NAGKAROON ng Christmas dinner party ang buong cast ng digital movie series na "The House Arrest of Us" nitong Linggo, December 6. Ang mga larawang kuha sa nasabing intimate Christmas dinner ay ibinahagi ng mga kasamahan sa nasabing pelikula.
Pahayag ng lead star na si Kathryn Bernardo, "Another project done, another friendship made!".
Kasamang dumalo ng aktres ang kanyang kalabtim sa film at boyfriend in real life na si Daniel Padilla.
Sa post ni Kathryn,. "Merry Christmas, de Guzman & Capili families! Love each and every one of you!"
Bukod kina Kathryn at Daniel, other cast members who attended the dinner party were Herbert Bautista, Arlene Muhlach, Dennis Padilla, Alora Sasam, and Riva Quenery.
Ang "The House Arrest of Us" ay isang romantic-family digital movie series handog ng Star Cinema about two individuals forced to live under the same roof by the lockdown, together with their respective families.
Ang nasabing mid-season trailer para sa film series ay ni-release nito lang Lunes, December 7.
Ang "The House Arrest of Us" ay directed by Direk Richard Ibasco Arellano, at nagkaroon ito ng premier showing last October on KTX and on iWant-TFC at mapapanood ito hanggang January 16, 2021.
****"
KASALUKUYANG nakikipaglaban sa sakit na leukemia o cancer sa dugo, si Zoey Taberna,12, ang panganay na anak nina Anthony Taberna dating ABS-CBN newscaster) at Rossel Taberna. Isang taon nang iniinda ni Zoey ang sakit simula nang matuklasan nila ang kanyang karamdaman noong December 2, 2019.
Nitong December 6 ng gabi, nagpaunlak ang mag-asawang Taberna para sa isang eksklusibong panayam ni Jessica Soho sa programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho.' Kasamang humarap ni Anthony ang asawang si Rossel at anak na si Zoey kay Jessica para sa isang panayam.
Sa kanyang panig, ipinagmamalaki ni Rossel ang katapangan ni Zoey sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay nito kahit sa murang edad.
Umpisang kuwento ni Rossel nabigla siya tungkol sa desisyon ni Zoey na isapubliko ang kanyang karamdaman, handa na raw ang anak at hindi na takot na isapubliko o ipost sa social media ang anumang pinagdadaanan nito. Nagulat nga raw si Rossele nang ipinost ni Zoey 'yung ginawang pagri-razor nung hair niya.
“Marami na rin kaming episodes in the past na talagang umiiyak siya, nadi-depress siya kaya po we’re proud na na-accept niya na po yun.” kuwento pa ni Rossel.
Pero nakaramdam daw siya ng guilt o kapabayaan kapag naiisip ang karamdaman ni Zoey.
“I feel very bad na pakiramdam ko po kasalanan ko. May mga signs na prior to that na sumasakit na yung tuhod niya, akala ko dahil lang lumalaki.”
Noong una raw ay di nila masabi na leukemia ang sakit ng kanilang anak.
Kuwento ni Rossel, “Hindi niya po nalaman talaga agad na leukemia po yung karamdaman niya.We always say na bone marrow disease, pero di po namin masabi yung exact word sa kanya, yung leukemia, dahil she might get scared.”
Pero isang araw nagkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin nila sa anak ang totoong karamdaman nito.
“Na -shock po siya. So, nung pauwi na kami, nasa sasakyan, iyak siya nang iyak, bakit hindi daw namin sinabi sa kanya na yun yung sakit niya.”
Masakit sa kanilang pamilya na nataon sa pandemya ang pinagdaraanan din ng anak na si Zoey.
Ani Rossel, “Kasabay nung kasagsagan po ng COVID dito sa Pilipinas, halos isang buwan po kami nasa ospital. And dun niya po naranasan yung pinakamahirap. Na talaga pong buto’t balat na po siya, almost a month po siyang walang solid food.
“Nagkaroon po siya ng singaw from outside the mouth hanggang throat, so hindi po siya nakakakain, puro yelo lang po. Talagang hindi na po namin siya makikilala, sobrang itim niya po. Natakot po talaga kami nung time na yun.”
Kahit paano ay naibsan ang bigat ng kanilang nararamdaman dahil natatanggap na raw ni Zoey ang pagkakaroon nito ng leukemia.
Hanga naman si Rossel sa pagiging positibo ng asawang si Anthony sa gitna ng kanilang kinakaharap na pagsubok.
Sabi ni Rossel, “Siya (Anthony) po yung Mr. Positive ng pamilya namin, na lagi niyang sinasabi na, ‘Pag may nangyari, tingnan mo kung ano yung positibo at dun ka mag-focus.’”
(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment