Sunday, December 06, 2020

Maine, always proud kay Arjo Atayde

 

Maine, always proud kay Arjo Atayde


SA katatapos lang na 3rd Asian Academy Creative Awards 2020, ay si Arjo Atayde ang wagi rito bilang Best Actor In a Leading Role para sa iWant original series na ‘Bagman’ na pinagbidahan niya. O, ‘di ba bongga si Arjo, hindi lang sa 'Pinas kinikilala ang husay niya pagganap kundi maging sa ibang bansa rin? Mga foreign actors lang naman ang tinalo ni Arjo mula sa bansang China, Hongkong, India, Malaysia, Singapore, Indonesia, Taiwan, South Korea at Thailand.


Sa pagkapanalo ng binata, proud sa kanya siyempre ang kanyang pamilya, girlfriend na si Maine Mendoza, lahat ng mga nagmamahal sa kanya, at ang Pilipininas.

Tweet nga ni Maine patungkol kay Arjo, "always proud of you!"

In fairness, ang husay naman talaga ni Arjio sa ‘Bagman.’ Kahit nga ang award- winning actress na si Maricel Soriano, nang mapanood ang nasabing series sa advance screening nito dati, ay napahanga siya ni Arjo. Nag- dialogue pa siya sa mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez , na mas magaling pa raw kesa sa kanila si Arjo. O, di ba coming from the Diamond Star?

Bahagi ng speech ni Arjo sa virtual awarding ceremony, “I’m happy to be showing Filipino talent out there. I’m not just one of the actors here in the Philippines. There’s a lot of brilliant actors and I just hope for them to be able to show you even more of what we have in our country."

Mula umpisa ng speech niya ay mangilid -lingid ang luha niya at ramdam ang emosyon. Espesyal din talaga sa mga artista ang makatanggap ng parangal sa gitna ng pandemya.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)


No comments: