KONTRABIDA role ang natoka sa magandang newbie actress na si Angelika Santiago sa top rating TV series ng GMA-7, titled Prima Donnas.
Kasama ang BFF niya in real life na si Elijah Alejo, kabilang sila sa umaapi sa mga teens ng nasabing teleserye. At ayon kay Angelika, okay sa kanya ang pagganap sa kontrabida role.
Lahad ni Angelika, “Sa totoo lang po, mas okay po sa akin yung kontrabida na role. Kasi, growing up po sa former school ko, yun po talaga yung role ko lagi sa mga films namin sa school.
“Gusto ko pong maging mataray in camera po, kasi parang nag-a-add po siya ng tension kapag nagse-scene po ako, kasama ang mga kaibigan ko po. And nakakatulong po iyon para lalo naming magampanan nang maayos ang character po namin,” pahayag pa ni Jelay (nickname ni Angelika).
Sino ang gusto niyang sundan ang yapak sa pagiging kontrabida?
Aniya, “Actually, ngayon po talaga, nilu-look up ko po talaga si Ma’am Aiko. Hindi po kami nagkakaeksena, pero may scene po kami na nag-‘Hi’ lang po kami, pero sa Hi lang po ni Mommy Aiko, parang wow, nakakaano na… matatakot ka na, ganoon, hahaha!”
Anong nagustuhan niya kay Aiko? “Gusto ko po talaga sa kanya yung facial expression po. Kapag tumitingin siya, talagang yung kilay niya tumataas, ganyan.
Parang grabe, parang iniisip ko po, ‘Hindi ka ba natatakot Elijah?’ Kasi sobrang nakakatakot si Mommy Aiko kapag nagstart na, kapag in character na siya.
“Pero may times po na parang… yun nga po, nagkukuwento sa akin si Elijah na parang medyo nakakatakot talaga si Mommy Aiko, ‘pag into character na po.”
Nakatawang dagdag pa ni Jelay, “Pero kapag hindi na po take, ang bait po ni MommyAiko at talagang sobrang saya and ingay po sa Prima Donnas. Pati si Mommy Kat (Katrina Halili) po, maingay din po, hahaha!”
Samantala, masaya si Angelika na maging endorser ng Keracream shampoo at conditioner. Bagay na bagay siya sa produktong ito dahil kahit mahaba at hanggang baywang ang kanyang buhok, name-maintain niya itong maganda at maayos.
Siya rin ang endorser ng Shake King Frost.
Saad ni Angelika, “Ito pong Shake King Frost ay very reasonable po ang price at napakasarap. Plus, maraming flavors to choose from... bale, cake in a shake po siya na smoothie. Ang favorite flavor ko po is yung chocolate at red velvet. .
“Open na po ito for franchising nationwide, pls contact Arnel T. Bollena at 09298312885 and Ernalyn Villegas at 09427467323.”
Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang karera sa showbiz?
Tugon ni Angelika, “Wish ko lang po is more projects to come and bigger roles po. Kahit naman po small roles, okay lang po sa akin basta po may projects.”
(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment