Wednesday, December 09, 2020

Ricky Gumera type si Ivana Alawi

 

INAMIN ng bagong ‘Totoy Mola’ na si Ricky Gumera na crush niya si Ivana Alawi. Pinapangarap niyang maging leading lady ang seksing aktres/vlogger.

“Pantasya siya ng bayan. Sexy siya. Alam mo ‘yung hitsura niya na simple lang pero ang lakas ng  dating sa mga lalaki. At saka ang ganda ng katawan niya, ang puti niya,” deklara ng baguhang aktor.

Ano ang unang gagawin ni Ricky kung sakaling hubot’hubad sa harapan niya si Ivana?

“Grabe! Baka ma-shock ako nu’n. Baka mataranta ako kung ano ang gagawin ko. Siyempre, titingnan ko siya tapos dadamitan ko.Tatanungin ko rin bakit siya nakahubad kasi hindi pa naman ako ready,” pakli niya nang nag-guest sa ‘Walang Basagan ng Trip.’

Anyway, si Ricky ay introducing sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer.’ Gaganap siya sa mapaghamong role bilang si Kyle, anak ni Jay Manalo. Ito ay sa direksyon  ni Joel Lamangan. 
Inanunsyo rin ng Godfather Productions producer na si Joed Serrano na bibida si Ricky sa ‘Bagong Totoy Mola.’

            ***** 

Marlo Mortel sunud-sunod ang proyekto

BUSY as a bee ang singer/actor/businessman na si Marlo Mortel kahit na nga kasagsagan ng pandemya. 

Bukod nga sa kanyang pinagkakaabalahang negosyo, ang “Ornstal “ ay sunud -sunod pa rin ang proyektong ginagawa nito .

Kasama si Marlo sa 2020 Merto Manila Film Festival movie na “Suarez The HealingPriest“ na entry ng Sarangola Media Productions at pinagbibidahan ng mahusay na actor na si John Arcilla at sa direksyon ng A1 director na si Joven Tan.

Ayon nga ka’y Marlo, “May movie kami sa MMFF (Metro Manila Film Festival) yung “Suarez The Healing Priest,” bale ang role ko dito ay isang reposter, bale isa po ako sa  main cast. Panoorin na lang nila ngayong Kapskuhan ( Dec. 25 ), kung paano tatakbo ang role ko dito, basta maganda siya at maganda yung movie naming.”

Bukod nga sa pelikulang “Suarez The Healing Priest” ay kakapirma lang nito sa Polyeast Recording Company. “I just signed with Polyeast Records pero di pa pino-post, abangan na lang nila yung album na gagawin ko next year.

Sunud-sunod din ang ginagawa nitong konsyerto sa Kumu na ang karamihan ay halos benefit shows na ang kikitain ay ibinabahagi nito para sa nga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Back to “Suarez The Healing Priest” nakakasama dito ni Marlo sina John Arcilla bilang Suarez  na  personal  na pinili ni Fr. Fernando Suarez si John Arcilla para gumanap ng kanyang katauhan sa pelikula, Jin Macapagal bilang young Suarez, Bidaman Wize Estabillo atbp. Hatid ng Saranggola Media Productions sa direksiyon ni Direk Joven Tan .

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)

 

No comments: