Sunday, December 06, 2020

Benefit concert ni Marlo Mortel sa KuMu tagumpay!


 

LABIS-LABIS ang pasasalamat ng mabait na singer-actor na si Marlo Mortel dahil naging matagumpay ang kanyang benefit concert sa KuMu kamakailan.

Post nga ni Marlo sa kanyang FB account, “ Woke up with a happy heart! Thanks to everyone who supported my benefit streams on Kumu. Throughout the course of this campaign, we were able to raise funds and send donations to:

“Volunteer Corps PH - P60k + P50k worth of relief goods for the typhoon victims

“Tech for Filipino Youth  - P48k (16 tablets for the kids)

I “Love Enzoe Foundation - 20k (Chemotherapy for 2 pediatic cancer patients)

“Mommy Janeth - 21k (Mother of my fan who’s battling with Stage 4 Colon Cancer)

Posting all updates on my accounts for transparency and to let you know that your gifts have already reached them. Thank you for being a blessing!

Naging panata na ni Marlo na tuwing may  mga taong nangangIlangan ng tulong ay ginagamit niya ang kanyang god given talent sa pagkanta para maka likom ng salapi na kanyang ipinantutulong.



            *****

                    Re-opening ng CNHP sa Robinsons Novaliches successful

NAGING matagumpay ang re-opening ng CNHP (CN Halimuyak Pilipinas) Robinsons Novaliches branch last Dec. 5, 2020. Ang CNHP ay 100% gawa at  produktong Pinoy.

Maaalalang nagsara ito pansamantala  mula March 2020 dahil na rin sa Covid 19 pandemic. Pero nitong Dec. 5 ay nagdesisyon na ang CEO & President nito na si Ma’am Nilda Mercado Tuazon na muli itong buksan.

Ilan sa dumalo sa  muling pagbubukas ng CNHP Robinsons Novaliches branch ang tinaguriang PPop-Internet Hearthrobs Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start na isa sa ambassador ng CNHP at DJ Janna Chu Chu  ng Barangay LSFM at DZZB 594 anchor.

Masuwerte ang mga bumili ng mga produkto ng CNHP dahil sa discount at libreng  santizer sa pagbili ng iba’t ibang produkto ng ng CNHP.

Kuwento nga ni Ma’am Nilda, “Sana mas maraming bumili ng produkto CNHP para mas marami pa tayong matulungan na mga kababayan nating nangangailan ng tulong.“

“Abangan pa nila yung iba pang mga bagong produktong ilalabas ng CNHP, baka by 2021 na namin ilalabas. “ pagtatapos ni Ma’am Nilda.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)

No comments: