MAY bagong ipinaglalaban ang mabait pero palaban at matapang na Public Attorney's Office (PAO) Chief na si Atty. Persida Rueda Acosta lalo kapag may naaping mahihirap.
Tunay ngang nasa puso na ni PAO Chief Acosta ang tumulong sa abot ng kanyang makakaya hangang makuha nito ang hustisya sa kanyang ipinaglalaban.
Katulad na lang ngayon na sa mismong opisina niya na kanyang pinamumunuan ang kanya ng ipinaglalaban, dahil sa prohibition na in-insert nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara sa 2021 General Appropriations Ac (GAA) Bill for 2021 ay nangangambang mawalan ng trabaho ang mga empleyado at doctor sa Pao Forensic Laboratory Division.
Laman ng naturang insertion na "Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division."
At hindi pabor si Pao Chief Acosta sa nasabing insertion kaya naman naglabas ito ng statement na di pumapabor sa gustong mangyari ng dalawang Senador.
"This insertion is unconstitutional, illegal, a violation of Civil Service Commission rules for permanent government employees and contrary to law. The insertion by opposition senators should be vetoed by PRRD (President Rodrigo R. Duterte) if it prevails in the Bicam, to maintain rule of law, human rights, and access to justice by the poor.” aniya.
Kaya naman daw umaasa si Pao Chief Acosta na pakikinggan siya ng Pangulong Rodrigo Duterte para na rin sa mga Filipinong mahihirap at mga pamilyang tumatangis hanggang ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa Dengvaxia vaccination.
*****
Laplapan with Miss Everthing kering-keri ni Ricky Gumera!
Masuwerte ang newbee actor at isa sa magbibida sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer“ na si Ricky Gumera, dahil after nitong bansagan na Millenial Totoy Mola ay sunud-sunod na ang gagawin nitong pelikula sa Godfather Productions ni Joed Serrano.
Pagkatapos nga nitong gawin ang “Anak ng Macho Dancer” ay gagawin at pagbibidahan naman niya ang pelikulang “Anak ni Totoy Mola.”
Siya rin ang napisil na maging leading man sa sex comedy movie na ‘Monay.’ Launching film ito nina Miss Everything at Monay Madrigal. Willing din daw si Ricky sa kissing scene at bed scene kay Miss Everything.
Todo-puri rin niya si Miss Everything dahil nagsama sila sa isang vlog at sinabon ang kanyang katawan. Napaka-humble daw nito kahit sikat na social media influencer.
“Panoorin n’yo kung paano ako sabunin ni Miss Everything,” Nangingiting pahayag ni Ricky.
(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment