GAME na game si Kim Chiu sa mga biruan nila ni Vice Ganda nitong Thursday, December 10, sa ‘It's Showtime's Tawag ng Tanghalan’ segment. Tinanong ni Vice si Kim kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ex-boyfriend sakaling magkrus ang ang kanilang landas isang araw?
"Ikaw Kim Chiu, nakasalubong mo siya. Magkasama silang dalawa," tanong ni Vice kay Kim.
Obviously,ang pinapatungkulan dito ni Vice ay ang ex niyang si Gerald Anderson na nali-link ngayon kay Julia Barretto.
Agad namang tugon ni Kim, sasabihin niya sa kanyang ex-bf: "Eh di kayo na!"
Sige pa sa pagbibiro si Vice kay Kim. Vice: "Magkasama silang dalawa, masaya pa."
Ganti naman ni KIm, "Kakalabitin kong ganyan. Eh di wow!".
Para naman kay Vice, sakaling magtagpo sila ng ex, ganito ang kanyang sasabihin. "Pakisabi sa jowa mo, salamat. Salamat dahil noon, ako ‘yung pinili niyang i-give up. At noong pinili niya akong i-give up, nakatagpo ako ng level up.”
Buwelta ni Kim, “Gusto ko rin ganyan! 'Yan na lang din pala 'yung akin!” sabay tawa..
"Sige ishe-share ko sa 'yo 'yun, text-text na tayo," ganting biro ni Vice.
Bagama't hindi pinangalanan ang kanyang ex-partner sa programa, hindi ito ang unang beses na pinagpiyestahan sa ‘It's Showtime’ ang tungkol sa kanyang ex-dyowa.
Gaya nitong nakaraang October, Kim was asked to like her ex-boyfriend Gerald Anderson's posts on Instagram as part of her "fun-nishment" in the "Mas Testing" segment of the noontime show.
*****
Kathryn sa Magnificent 7 ng 100 Digital Stars List
KABILANG ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa pitong Pilipinong napabilang sa taunang 100 Digital Stars List ng Forbes Asia na inanunsiyo nitong Martes, December 8.
Binansagang 'Magnificent 7' dahil pipito lang na Pilipinong celebrities ang pinarangalan, kabilang na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Vice Ganda, Marian Rivera, Angel Locsin, at Kim Chiu.
Napabilang sa listahan ng Asia-Pacific’s Most Influential Celebrities on Social Media si Kathryn dahil sa pagbibida niya sa dalawang highest-grossing films ng Pilipinas, ang The Hows Of Us noong 2018 at Hello, Love, Goodbye noong 2019.
Siyempre pa, proud na proud ang longtime reel-and-real life sweetheart ni Kathryn na si Daniel, 25,na kanyang nakatambal sa all-time box-office hit na The Hows Of Us.
Habang ang Kapuso actor na si Alden Richards naman ang kasama ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye.
Nasa “$20 million” ang kinita ng dalawang nabanggit na blockbuster movies, ayon sa Forbes Asia.
Sa Instagram Story ni Daniel nitong Miyerkules, December 9, ibinahagi niya ang screenshot ng artikulo ng Forbes Asia tungkol kay Kathryn.
Sa Instagram post ni Kathryn nitong Martes, sinabi nitong itinuturing niyang karangalan ang mapahilera "alongside people who put their influence to good use, especially in these trying times where the digital platform plays a huge role in raising awareness and promoting positivity.”
(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)
No comments:
Post a Comment