KAMARA BINALAAN: HUWAG GAMITIN ANG BAKUNA SA PAGPAPABANGO NG PANGALAN


Binalaan kahapon ng isang medical group si House Speaker Lord Allan Velasco na huwag gamitin ang COVID 19 vaccine para bumango ang pangalan.


Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group matapos na rin sabihin ni House Secretary General Dong Mendoza na prayoridad ni Velasco na mapabakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan sa oras na maging available na ang COVID 19 vaccine kung saan inamin pa nitong nakikipag-ugnayan na sila kay Vaccination Czar Charlie Galvez hinggil sa nasabing bagay.