP4SamaAll Awards Night:
BEST PICTURE
Cleaners
He Who Is Without Sin
Metamorphosis
Kintsugi
The Highest Peak
BEST DIRECTOR
Glenn Barit (Cleaners)
Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)
J.E. Tiglao (Metamorphosis)
Lawrence Fajardo (Kintsugi)
Arbi Barbarona (The Highest Peak)
BEST ACTRESS
Sarah Chang (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
Nats Sitoy (Come On, Irene)
Hana Kino (Come On, Irene)
Hiro Nishiuchi (Kintsugi)
BEST ACTOR
Ken Yasuda (Come On, Irene)
Gold Azeron (Metamorphosis)
Gio Gahol (Sila-Sila)
Elijah Canlas (He Who Is Without Sin)
BEST SUPPORTING ACTRESS
Iana Bernardez (Metamorphosis)
Yayo Aguila (Metamorphosis)
Gianne Rivera (Cleaners)
BEST SUPPORTING ACTOR
Phi Palmos (Kintsugi)
Topper Fabregas (Sila-Sila)
Roweno Caballes (The Highest Peak)
Allan Gannaban (Cleaners)
Henyo Ehem (The Highest Peak)
BEST SCREENPLAY
J.E. Tiglao and Boo Dabu (Metamorphosis)
Glenn Barit (Cleaners)
Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)
Herlyn Alegre (Kintsugi)
Daniel Saniana (Sila-Sila)
BEST CINEMATOGRAPHY
Boy YƱiguez (Kintsugi)
Steven Paul Evangelio (Cleaners)
Takeyuki Onishi (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
Tey Clamor (Metamorphosis)
Emmanuel Liwanag (He Who Is Without Sin)
BEST EDITING
Noah Loyola and Che Tagyamon (Cleaners)
Mai Calapardo (He Who Is Without Sin)
Lawrence Fajardo (Kintsugi)
Renard Torres (Metamorphosis)
Annika Lok Yin Feign (The Helper)
BEST PRODUCTION DESIGN
Alvin Francisco (Cleaners)
Hai Balbuena and Rolando Inocencio (Kintsugi)
James Arvin Rosendal (Metamorphosis)
Lars Magbanua (He Who Is Without Sin)
Fritz Silorio (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
BEST SOUND DESIGN
Shichihei Kawamoto and Yuji Akazawa (Come On, Irene)
Dale Martin (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
Aian Louie Caro and Erlyn Tomboc (He Who Is Without Sin)
Arbi Barbarona (The Highest Peak)
John Michael Perez and Daryl Libongco (Cleaners)
BEST MUSICAL SCORE
Glenn Barit (Cleaners)
Arbi Barbarona (The Highest Peak)
Peter Legaste (Kintsugi)
Dale Martin and Tamara dela Cruz (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
Igo Gonzalez (Sila-Sila)
(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment