MASAYA ang tall, dark and handsome 'Its Showtime' Bidaman member na si Wize Estabillo dahil nakapasok sa 2020 Metro Manila Film Festival ang pelikulang 'Suarez The Healing Priest.' At kahit nga raw maikli lang ang role na ginampanan dito ni Wize ay happy na rin siya dahil first movie niya ito at nakasama pa sa MMFF 2020.
Kuwento nga ni Wize, “First movie ko po ang Suarez, sobrang saya ko kasi nakapasok siya sa Metro Manila Film Festival. Thankful ako sa Sarangola Media Productions at kay Direk Joven Tan dahil sa opportunity na nakasama ako sa movie,
“At kahit nga hindi ganun kahaba yung role ko, happy na po ako na isang maganda at makahuluhang pelikula ang kauna-unahan kong movie. Sana hindi ma-edit yung mga eksena ko para mapanood ko yung sarili ko hahaha, ipagpi-pray ko yan."
Makakasama ni Wize sina John Arcilla bilang Suarez the Healing Priest na personal na pinili ni Fr. Fernando Suarez si John Arcilla para gumanap ng kanyang katauhan sa pelikula, Jin Macapagal bilang young Suarez, hatid ng Saranggola Media Productions sa direksiyon ni Direk Joven Tan."
*****
John Loyd Cruz at Robi gustong makatrabaho ni VR Relosa
Ang mahusay na aktor na si John Loyd Cruz daw ang idolo ng isa sa lead actor ng BL Series/ Supernatural na “Cheat“ na si VR Relosa.
Ayon nga kay VR, “Iniidolo ko po si John Loyd Cruz, sobrang galing po niya umarte, iba pag siya yung nagde-deliver ng lines madadala ka talaga. Yung tipong pag napanood mo siya gets mo kaagad kung ano yung gusto niyang iparating sa mga manonood magaling talaga siya.
“Sana dumating yung time na makatrabaho ko siya, alam ko na malabo sa ngayon lalo na’t sikat siya, pero wala naman masama mangarap, malay natin bukas o sa makalawa katrabaho ko na pala siya."
Bukod nga daw sa pag-arte ay hilig din nitong mag-host at ang mahusay na host na si Robi Domingo naman ang kanyang idolo.
“Bukod sa pag-arte hilig ko rin ang pagho-host at idol na idol ko pagdating sa pagho-host si Robi Domingo, magaling siya, mapaseryoso man yan o may touch ng comedy kayang-kaya niya. Hopefully makatrabaho ko siya, dahil alam kong marami akong matutunan sa kanya pag dating sa hosting.“
Samantala makakasama ni VR sa BL/Supernatural Series na “Cheat“ sina Migo De Vera, Allora Alcantara, Daryll Rodriguez, Iya Canlas, Tuesday Vargas, Daiana Menezes at Claudia Enriquez directed by Craig Lines at nagsimulang mapanood sa Youtube every Tuesday ng gabi ang mga bagong episodes.
(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment