HAGONOY, Bulacan- Tila may nakikitang bagong pag-asa at liwanag ang iba't ibang sektor ng lipunan partikular ang hanay ng mga katandaan at ordinaryong mamamayan na lagi nang naghahanap ng tamang kalinga at atensyon sa katauhan ni Kapitana Mila M.Lacap matapos na ilunsad nito ang "Kamustahan ,Kwentuhan sa Barangay" . Bagaman hindi nagdedeklara ,parang apoy na naglalagablab ang pangalan ni Kap.Mila sa bawa't sulok sa 26 na barangay sa bayang ito nang simulan niya ang pagdalaw sa mga komunidad upang kamustahin ang mga residente gamit pa rin ang pagsunod sa health protocol guidelines ng Local Inter-Agency Task Force ang social distancing, pagsusuot ng face masks at face shield . Ayon sa mga mamamayan ,wala pa man sa mataas na posisyon sa pamahalaan ang itinuturing na "dynamic leader" ng Bagong Sto.Niño na si Lacap ,nagpapamalas na ito ng pruweba na ang paglilingkod ay nasa kanyang puso na handang tumulong na may malasakit sa kapwa at sa bayan Nagmarka si Lacap sa mga ordinaryong tao dahil sa sistema ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan barangay na taglay ang "puso at malasakit" kaakibat na ang kanyang "good governance and transparency" para igiya ang pamahalaang barangay na Bagong Sto.Niño. Si Lacap isang matagumpay na negosyante bago pa man pumasok sa larangan ng serbisyo-publiko noong 2018 barangay elections na kaagad nasungkit ang malaking tagumpay sa halalan kahit tutol ang kanyang pamilya ngunit mas kinonsidera ang makatulong at makapaglingkod sa kanyang mga ka-barangay sa Brgy.Sto.Niño. Mas lalong nakilala ang pangalan ni Kap.Mila nang masubok ang kanyang galing at talino sa pamumuno ng dumating ang delubyong pandemya dulot ng COVID-19 noong Marso 2020 nang ipamalas nito ang pagtulong sa kanyang mga constituents sa pamamagitan ng walo o higit pa na bugso o 8th Wave na relief operations ang kanyang naisagawa para matugunan ang pangangailangan ng mga residente habang nasa ilalim ng lockdown. Dahil sa mga ipinamalas na namumukod-tanging pagtulong sa kapwa at mahusay na pamumuno sa kanyang barangay, nananabik na makilala ng personal ng mga ordinaryong mamamayan sa mga kalapit barangay ang tinaguriang "people' s kapitana" na si Lacap. Sa pagbisita ni Lacap sa ilan barangay katulad ng Palapat,Tampok,San Jose,San Juan,Mercado at Sta.Elena, ilan sa mga nakaharap na suliranin sa Kamustahan at Kwentuhan ay ang kakulangan umano ng suporta sa senior citizens at programang pangkabuhayan. "Ang positibong pananaw natin na hinahanap ng ating mga kababayan lalo na ang ating mga senior citizens ay magkaroon sila ng social pension pagsapit ng kanilang edad na 60 bukod pa ang mabigyan ang kanilang hanay ng libreng check-up at laboratory test kasama na ang maintenance medicines na dadalhin sa kanilang mga tahanan upang hindi na sila magtungo sa Municipal Health Office at maging sa mga rural health units " ani Kap.Mila. Binigyan-diin pa ng opisyal ng barangay na marubdob ang kanyang hangarin na matulungan ang ating mga katandaan dahil mas higit nilang kailangan ng atensyon at pagkalinga bago pa man dumating ang takip-silim ng buhay ng ating mga senior citizens. Idinagdag pa nito ang kanyang adbokasiya na pangarap para sa bayan ng Hagonoy ay ang pagbibigay ng livelihood program para naman sa mga PWD's at solo parent na naglalayon na makatulong upang maitaguyod ng maayos ang kabuhay at pamumuhay ng bawa't 'pamilya, pagtatayo ng kooperatiba sa lahat ng sektor ng TODA at JODA para matugunan ang mga pangangailangan ,pagpapalakas ng scholarship program para sa hanay ng mga kabataan at iba pa na mga importanteng programa at proyekto na makakatulong para maingat ang antas ng pamumuhay ng mga Hagonoeño. (Ulat ni Bong Cruz)
No comments:
Post a Comment