Monday, December 07, 2020

Juday, Ruby, Angie ligwak sa Famas; Kim Chiu Kapamilya sa hirap at ginhawa

INILABAS na ng FAMAS Digital Philippines ang mga nominado sa 68th Famas Awards  nitong Linggo, December 6 sa kanilang Facebook at YouTube. Karamihan sa mga nominado ay bida sa mga Indie films at mangilan-ngilan lamang ang mga bida sa mainstreams, gaya nina Kathryn Bernardo, Alden Richards  at Nadine Lustre.

Ang  virtual “awards night” para sa mga winners ay mapapanood sa Disyembre 20, Linggo, sa iFlix.

Magkakatunggali bilang best actress sina Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Nadine Lustre (Ulan), Bela Padilla (Mañanita), Janine Gutierrez (Babae at Baril), Jean Garcia (Watch Me Kill), at Angela Cortez (Jino to Mari).

Samantala ang pelikulang "Mindanao" kung saan nagwagi ang bida nitong si Judy Ann Santos for Best Actress sa Cairo International filmfest sa Egypt  ay hindi nakasama sa mga nominado para sa taong ito. Ganun din sina Max Eigenmann (Verdict) kung saan ito nanalo sa Asia Pacific Awards sa Australia at si Angie Ferro naman sa Pista ng Pelikulang Pilipino, Ruby Ruiz (Iska), at Angie Ferro (Lola Igna).

Tanging si Alden Richards (Hello, Love, Goodbye) ang kabilang sa mainstream actors at makakalaban niya sa best actor ang mga indie actors na sina, Elijah Canlas (Kalel, 15), Gold Azeron (Metamorphosis), Kristoffer King (Verdict), Nar Cabico (Akin Ang Korona), at Jansen Magpusao (John Denver Trending).

Gaya nina Judy Ann, Angie at Max, iniligwak din ang ilang award winning actors sina  Allen Dizon (Mindanao) at Raymond Bagatsing (Quezon’s Game).

Para sa best supporting actress, maglalaban sina Yayo Aguila (Metamorphosis), Ella Cruz (Edward), Meryll Soriano (John Denver Trending), Cherie Gil (Kaputol), at Dolly de Leon (Verdict).

Nominadong best supporting actor sina Ricky Davao (Fuccbois), Topper Fabregas (Sila-Sila), Boo Gabunada (Sila-Sila), Phil Ramos (Akin Ang Korona), at JC Santos (Babae at Baril).

Para sa best picture category, nominado ang indie films na Kalel 15, Babae at Baril, The Cleaners, Verdict, John Denver Trending, at Aswang.

Nominadong best director sina Jun Robles Lana (Kalel, 15), Rae Red (Babae at Baril), Glenn Barit (The Cleaners), Raymund Ribay Gutierrez (Verdict), Arden Rod Condez (John Denver Trending), at Jet Leyco (For My Alien Friend).

Nominadong best documentary ang Aswang, For My Alien Friend, at A is for Agustin.

Recipients ng special awards sina Angel Locsin (Fernando Poe Jr. Memorial Award), Pokwang (Dolphy King of Comedy Award), Liza Soberano & Matteo Guidicelli (German Moreno Youth Achievement Award), Boy Abunda (Dr. Jose Vera Perez Award), at Neal “Buboy” Tan (Advocacy Directing Award).

Ang lupon ng inampalan ay binubuo nina Raymond Red, Carlitos Siguion-Reyna, Kara Magsanoc-Alikpala, Paolo Villaluna, Sari Lluch Dalena, Baby Ruth Villarama, John Torres, Jon Lazam, Ditsi Carolino, Erwin Romulo, at Pepe Diokno.

                                                    *****

           


 Kim Chiu, Kapamilya sa hirap at ginhawa

PINATUNAYAN ni Kim Chiu ang pagiging loyal at solid Kapamilya noong nag-renew ito ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan lamang.

Emosyonal si Kim sa kanyang mensahe after her contract signing. Ipinost ng aktres ang clip ng kanyang contract renewal  sa sinasabing media giant (ABS-CBN) sa kanyang Instagram.

"Sums up my emotions today! SALAMAT ABS-CBN! Sasamahan ko kayo sa hirap man o sa ginhawa isang pamilya tayo! Walang iwanan! Maghahatid ng liwanag at ligaya," sabi ni Kim 

 Dagdag pa ng ‘It's Showtime’ co-host, “Proud Kapamilya. Always a Kapamilya and still a Kapamilya.”

Isa si Kim sa mga Kapamilya stars na nagpakita ng suporta sa ABS-CBN noong panahong iniligwak ng Kongreso ang hiling nilang franchise renewal. 

Nag-post din si Kim sa social media nitong July  at aniya'y,"My [heart breaks] for my fellow Kapamilyas. To those 70 members of the congress, we hoped that you decided based on conscience, not pride; based on facts, not ego; based on truth, honesty, and service; not vengeance.

"To the 11 members of the congress, THANK YOU for being BRAVE. Thank you for giving us HOPE   . Our ABS-CBN leaders did everything they can. Proved them wrong, showed everything, gave EVERYTHING to protect its people. Stayed calm amidst being bullied (sorry for my word). Did 13 hearings na paikot ikot, ABS-CBN proved that we have NO violations. In the middle of this pandemic. Pagpapasara ng ABS-CBN and pagpapatupad ng anti terror bill ang nangyayari. What is happening to our country?. #why."

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)                                                     

No comments: