PURSIGIDO at ganado si Joed Serrano na magtuluy-tuloy sa pagpoprodyus ng pelikula ang movie outfit niyang Godfather Productions na handang sumugal sa paggawa ng magagandang pelikula. Hindi pa man naipapalabas ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ nina Ricky Gumera at Sean de Guzman na dinirehe ni Joel Lamangan ay may kasunod na agad ito.
Kung matutuloy ang plano ni Joed ay ang superstar na si Nora Aunor with Wendell Ramos ang bibida sa gagawin at ipoprodyus nitong ididirek ni Direk Adolf Alix, Jr.
Sa picture nilang naglabasan sa social media ay excited na silang mag-umpisa ng siyuting. Lalo na itong si Wendell na masayang -masaya sa pagsasabing, “See you soon sa set 'Nanay Guy' na lkinasanayan niyang tawag sa superstar. Naging .malapit kasi silang dalawa mula ng magkatrabaho sila sa ‘Onanay’ ng GMA 7 kaya excited na si Wendell na makaeksena na niya si Mama Guy hindi lang ss TV kundi sa big screen na nga.
Gusto nga kayang tapatan ng Godfather Productions ni Joed bilang producer ang Regal, Viva at Star Cinema na big movie productions ng bansa?! Abangan!
*****
Pasado bang singer si Marlo Mortel?
MATAGAL-TAGAL ding walang balita kay Marlo Mortel lalo na nang magshutdown nang tuluyan ang ABS-CBN 2 na nakakontrata siya'y lalong hindi na nakabalita sa kanya hangang sa may biglang post sa S=social media na visible pa rin siya sa showbiz.
Hindi nga lang sa pelikula at telebisyon kungdi sa pagpasok niya sa recording via Polyeast Recording kung saan may single record siyang ilalabas pati ang baguhang si Ron Macapagal.
Makapasa kaya sa mga music lovers ang boses ni Marlo at hindi kaya siya magaya sa ibang trying very hard singer na dinoktor lang ang boses sa recordking ng musician na nag- arrange ng kanta? That remains to be seen kung ok ding singer si Marlo. ‘Yun Na!
(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment