EXTRA TERRESTIALS’ MICROBES DELIKADO
GUMAGRABE pa ang covid sa US.
Nasaan ang kanilang mga eksperto?
-----$$$---
MAGPAPATUROK na ng covid vaccine ang Reyna ng Britanya na
si Queen Elizabeth sa mga susunod na ilang linggo.
Yung mga pulubi sa paligid ng Palasyo ay tatanghod muna
hanggang sa mga kasunod na taon.
----$$$---
NAIPASOK na sa Japan ang alikabok ng isang asteroid na
kinolekta mula sa kalawakan.
Hindi sana ito infected ng extraterrestials’ microbes.
-----$$$---
KABILANG daw ang mga mambabatas sa mga corrupt sa
gobyerno.
Huh, ngayon lang ba sila ipinanganak?
-----$$$---
PINEPESTE ng trapik ang Valenzuela dahil sa kapalpakan ng
NLEX sa RFID stickers.
Mahihina ang mga kukote.
----$$$---
LIMANG trilyong piso ang ihahanda sa 2022 budget.
Ito ay para may pambili sa mga botante.
-----$$$---
MALUNGKOT ang eksena ng belen sa Bethlehem.
Naka-astronaut helmet ang Sto Nino, may face mask ang
mag-asawang Jose at Maria.
Mababalam ang pagdating ng Tatlong Mago, kasi’y
naka-quarantine pa sila mula sa Malayong Silangan.
----$$$---
PAGDATING sa Bethlehem ng Tatlong Paham, walang
sasalubong ng mga tupa at kamelyo.
Ito ay dahil kinatay sila dahil sa hinalang mayroong African
Swine Flu.
----$$$---
AYAW makipag-ceasefire ng AFP sa CPP-NPA-NDF.
Para que?
----$$$---
TAMEME ang mga mambabatas sa legalisasyon ng marijuana.
Panibagong kaso ng kamangmangan.
No comments:
Post a Comment