SA naglabang reviews para sa ‘Isa Pang Bahaghari’ movie nina Phillip Salvador at Nora Aunor via Heavens Best Productions ni Harlene Bautista ay nagkakaisa ang lahat na si Kuya Ipe ang bet nila for Best Actor sa nasabing obra ni Direk Joel Lamangan dahil sa napakahusay nito at walang kupss na pag-arte ika nga idagdag pa ang napakahusay na facial at matang reaksyon ni Mama Guy sa mga eksena nilang aantig sa puso ng manonood. Nagamit uli ng superstar ang expressive eyes niyang napakaepektibong subok na.
Pero ayaw umasa si Kuya Ipe. Masaya na sigyang naibigay niya pa rin nang maayos ang kanyang role at hindi pa rin kinalawang ang galing niya sa aktingan kung saan hangang-hanga siya sa galing nina Zanjoe Marudo. Sanya Lopez at Joseph Marco.
Ang gusto raw makatrabaho ni Kuya Ipe ngayon ay si John Lloyd Cruz na maugong ang balitang pagbabalik-showbiz nito. Magiging malaking hamon daw sa magaling na aktor kapag si Lloydie ang makakasagupaan niya sa akting. Talbooog!
*****
Sean at Ricky Gumera sapawan nga ba?
Nagsapawan nga ba sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ sina Sean de Guzman at Ricky Gumera?
‘Yan ang ilang feedback na naulinigan namin sa ilang production people na nakasaksi sa set ng movie ng Godfather Productions headed by the producer himself Joed Serrano na ayaw lang daw magsalita dahil positibo ang gusto niyang kalabasan ng promp nito.
Kaya kahit hindi maiwassng bahagyang magkaprersonalan daw sina Ricky at Sean sa pagpapakitang gilas sa kanilang akting ay deadma na lang sila. Pareho namang pasado kay Direk Joel Lamangan ang ipinamalas nilzang dalawa kaya manood na lang daw at mga kritiko ang siyang dapat humusga kung sino ang nag-stand out sa kanila. Talbooog!
(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment